Special Chapter: Caitriona

8.9K 169 3
                                    

Caitriona

"Are you serious?" I murmured in irritation when I heard my brother outside of the entrance door of our house.

Bakit sakto pa? Bakit kung kailan lalabas ako ay 'saka dadating ang magiting kong Kuya?

Napabuntonghininga ako at walang buhay na maglalakad na sana pabalik sa taas nang bumukas na ang entrance door.

"Oh, Cait? Saan ka pupunta?" I turned just to give him my disappointed face.

He's just casually standing there- curious and happy about where I am going. It's already 10 p.m. Tulog na si Mommy. At ang magiting kong Kuya ang hindi magpapaalis sa akin.

"Nothing. Wala. Hindi na ako aalis." Hindi ako umalis dahil papagalitan ako ni Kuya Zane kapag iniwan ko siya habang nag-uusap pa kami.

"Gabi na, ah? Balak mo sanang umalis ng ganitong oras? Bukas ka na umalis, Cait. Baka kung anong mangyari sa 'yo." Naging mapag-alala na ang kaniyang mukha kaya tumango na lang ako.

I respect him as my older brother. I respect my Mother just like how I respect myself. They're the ones who took care of me since then. Wala na akong hihilingin pang iba, kung hindi ang makasama sila. Pero... minsan... I want them to disappear, so I could enjoy my life without hindrances.

I don't hate them or even dislike them. They're just trying to protect me. I know that. It's given. But the fact that I can't even do what I want to do is just... too suffocating.

Pinalaki kami ni Mommy na may relasyon sa Diyos. I admire her for centering our family with His blessing and guidance. But I wanted a different path. Away from theirs. And at the same time, I still wanted to be part of their lives. If they could just let me do... what I love to do. It would be much easier.

"Kuya, ikaw, saan ka galing?" I interrogated him.

"Side line? I'm still working on something. Nagmumuni-muni lang din ako. Bakit? Anong iniisip mo? Ikaw, ha? Wala pang girlfriend ang kuya mo." He chuckled and patted my head playfully.

I scoffed. "Malamang. Baka nga mag pari ka sa sobrang dedicated mo kay Lord."

Sinundan ko siya sa kusina. Nagsasalin siya ng tubig sa baso. Humalukipkip ako. Kailangan kong bolahin 'to si Kuya para makalayas ako ngayon. I can't miss this night.

"Hindi ako magpa pari, Cait. May plano akong mag-asawa at magkaroon ng mga anak. Inaasikaso ko lang din muna ang nasira kong pangarap. Tinutulungan din ako ni Lord na mahanap ang para sa akin..." He smiled and drank his water.

Tumaas ang gilid ng labi ko. "Like... uhm... tinutulungan ka ni Lord hanapin ang the one mo?" Nakangiwi ako sa kaniya.

He shook his head and licked his lips after he placed the glass to the sink. "It's about my calling. My dream. My passion. At umakyat ka na, Caitriona. Hindi ka makakalabas dahil sa sala ako matutulog. 'Wag mo na akong utuin," deretso niyang sabi.

Bumuntonghininga ako at kusang umangat ang kilay dahil sa malalang pagkadismaya. "Kuya, I need to go out. May kailangan akong puntahan... Please?"

His jaw clenched. His eyebrows met harshly. "Caitriona."

Napalunok ako nang banggitin niya ang buong first name ko. Patay ako nito. Pero kailangan ko talagang umalis ngayon. Kailangan kong maka-attend.

"Gaano kahalaga ang pupuntahan mo? Sino ang makakasama mo? Bakit ngayong gabi dapat kayo magkita?" Siya naman ang humalukipkip ngayon.

I still maintained my expression. Crossed arms. "Si Victoria. May lakad kami ngayon. Mag-club kami. I'm old enough, right?" I raised my brows.

Humugot siya ng malalim na paghinga habang deretsa ang mga mata sa aking mga mata. "You're old enough, Cait. Pero hindi ka responsable."

Bahagya kong inunat ang aking leeg. Here he goes again. To his sermons. To his brother figure moments. I love and hate it at the same time.

"Ihahatid kita. Uuwi ka ng..." he checked his wrist watch, "alas-dos. Maximum two-thirty. Susunduin kita. Call me-."

I immediately cut him off. "No need! I can go home by myself. Hindi naman ako mag-iinom. Mag-juice lang siguro ako." I smiled.

Tiningnan niya ang damit ko. "You're wearing a jagger and spaghetti strap. And an ankle black leather boots for clubbing?"

"Yeah! Why not? Papagalitan mo ba ako dahil parang pick-me ang damit ko?" I didn't forget the sarcasm. But I just want to escape this and I'm just making excuses.

"No, you're free to dress whatever you prefer. Hindi ka pick-me. Maganda ka at natural na sexy. Predators will be predators kahit ano pang suot mo. Kaya, no. It's just... hindi ka mukhang sa club pupunta." Seryoso siya habang nakahalukipkip pa rin.

Napasinghap ako nang patago. "Kuya, can you just please let me go? Male-late na ako sa appointment namin ni Victoria."

"Konsensya ko kapag may nangyari sa 'yo. Kuya mo ako. I want to make sure that you're safe. Paano kapag hinanap ka ni Mommy sa akin? Parehas pa kaming namoblema?" May kung anong pagpapagalit na sa kaniyang boses.

Inayos ko ang buhok ko para hindi ko paikutin ang mga mata ko sa kaniya. Inilabas ko ang frustration ko sa aking pag-aayos ng buhok.

"Yeah, pupunta ako sa club, Kuya Zane. Uuwi rin ako afterwards. Wala naman akong pupuntahan na iba. Ihatid mo ako papunta ro'n at ihatid mo ako pauwi. Will that be fine?"

Suminghap siya at saka unti-unting tumango. "That's more likely. Okay, tara na."

Napapikit ako sa frustration at sa kagalakan. 'Yon lang pala ang magpapapayag sa kaniya. Paano ako aalis niyan sa club? Panigurado ay babantayan ako ni Kuya Zane sa labas para lang masigurado na hindi ako lalabas do'n.

Habang nasa biyahe ay tinext ko si Victoria.

Cait: Girl, pumunta ka sa The Illis. Ihahatid ako ni Kuya. Explain ko later.

Victoria: Bakit girl? Walanghiya ka. Bakit mo sinama 'yang kuya mo?

Cait: HE INSIST! He won't let me go unless I let him drive me to there. Kunwari na lang sa club tayo. Tapos hintayin na lang natin siya umalis.

Hindi ko talaga mauutakan 'tong si Kuya Zane. Mukhang pinanganak ata siyang matalino at mautak sa lahat ng bagay. 'Yon nga lang... walang pag-ibig.

-

This is just an excerpt. To continue on reading, you can read Caitriona's story by visiting my profile.

Story: Bittersweet Rendezvous (The Ravels Inception #2)

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon