Kabanata 4

17.4K 434 189
                                    

Nakatulala ako sa kisame habang pagod na pagod ang mga mata. Nahihibang lang ata ako sa naisip kong may magagawa ako at makukuha ko si Terrence.

Hindi naman pala totoo ang pag-asa sa taong tulad ko. Sa buong buhay ko naniwala ako na maari pang magbago ang buhay ko... na sana kahit katiting ay magkaroon ako ng chance na magkaroon ng maayos na buhay. Pero wala talaga, e— wala na talaga akong pag-asa. Sirang-sira na ngayon pa lang. May isang salita ang tatay ko kaya wala na akong magagawa ro'n.

Kaya... pwede bang hilingin ko na mamatay na lang ako para matigil na 'to lahat?

Masama ba 'yon na gustuhin ko na lang na mamatay para hindi ko na kailangan maranasan lahat ng 'to. 'Yon na lang kasi ang kaya kong magawa para makatakas dito. Para may magawa naman ako para sa sarili ko.

Napabangon ako bigla kahit na mabigat na mabigat ang katawan ko. Kung hindi lang natural sa katawan ng isang tao ang pagkurap at paghinga ay baka hindi ko na rin nahanap ang lakas para gawin 'yon.

Umiyak lang kasi ako pag-uwi ko at hindi ko na lang namalayan na nakatulog na ako pero nagising lang ako dahil sa masamang panaginip.

'Yung panaginip ko na mas lalo lang lumala ang lahat. At kahit kamatayan ay hindi naging solusyon para makatakas ako ro'n. Gano'n siya kasama.

Hindi ko alam kung saang lupalop sa katawan ko nahanap ang lakas para makatayo at para pumunta sa kusina. Maghahanap ako ng alak. Para malasing ako tapos makatulog ulit ako. Hindi ko kasi alam kung makakatulog ulit ako. Baka mulat lang ako hanggang umaga. Wala naman akong sleeping pills.

Nang nakakita ako ng mga can of beers ay kumuha ako ng lima. At kinuha ko rin 'yung isang bote ng soju. Binuhat ko 'yon gamit ang damit ko at saka ako nagpunta sa garden.

Tulog na sila Daddy. Patay na ang ilaw sa buong bahay at tanging ang liwanag na lang ng buwan ang nagbibigay sa akin ng ilaw sa garden. Wala rin naman akong interes buksan ang ilaw. Mas gusto ko madilim.

Nilapag ko sa lamesa ang mga alak na kinuha ko at saka naupo sa sahig. Pag naubos ko kaya 'to malalasing ako?

Ngayon lang kasi ako iinom ng alak. Bago man lang ako mamatay ay makatikim ako nito. Maranasan kong malasing. Maranasan kong mahilo dahil sa tama ng alak.

Napangiwi ako nang sinimulan kong inumin ang isang lata ng beer. Mapait 'yon at parang soft drinks na may hangin na maiiwan sa lalamunan kaya mapapadighay ang kung sinuman ang uminom nito.

"Ang pait, parang 'yung buhay lang ng tatay ko. Dinamay pa ako. Putangina..." Sarkastiko akong natawa bago tuloy-tuloy na nilaklak ang isang lata ng beer.

Nagpakawala ako nang malakas na pagbuga ng hininga nang naubos ko sa isang laklakan ang isang beer. Dumighay ako at walang pag-iingat na inilapag 'yon sa lamesa.

Dumapo ang mga mata ko sa soju, ano kayang lasa nito? Sa mga napapanood ko ay napapangiwi rin sila. Baka mapait din gaya ng beer?

Ipinagkibit-balikat ko 'yon bago binuksan para laklakin din.

"Ahh... pait!" Ngiwing-ngiwi ako at muling sumimsim sa bote.

Hinihingal pa ako nang ibaba ko 'yon sa lamesa. Nakalahati ko agad siya. Parang umiikot na rin 'yung paningin ko nang bahagya. Ganito ba talaga kabilis malasing? Ang weird naman. Dapat matagal pa, 'di ba?

Umiling-iling na lang ako dahil wala na akong pakialam kung parang umikot ang paningin ko. Nilaklak ko muli ang soju at sinigurado kong sa pagkakataong ito ay mauubos ko siya.

Pagkalapag ko ng ubos na bote ng soju sa lamesa ay binuksan ko agad ng isa pang beer at agad 'yon nilaklak. Hindi ko 'yon tinigilan hanggang sa maubos ko rin.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon