Kabanata 8

14.5K 383 49
                                    

Nagsimula ang event ng birthday ko sa pagpapakilala at pasasalamat ko. Pero natapos din agad ang spotlight sa akin dahil si Daddy na ang nag-take over.

Marami siyang sinabi tungkol sa mga plano niya sa akin. Sa business niya. At wala kahit ni isa ang hindi sumang-ayon sa kaniya. Lahat ay natutuwa dahil 'yon daw ang mga plano niya para sa akin. Pero kahit isa ay wala kong gusto ro'n.

Habang kumakain ay nasa tabi ko si Logan. Seryoso lang siya at mabagal ang pagkain habang nakatingin sa hinire na classical singer ni Daddy na ngayon ay nagpe-perform ng malumanay na kanta.

Nakaka-suffocate... kaya naisipan kong magsalita at magsimula ng kwentuhan. Kahit ayaw ko sana. Kasi kahit ano namang gawin ko, galit si Logan sa pamilya ko. Kaya wala siyang interest na maka-usap ako.

"Sabi ni Daddy bibigyan niya tayo ng 1 month or less..." I looked to him, but he seems not to care.

Walang gana ang mga mata niya. Mabagal ang pagnguya niya at parang hindi nabawasan 'yung pagkain niya sa konti ng pagbawas niya ro'n.

"Bakit hindi na lang nila tayo ipakasal ngayon din?" Binalingan niya ako. Galit ang mga mata niya. Maraming hinanakit.

I sighed. "Ayaw mo ba munang maging comfortable tayo sa isa't isa kahit pa-paano? Ikakasal tayo. Magiging mag-asawa."

He scoffed then it eventually it became a sarcastic laugh. Umiiling-iling pa siya at saka umiwas ng tingin. "Hinding-hindi ako magiging comfortable sa 'yo, Yulia. Araw-araw kong isusumpa ang bawat araw na dumadaan 'pag kinasal na tayo."

Napalunok ako nang madiin. Ang sikip lalo sa dibdib. Kausapin ko man siya o hindi— masikip pa rin sa dibdib. Nakaka-suffocate pa rin. 'Yon na siguro ang hindi na talaga magbabago.

Dahil sa galit na nabuo sa kaniyang dibdib. Galit sa pamilya ko.

Bakit ba nila naisip 'to? Akala ba nila magkakasundo kami ni Logan? Parehas naman namin 'tong ayaw. Parehas kaming galit sa mundo na ibibigay nila ngayon sa amin.

Nagagalit din ako. Pero... pagod na ako para magalit. Twenty-six na ako. Ang dami ko ng kinatatamaran i-deal. Habang lumalaki kasi naisip ko na may mga dapat akong harapin at may hindi na. Kailangan ko na lang dahan-dahan tanggapin na gano'n na talaga ang isang certain na bagay. Kahit nakakalungkot man o nakakainis.

"Bakit wala kang ginawa para mapigilan 'to? Akala ko ba ipaglalaban mo si Bianca?" Nakatingin din ako sa tinitingnan niya.

Mas mabuting hindi na lang magtagpo ang mga mata namin.

"Kami pa rin naman ni Bianca. Hindi naman na siguro mahalaga 'yung opinyon mo at ng ama mo, 'di ba? Ginawa ko na nga 'yung gusto niya." Madilim ang kaniyang boses. Parang nanggagalaiti sa galit.

Hindi ko siya pipigilan do'n. Ang mahalaga siguro ay makaalis na ako dito. Hindi na rin naman namin kailangan i-deal ang isa't isa. Tamang pakikisama na lang siguro kapag magkasama na kami sa bahay.

"Yeah. You can keep that. Wala akong tutol diyan. Basta itago mo na lang kay Daddy. Lagot tayo parehas." Walang emosyon ang aking boses.

"Pero..." Napatingin na ako sa kaniya ngayon, "Alam ba ng mga magulang mo 'yan?" tanong ko.

Hindi niya ako nilingon. Kung ano expression niya kanina ay 'yon pa rin hanggang ngayon— madilim at galit.

"Hindi nila alam. Hindi rin alam ng parents niya. Matagal na kaming pinaghiwalay. Ayaw lang namin." Bahagya siyang suminghap bago sumimsim sa kaniyang wine.

Tumango-tango ako bago muling iniwas ang tingin ko. "Hindi naman natin kailangan kumilos na parang mag-asawa. Sapat na siguro 'yung may pakikisama tayo sa isa't isa. Respeto at integridad." Matigas naman ang boses ko ngayon.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon