"Bakit parang ang clingy sa 'yo ni Logan?"
Nakatulala ako sa kisame habang si Terrence ay nakahiga sa sahig. Natapos na namin mapanood lahat ng gusto naming panoorin sa Youtube. Kami na lang din ang nagsawa.
Ngumuso ako at nagkibit-balikat kahit hindi naman niya 'yon makikita, "Hindi ko alam. Basta ngayong araw lang din talaga siya naging ganiyan. After no'ng sagutan namin no'ng nasa dining table kami. Later that night, he said sorry then kinabukasan ay naging ganiyan na siya."
Bumuntonghininga si Terrence. "I hope he's not up to something. You don't deserve that treatment again. Ayaw ko na ulit makita ka na kino-control. Sinasakal. Tinatakot at pinapabayaan. O hindi kaya ay nagpapanggap sa harap mo." May pagbabanta sa boses niya at kapag may gumawa no'n ay siya ang makakaharap.
Tipid akong ngumiti at tumagilid ng higa para makita ko siya. Naka-unan siya sa kaniyang braso habang nakatitig din sa kisame pero agad din siyang napatingin sa akin dahil gumalaw ako.
"Hindi ko 'yan naisip. Nararamdaman ko kasing totoo si Logan. Na na-realize niya na talaga lahat ng sinabi ko. At may risk when trusting, pero ayaw ko siyang i-discourage dahil lang sa pagdududa ko. I can protect myself. At kung sasaktan niya ako physically, do'n na ako hihingi ng tulong. Which is... medyo malabo naman siguro." Seryoso ako habang nakatitig sa kaniya.
Tumango-tango siya bago muling sinilayan ang kisame. "Just call me." May diin at paninigurado muli sa kaniyang boses.
"But..." binalingan niya ako, "Gusto mo ba siya? Bakit parang iba rin ang paninitig mo sa kaniya?"
"No, hindi ko siya gusto. Gumwapo lang siya sa paningin ko dahil sa pagbabago ng perspective niya sa akin. I mean, hinayaan niyang matuto ang sarili niya. Kaysa mag-stand siya along with his pride, he chose to listen."
"Ah... okay. Pero kung magugustuhan mo man siya siguraduhin mo munang talagang totoo ang intensyon niya. Mag-asawa na rin kasi kayo, wala na kayong choice. Kaya ang hirap hindi isipin na may kung ano siyang balak..." Seryoso siya at parang nag-iisip nang malala.
Napasinghap ako at tumihaya ulit. Bakit ba nag-o-overthink si Terrence? Although it's fine. Nag-iingat lang. Pero... hindi naman siguro? Hindi naman siguro 'yon ang pakay ni Logan.
"I can't trust him that much. Hindi ko siya kayang i-settle sa 'yo. Sana mas may patunayan pa siya bago ako mapanatag na safe ka sakaniya..."
Tumango ako nang marahan. He's right. I should observe him and give him more time. Ang hirap na nga talagang magtiwala. Para kasing normal na lang sa tao 'yung manloko at mag-take advantage. Nakaka... takot lang isipin.
"Thanks, Terrence. I'll put that in mind. Sleep na tayo! Magluluto tayo bukas no'ng garlic bread, 'di ba?" I changed the topic.
Mag-o-overthink lang din kasi ako. Gusto ko man maging concern para kay Logan, pero mas dapat akong maging concern sa sarili ko. It's me over him always. Wala pa nga rin kaming nabi-build na kung anong strong connection para panghawakan ko siya.
This is a risk. I should handle it precisely.
Kinakabukasan ay tulad ng inaasahan ko ay nauna si Terrence na magising at hinihintay niya lang ako ng ilang minuto pa bago ako nagising. 'Saka na kami dumeretso sa kusina, matapos asikasuhin ang mga sarili namin, para magluto.
"Ako na sa garlic bread, magprito ka na lang ng itlog at bacon. Ano bang iinumin natin?" aniya habang inihahanda ang tinapay.
"Bakit para kang nag-aaya uminom?" I chuckled.
Nangiti siya at naging mahinang tawa. "Ang aga, Yulia. Pero gusto mo ba uminom? Set natin 'yan. Pero 'wag ngayong gabi. Uuwi ako..."
"Ewan ko, ikaw mag-set. Hindi naman ako umiinom. Last na inom ko no'ng Senior High pa. Ang tanda ko na pero ngayon pa lang 'yung second time na iinom ako ng alak..." Umirap ako.
BINABASA MO ANG
The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General Fiction[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it wa...