Wakas

21.4K 342 274
                                    

Ang Wakas ay binabasa sa dulo, bakit ka andito agad? Hahahaha!

Ito pa lang ang simula ng series na 'to. Matutuloy pa ang kwentong nina Logan at Yulia sa susunod pang mga kwento sa series na 'to.

READ THIS: Anyway, thank you for reading The Ravels. Kahit hindi gano'n kalaman itong story na 'to, salamat pa rin sa pagbabasa. Since introduction lang talaga ito ng series para may background kayo sa mga susunod pang mga stories. Hindi lang basta nailagay ko 'yung mga 'yon. At least may idea kayo kung bakit gano'n ang nangyayari dahil nabasa niyo ito. Kaya kailangan talaga na basahin muna ito bago ang mga susunod para hindi magulo. Pero after nito ay kahit saan na magsimula sa susunod pang mga stories, ang mahalaga unahin 'to.

Yulia and Logan will finally take off.

_______

As they say, life is a serious rollercoaster that let us experience active and passive emotions. It makes us who we are today. It builds and strengthens us to endure every surprise life could give.

I learned everything in a hard way. Nahirapan muna ako bago ko naranasan 'yung kasiyahan at kagaanan ng buhay. It took me so many years to finally experience the things I've never experienced before. Mula sa mga simpleng bagay hanggang sa magagarbong mga pangarap.

Isa sa mga hindi ko pinagsisihang ginawa ko ay ang pagpapakasal kay Logan. It was a blessing in disguise. Lahat ay hindi ko inasahan. Hindi ko inasahan na magmamahal ako ng ganito kalala. Ganito pala 'yung feeling ng isang pagmamahal na hindi ko naranasan mula bata ako. Ganito rin pala magmahal nang todo. Ang sarap sa pakiramdam. Pero... palaging may kaakibat na takot.

Takot na- hanggang saan lang ba 'to? Mananatili kaya ang mga ito paglipas ng ilan pang panahon? Makakaya ko kayang mabuhay wala ang mga ito? Anong gagawin ko kapag unti-unti silang kumawala sa mga palad ko? Lahat ng iniingatan ko ay dahan-dahang nababasag kahit hawak ko naman.

That scares me... the most. To lose everything I've invested.

Dinarasal ko na ipaubaya na sa akin 'to ni Lord. Pa-experience naman ng maayos at magandang buhay. Buong buhay ko naman kasi pinagkaitan ako ng gano'ng buhay. Kaya sana... sana... ingatan 'to ni Lord at huwag hayaang mawala sa akin.

Sa unang pagbubuntis ko... sobrang alaga ni Logan. Bawat minuto ata ay tinatanong niya ako kung may kailangan ako. Sinisigurado niya na nabibigyan niya ako ng kailangan kong atensyon at lambing. I want his hugs. Gustong-gusto ko kapag inaamoy niya ako. Kaya naisip ko na magiging malambing din siguro itong panganay namin. Hopefully! Gusto ko rin kasi ng malambing na anak.

"Anong prutas ba ang dapat kong bilhin? Ano ba ang mga gusto mo?" malambing na tanong ni Logan habang nakayakap sa akin at hinihimas ang aking tiyan.

"Gusto ko ng green apple. Gusto ko nga rin ng fruit salad kaya bili ka na rin. Gusto ko rin ng strawberry na may gatas."

He chuckled and looked up at me. "Baka naman sumakit tiyan mo niyan?"

Kinunotan ko siya ng noo. "Mahilig ako sa prutas ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Baka gusto ni baby na maging makulay ang mundo niya sa tiyan ko." Mahina akong natawa.

Our first baby is a boy. Kaya ready na talaga ang pangalan niya. Hinihintay na lang namin na lumabas siya.

"I want to see him already..." he whispered while looking at my tummy.

Napanguso ako at sinuklay ang buhok ni Logan gamit ang mga daliri ko.

Hindi ko maiwasang hindi maantig kay Logan. Mas excited talaga siya kaysa sa akin. Gusto na niyang makita si Zane. Gusto na niyang kargahain at titigan nang matagal. 'Yung kahit umiyak si Zane ng madaling araw ay ayos lang kay Logan. Parang wala kaming maririnig na reklamo mula sa kaniya.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon