Timoteo
Life gives us the unexpected things. Hindi tayo maaring mag-demand ng gusto nating matanggap lalo na kung para sa sariling kasarapan lang naman. Tulad ng ibang mga pamilya, nakaranas din ang pamilya ko ng hirap at gulo.
Magkaiba ang buhay sa Maynila kung ikukumpara sa Resita. It's different. Magkaiba ang takbo ng oras kahit nasa iisang bansa lang naman kami.
I grew up without a mother. Malabo na ang alaala ko noon. Ang alam ko lang ay lumipat kami ng bahay at wala si Mommy at 'yung dalawa kong kapatid pa. None other than that, wala na akong maalala. Masyado nang matagal.
Dad and I never talked about it as well. Hindi ko rin naitatanong dahil hindi rin naman ako naghahanap ng nanay. Gano'n din si Karia. Sanay na sanay na kami kay Daddy. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na wala na akong pakialam sa nanay ko. It's just... it's better like this. Sa tingin ko mas magiging komplikado pa ang lahat.
"Kuya, I baked these cookies. You can give it to your co-prof. Cutie 'yan dahil may mga faces." Tipid akong ngumiti nang inabot sa akin ni Karia ang isang box ng cookies.
"Where's Daddy?"
"Nasa office niya. Binigyan ko rin siya ng cookies. Good mood naman. Okay-okay naman siya ngayong araw. Minsan palaging malalim iniisip ni Daddy... nahihiya lang akong magtanong." Ngumuso siya.
Tumango ako at napasinghap. Ganito siya mula noon pa. Hanggang sa naalala ko, ganito na talaga si Daddy. Palagi siyang maraming iniisip. But he's fine. Palagi niyang sinasabi na okay lang siya. Mukha naman siyang okay kaso mukhang kailangan niya ng masasabihan ng mga bagay-bagay. Hindi ata siya komportable kausapin kami tungkol sa mga 'yon.
______
This is just a teaser. Magkakaroon ng spoilers kapag tinuloy ko pa. But if you want to read Timoteo's story you can visit my profile.
Story: It All Ends Here (The Ravels Inception #1)
BINABASA MO ANG
The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General Fiction[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it wa...