Special Chapter: Zane

11.2K 200 19
                                    

Zane

Pinalaki ako ni Mommy na puno ng pagmamahal. May takot sa Diyos. Dinala niya ako sa daan na makakabuti para sa akin. She never hinders whatever I prefer, but she's there to guide me and to help me whenever I needed someone.

Pero ako mismo ang nagkaroon ng sama ng loob sa tatay ko. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung araw na nakita kong iyak nang iyak si Mommy habang inaasikaso kami ni Cait. She was hurting insanely. Nanginginig ang mga kamay niya and I can't do anything. I was just five years old. Anong magagawa ko?

All I can do is to comfort my Mother. To love her endlessly for providing for us that my father failed to do. Naaawa kasi ako kay Mommy. She doesn't deserve this.

Simula ng umalis si Daddy, nahirapan kami financially pero nakaya ni Mommy na mapag-aral kami ni Cait. Naghanap siya ng trabaho agad para makapaghanap ng source of income. Dahil kanino pa ba kami aasa? Wala na. Wala na 'yung tatay namin. Iniiwan na lang si Cait sa kaibigan ni Mommy na si Kuya Terrence hanggang sa nag-aaral na rin siya.

Sa mura kong edad, nakita ko ang gano'ng paghihirap. Gusto kong malungkot at mapanghinaan ng loob pero alam ko paglaki ko... ako ang magpoprotekta sa kanilang dalawa. I need to be strong for them. I was really determined at the age of five! Para akong batang nangangarap maging pulis at protektahan ang mga naaapi.

Akala ko wala lang 'yung naisip ko, dala lang ng nangyari. At bilang bata, akala ko dahil bata ako ay wala lang 'yung naisip ko. Pero dadalhin ko pala 'yung thought na 'yon hanggang sa lumaki ako.

Nahirapan si Mommy financially no'ng nag-college kami ni Cait. Pero she never failed to provide. She hustled for us. Ginawa niya lahat para makapagtapos kami ng pag-aaral ni Cait. Gusto niya kami mabigyan ng magandang buhay katulad ng palagi niyang sinasabi sa akin.

Sinasabi niya palagi na bantayan ko palagi si Cait kapag wala siya. Hindi niya raw alam ang mangyayari sa kaniya kapag may nangyari pang masama sa amin ni Cait. Palagi niyang sinasabi sa akin na lumapit ako kay Lord kapag may wino-worry ako at lahat ng hindi ko masabi sa kaniya dahil babae siya ay kay Lord ko na lang sabihin.

She knows that I'm also struggling. I don't have a father. May mga diskusyon sana na gusto kong i-open kay Daddy... pero... wala siya. At patuloy lang kaming nahihirapan nina Mommy.

All I can do is to blame my father. Ayaw ko sana dahil alam kong may dahilan si Lord kung bakit 'yon nangyari. Kung bakit umalis si Daddy. Pero hindi ko maintindihan kung bakit. Kung bakit iniwan kami ni Daddy. Paano niya nakayang iwan ako, si Cait, lalo na si Mommy? Hindi ko ma-imagine o maisip kung saan lupalop niya hahanapin 'yung dahilan kung bakit niya kami iniwan.

Nahihirapan kasi ako sa pagpili ng program na para sa akin. Gusto ko mag-multimedia art pero... naisip ko na mahihirapan kami financially kapag ka-graduate ko. Hindi naman secured 'yung trabaho ko agad. Panganay ako. Kailangan kong tumulong kay Mommy. At para na rin sa sarili ko. Kailangan ko rin magkaroon ng stable job at ipon para sa akin.

Pero pinilit ako ni Mommy na kuhanin ang gusto ko. She still supported me despite of my worries. Sasamahan niya akong i-figure out ang mga worries ko. Kasama rin namin si Lord sa pag-figure out ng mga hakbang ko. I was really contented. I have my Mother, my sister, and God. Wala na akong hihilingin pang iba.

Hanggang sa maka-graduate ako, wala pa rin akong nahanap ng trabaho. I started questioning myself... if I chose the right path. Kung tama kaya 'yung tinapos ko. Kung tama kaya 'yung naging desisyon ko sa pagpili nito. I prayed for it as well, but I am still confuse. Naka-stuck ako sa moment. Feeling ko napag-iiwanan na ako ng panahon.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon