Kabanata 12

16.5K 369 197
                                    

Habang nanonood ako ng TV ay nilingon ko si Logan na kabababa lang. Basa pa ang buhok niya at ginagalaw-galaw niya pa 'yon para matuyo. Naka-tanktop siya at shorts. Pantulog niya siguro.

Bumaba ang mga mata ko sa braso niyang naka-angat kaya mas nakalabas ang kaniyang pinagmamalaking bicep.

Nagkatagpo ang mga mata namin kaya tahimik akong napatikhim at saka umiwas ng tingin. Bakit ba pagkatapos ng mga sinabi ni Logan kanina sa restaurant ay bigla siyang gumwapo sa paningin ko?

Parang ibang tao na siya sa tuwing tinitingnan ko siya. Hindi ko na maalala lahat ng ginawa niya noon sa akin. Gano'n agad. Dahil lang na-realize niya lahat ng mga mali niya, tila parang nabura na sa sistema ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kaniya.

"What are you watching?" Para akong nanginig nang umupo si Logan sa tabi ko.

Tahimik ulit akong napatikhim matapos ko siyang lingunin. Nakipaghalubilo ang kaniyang panlalaking amoy sa hangin. Nanunuot 'yon sa aking ilong at kahit isang segundo ay hindi no'n ninanais lumisan.

Paharap sa akin ang kaniyang style ng pag-upo. Habang nakapatong naman ang kaniyang siko sa backrest ng sofa.

He smells... so damn good.

"Pucca lang..." sabi ko habang nakaiwas ang tingin.

"I'm already sitting."

Nangunot ang noo ko nang lingunin ko siya. Nakangisi na siya nang nakakaloko.

"Ha? Sabi ko Pucca ang pinapanood ko."

He chuckled. "I know. Gusto ko lang tumingin ka ulit sa akin."

Nag-init agad ang pisngi ko at muling umiwas ng tingin. Mahina lang akong natawa para hindi halatang— oo na, kinikilig na ako. Bakit ba kasi ganito siya bigla? Pag parang bumabawi ba, dapat nagpapakilig din? Requirements ba 'yon.

Alam ko naman na bumabawi siya, 'di ba? Dahil nag-sorry na siya at na-realize na niya 'yung mga sinabi ko for two days.

Pero... bakit naman may pa ganito? Hindi ako sanay na may lumalandi sa akin. 'Yung binabanatan ako ng mga ganito. Si Terrence kasi hindi naman... mas ma-action siya kaysa vocal.

"Nood ka rin kung gusto mo, baka magustuhan mo rin si Pucca." I changed the topic.

"Okay..." his voice is mesmerizing. It was deep and calming. Pero may kaonting bahid 'yon ng panunuya.

Ayan, manood ka na lang. Para iwas ang kalandian. Hindi pa ako ready makipaglandian. Pakiramdam ko lang naman hindi pa ako ready. Tapos si Logan pa. Parang hindi pa ako ready na tratuhin siyang... asawa?

Nagwawala ang isip ko dahil sa sobrang pagka-cringe habang nanonood. Kung ano-ano kasing iniisip ko. Ito kasing si Logan... ano ba kasi 'yung gusto niya lang daw akong tumingin ulit sa kaniya?! Ano ba 'tong kaharutan na 'to.

What is this behavior?

Mahina akong natawa habang nanonood at saka ko rin binalingan si Logan kung natawa rin siya sa nangyari. Bahagyang umangat ang mga kilay ko sa gulat nang nakatitig siya sa akin.

Nakasandal ang kaniyang pisngi sa kaniyang kamao. Kanina pa ba siya nakatitig? Bigla akong na-conscious. Baka mamaya nakatulala ako sa TV tapos mukha akong tanga.

"Logan... si Pucca ang panoorin mo, 'wag ako," sinita ko siya kaya mahina lang siyang natawa.

"I don't like cartoons. Gusto lang kitang samahan dito." Seryoso ang kaniyang boses at tila parang nanghehele.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon