Kabanata 9

15.1K 455 205
                                    

Nagsimula ang umaga ko sa ngiti at pagka-excite. Unang umagang malaya. Unang umagang makakahinga nang maluwag. Nararamdaman ko na ang totoong pakiramdam ng paglanghap ng sariwang hangin. Magaan. Nakakawala sa sarili. Nakakaligaw. Nakakakunteto.

Hindi ko na rin naabutan si Logan kagabi dahil natulog na rin ako agad matapos naming magkwentuhan ni Terrence. Hindi na rin kami masyado nagtagal sa phone dahil may work pa siya at ako ay gigising nang maaga para sa unang umaga ko rito.

Wala si Logan sa kahit saang sulok ng bahay. Kaya nilingon ko ang hagdanan. Nasa second floor kasi ang isa pang kwarto at ang kwarto ko ay nasa baba, malapit sa kusina.

Hindi ko na lang siguro siya gagambalain. Tutal ay hindi rin naman kami required na sabay mag-almusal. Hindi rin required na dapat ay magkasama kami. 'Yon ang napagkasunduan namin— magkaroon ng magkaibang buhay habang nakatira iisang bahay.

Kinuha ko na lang ang aking iPad at saka vinideo call si Terrence. Alas-nuebe na naman na ng umaga kaya malamang ay gising na 'yon.

"Oh?" Bumungad ang kaniyang noo at kita rin ang kaniyang mga kilay.

Mahina akong natawa. "Kagigising mo lang?"

Nilapag ko ang iPad sa counter at nagtingin ng laman sa ref. Wala pa lang laman kung 'di tubig! Hindi pa rin pala nakakapag-groceries.

Binalingan ko ulit si Terrence na ngayon ay kita na ang kaniyang mukha hanggang balikat. Nakahubad siya at gulo-gulo ang buhok.

"Oo, kagigising ko lang din. Sabay lang kayo ng alarm ko. Alas-dose pa ang pasok ko ngayon. Magluluto ka?" aniya sa inaantok pa ngang boses.

"Hmm, walang laman 'yung ref. Nakakainis. Gusto ko pa naman mag-practice magluto. Kaya mamimili pa ako kaso hindi naman din ako marunong mamili. Hindi ko alam 'yung mga ingredients or 'yung mga need ko." Ngumuso ako at umupo sa high chair para mas maharap si Terrence.

He chuckled. Naglalakad na siya at mukhang paderetso sa CR. "Matututunan mo rin 'yan. Ano ba kasing lulutuin mo?"

"Ano lang naman..." Pumangalumbaba ako habang nakanguso, "Siguro, pancakes? Favorite ko kasi 'yon kaya gusto ko mag-try gumawa. Kaso medyo mahirap daw gawin 'yon? Or mahirap kasi hindi ko alam."

Natawa ulit siya at ngayon ay nakalapag na sa kung saan ang kaniyang phone at naghihilamos na siya. "Madali lang 'yon. Bili kana! Sasamahan kita magluto."

"Okay, sige! Kaso hindi ako marunong mag-drive. Mag-commute na lang ako. 'Saka bili na rin ako ng mga kailangan dito!" Pumalakpak pa ako sa pagka-excite.

Nakaka-excite na ako ang bibili ng mga pang-grocery. Gusto ko kasi 'yon... 'yung nagtutulak ng cart tapos mag-iisip kung ano ang mga kailangan sa bahay. Nafe-feel ko ang independency ko.

Ngumisi siya sa akin matapos mapunasan ang mukha niya. "Gusto ko na tuloy umuwi. Gusto na kitang makita. Samahan kita mag-practice..."

"Sige, ah! Gusto ko 'yan. Miss na rin kaya kita! Ang dami nating na-miss! Uwi ka na, ha?"

Tumango siya habang natatawa bago nagsimulang mag-tooth brush. Habang ginagawa niya 'yon ay inilipat ko ang call sa aking phone at naghanda na rin ako para makaalis na.

Bahala na diyan si Logan. Malaki na siya. At bibili naman ako ng mga gagamitin para sa bahay. Tatanungin ko na lang si Terrence in case na may mga hindi ako alam. Hindi ko na need si Logan. Siya na rin naman may sabi na hindi siya magiging kahit na anong figure sa buhay ko.

Nag-abang ako ng tricycle sa labas ng subdivision habang sumusulyap-sulyap kay Terrence na ngayon ay nasa kusina naman na at naghahanda na ng kakainin niya.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon