Kabanata 6

16.6K 360 33
                                    

Linggo pa lang ay kinukulit ko na si Terrence kung anong nangyari no'ng Sabado pero paulit-ulit niya rin sinasabi na sa Lunes na lang daw para mas maikwento niya nang maayos.

E, 'yon na nga 'yung araw na plinano namin na papupuntahin namin si Logan do'n!

"Ikwento mo na!" madiin pero pabulong kong sabi kay Terrence sa kabilang linya.

Humalakhak siya. "Parang nanggigil ka na, ah."

Hindi ko kasi pwede lakasan 'yung boses ko dahil baka marinig ako. Wala naman kasi akong kaibigan para magkaroon ng katawagan. Tinatago ko rin kasi si Terrence kay Daddy pati sa mga bantay ko.

Hindi nila pwedeng malaman na may koneksyon kami ni Terrence. Maari nila kaming makita 'pag nag-uusap kami sa school dahil mag kaklase naman kami.

Nakikisakay rin naman si Terrence kapag may nakikita kaming bantay. Kunwari galit siya sa akin at kinausap niya lang ako dahil may pinapasabi.

"Ano ba kasing nangyari? Ayaw kong magulat bukas. Baka mamaya ando'n na 'yung jowa niya..." Sumimangot ako at tumihaya.

Nakatitig ako sa kisame habang naiiritang pinapakinggan ang paghalakhak ni Terrence sa kabilang linya. Ang pangit pala nitong asahan, kailangan may asar muna.

"Sasabihin ko na nga. Baka mamaya hindi mo ako kausapin bukas..." He giggled mockingly.

Hinintay ko ang mga susunod niyang sasabihin kaya napa-upo ako para makapag-isip ako nang maayos. Kung sakali mang nakakagulat nga 'yon.

"Nalaman ko na kung sino ang girlfriend niya. Senior din pala tulad natin. Kaya patago rin siyang nagpupunta sa school minsan."

Nangunot ang noo ko. "How come na hindi ko siya nakikita? Or kahit ikaw?"

"Oo, hindi ko rin siya nakikita kaya nagulat din ako na nagpupunta pala siya sa school. Si Bianca ang girlfriend niya. Sa STEM-4."

Napa-o ang bibig ko. "Omg! I know her. Bianca Garcia? 'Yung matangkad na girl na palaging sumasali sa mga pageant at kasali rin siya sa volleyball team, 'di ba?"

"Oo, maganda nga 'yon. Mabait din tapos hindi gano'n kahinhin at hindi rin gano'n kasiga." He chuckled.

Napahiga ako bigla ulit dahil sa nalaman. 'Yon ang girlfriend ni Logan? Gano'n 'yung tipo niya tapos gusto nila ako ibigay kay Logan. Sobrang layo ng ideal guy ko kay Logan at gano'n din ako sa kaniya.

"Gaano na daw sila katagal?" curious kong tanong.

Bigla tuloy akong naging interesado kay Bianca. Pinapanood ko lang siya before. Wala naman ako masyadong interest sa kaniya dahil isa rin siya sa mga hindi ako pinapansin. Nakausap na rin niya 'yung tatay ko kaya mukhang kilala na niya ako.

Madalas kasing mag-sponsor si Daddy para sa events sa school. Kaya kapag siya ang nananalo nakakausap niya talaga si Daddy kasi kailangan.

"Senior High pa lang daw si Logan no'n sila na. Baka one year na rin?"

One year? Ang tagal na! Hindi kaya alam ng parents niya 'yon? Bakit parang nakikisama sila sa pag-set up sa amin ni Logan. Hindi ba sila naaawa kay Logan? I mean... lahat ba talaga ng mga magulang ganito? Ano bang meron sa kanila? Bakit kailangan sila nasusunod sa desisyon ng mga anak nila? Parang kapag mayroon kang maayos na pamilya—lalo na 'yung may maayos na mindset— sobrang swerte mo na siguro. Ang rare, e.

"Alright, mas magiging madali para sa atin na makausap si Bianca since taga ro'n lang din pala siya. Siya nalang ang kukumtyabahin natin para mapapunta si Logan," sabi ko habang tumatango-tango dahil sa na-imagine na outcome.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon