Special Chapter: Akaria

10.6K 170 16
                                    

Akaria

"Thank you po, Kuya!" Nagpasalamat ako sa panadero.

Naisip kong bumili ng crinkles bago pumasok sa school. Nagke-crave kasi ako sa parang... matamis. Sinalubong ako ni Jeremi.

"Omg, pahingi!" Binuksan ko ang plastic para makakuha siya nang maayos. "Sis, may chika ako!"

Nanlaki ang mga mata ko at napaangat ang mga kilay. "Ano 'yan?" Mahina akong natawa habang ngumunguya.

"Nag-break na pala 'yung crush ko pati 'yung jowa niya! Breaking news diba? May chance na ako. Oh my god, mare. Feeling ko nagbubukas na ang langit para sa akin." Tumingala pa siya habang nakahawak sa dibdib niya.

Mahina akong natawa at bahagyang napangiwi. "Si Yohan? Bakit ba crush mo 'yon? Matangos lang naman 'yung ilong tapos matangkad."

"Hoy! Ang sama mo. Ang gwapo niya kaya! Ang bango pa tapos ang galing kumanta." Siya naman ang nakangiwi sa akin.

Natawa lang ulit ako at napanguso. I never had crushes. Feeling ko walang gwapo sa mundo. Pero hindi rin naman sila pangit. It's just I can't even imagine myself liking or loving someone. Hindi rin naman ako bitter. Hindi rin ako hopeless romantic. Hindi ko lang siguro nakikita 'yung sarili ko na magkakagusto. Baka mag madre na lang ako.

"May gusto sa 'yo si Kalvin, bakit ayaw mong pansinin?" Curious ang kaniyang tanong habang naglalakad kami papasok sa classroom.

Napanguso ako at nagkibit balikat. "Typical guys. Matangkad. Gwapo siguro. Gusto ko 'yung unique. 'Yung mawawala ako sa wisyo kapag nakita ko pa lang siya."

She scoffed. "Omg ka. Ano bang klaseng lalaki ang magpaparamdam sa 'yo niyan? 'Yung mga katulad ni Sir Pransis?" Humagikhik siya.

'Yon kasi 'yung teacher na sinabihan ko ng gwapo. Mabait din kasi at magaling magturo. Galante rin sa grades. Pero itong bruha kong kaibigan ay ginagawan ng issue 'yung pag-appreciate ko kay Sir.

"Remi, break the stigma. Pwede bang platonic lang na appreciation. Walang halong kalandian. At saka, teacher siya!" sabi ko kaya humalakhak siya.

"Ikaw! Ang serious mo sa buhay. Hindi ko alam kung saan galing 'yang pagiging masungit mo."

"Masungit talaga ako. Malambing sa 'yo. Sa Daddy ko pati sa Kuya ko. Tapos wala ng iba. Pero mabait naman ako at galante. Marunong makisama. Hindi ko lang gusto talagang makihalubilo."

Hindi ko alam kung mali ba ako na gano'n ako? But that's how I see myself. Kind with a lot of boundaries. Hindi naman siguro masamang magtayo ng boundaries. Lalo na kung... lumaki tayong kulang ang pamilya. Ang hirap magtiwala. Kung ang nanay ko ay nagawang mag-vanish into thin air, kaya rin ng mga ibang tao.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa nanay ko. No'ng nagkamalay ako ay wala akong ni isang alaala niya. Wala akong naalala tungkol sa kaniya. I tried asking Kuya Timo, but he doesn't care. Hindi na rin niya iniisip ang nanay namin. Hindi rin naman na o-open ni Daddy. Wala na rin akong balak itanong. I'm fine with what's on the table.

Tutok kami ni Remi na nakikinig sa teacher namin. Kahit wala akong masyadong ma-gets ay tina-try ko pa rin mag-focus. Hindi naman ako nagfe-fail sa pag-aaral ko. As much as possible, I want to dream high.

For now... ang pangarap ko pa lang ay makapagtrabaho sa isang company. That's fine for me. At saka na siguro ako magpa-plan pa kapag nando'n na ako.

"Class, may clubs tayo for today! You can go na." Pumasok ang adviser namin matapos ng klase namin sa History.

Nagsilikpitan kami ng mga kaklase ko para makapaghanda na sa club. Ito ang isa sa mga gusto kong part tuwing Monday.

Kahit masungit ako at mailap sa mga tao. I have this soft spot on giving gifts to other people. Love language ko na siguro ang pagbibigay ng gifts. Kaya kahit hindi ko feel 'yung iba at may sungit akong taglay. They see me as the softest person I could ever be. Sometimes I do, too. Pero mas madalas nakikita kong sarado ako. Siguro... balance? Balance siguro ang ugali ko. I think that's much better.

Kaya naman bago ako magpunta sa club room namin ay sinamahan ako ni Remi na bumili ng chocolate bread sa canteen para ibigay ko 'yon sa mga club members ko.

"Libre ko rin ako, mamsh. Kahit isang egg pie lang at C2."

Hindi ako umapila at nilibre siya agad. Kung kaya kong ilibre ang iba, bakit hindi ko naman kayang ilibre si Remi? Kaibigan ko na siya mula elementary. Grade 10 na kami ngayon. Lumaki na kami nang sabay.

Kinawayan ko na si Remi dahil iba ang club niya. Artist's club siya habang ako ay Writer's guild.

Nakangiti agad ako bitbit ang isang plastic ng chocolate bread at binuksan ang pinto ng room. Marami na rin pala sila. Ang bilis nilang dumating.

"Hello po, good morning..." binati ko silang lahat.

Napatangin ako sa isang club member na nagbibigay na ng pagkain. Nasa isang box ang binibigay niyang nasa styrofoam na lalagyan. Meal ata 'yon. Parang may birthday. Tuwang-tuwa rin sila at mukhang hindi rin ako napansin.

Dahan-dahan kong itinago sa aking likuran ang dala kong chocolate bread. Bigla akong nahiya at... napaatras. Gusto ko lang sana sila bigyan kaso mukhang mayroon na ata. Nakakahiyang makisali.

Naupo na ako at itinago na lang sa gilid ko ang dala kong mga tinapay.

Dahan-dahang bumigat ang dibdib ko at tila parang mas naging malakas ang hangin ng air-con dahil sa biglaang panlalamig ng aking mga kamay.

_____

This is just an introduction. Hindi ito excerpt tulad kay Cait.

If you want to read Akaria's story, you can visit my profile.

Story: Chained Symphonies (The Ravels Inception #4)

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon