Nakapatong ang mga kamay ko sa aking tiyan habang nakatitig sa kisame at umiiyak. Tahimik akong humihikbi matapos ng sigawan namin ni Logan kani-kanina. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko sa galit; maging ang buong katawan ko sa panghihina.
Hanggang ngayon ba naman maririnig ko na naman 'yong mga salitang 'yon galing sa kaniya? Hindi pa ba sapat 'yung mga ginawa niya sa akin noon? Dahil sa kaniya mas lalong sumama ang tingin ng mga tao sa akin. Mas lalo nila akong kinamuhian. He always sets me up on something that will heavily damage me more— my name.
Mas masakit ngayon. Mas masakit na narinig ko ulit ang mga salitang na 'yon. I'm trying to... I'm trying to recover from my trauma. From the things I successfully ran away. Pero bakit... bakit kailangan niya ibalik 'yon sa akin ulit lahat?
Tina-try ko na ngang magkaroon ng panibagong buhay kahit ayaw ko siyang makasama. Nakakatawa na lang na galit siya sa akin kahit wala akong ginagawa sa kaniya, pero kailangan kong tanggapin 'yung galit niya na 'yon. Pero... hindi ko na nga 'yon ininda. Hindi na lang ako nagreklamo! Mas nag-focus na lang ako sa mga bagay na mayroon na ako ngayon na wala noon.
Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig kong muli ang mga sinabi niya kanina sa akin. Tila parang paulit-ulit 'yon na nagpe-play sa isip ko. Bumabalik lahat ng narinig ko noon pa. Lahat ng masasamang tingin. Pandidiring tingin. Bulungan at pagpapanggap na mabait sa harapan ko.
Nakakagalit. Gusto kong isigaw sa kanila lahat ng isinigaw ko kay Logan. Pero kaakibat no'n ang kahinaan ko. Natatak na kasi sa akin na dapat maging ako 'yung gusto ng mga tao, dahil 'yon ang binuo sa akin ni Daddy. Kaya sa tuwing gusto kong ipaglaban ang sarili ko... ay hindi ko kaya. Gustuhin ko man, napapaatras na rin agad ako.
Gusto kong tawagan si Terrence kaso tulog na 'yon dahil may pasok pa siya bukas. Gusto ko ng may masasabihan at maiiyakan pero ayaw ko ring makaabala.
Mas humikbi ako at hindi ko na napigilan ang aking paghagulgol. Niyakap ko ang unan ko at tumagilid ng higa.
Hanggang sa edad ko ba namang 'to... ito pa rin ang iiyakan ko. Ito at ito pa rin.
Gusto ko naman maka-experience umiyak dahil natanggap ako sa trabaho— tears of joy? Or hindi kaya ay umiyak ako dahil hindi ako natanggap sa trabaho. Basta sa ibang dahilan naman. Hindi 'yung ito na naman. Nakakasawa na. Gusto ko na nga 'tong takasan. Kaya tinanggap ko na na gano'n na nga ang nangyari sa akin at wala na akong magagawa kung hindi talagang mag-move forward. Kaya nga 'yon ang ginagawa ko ngayon. Kaya sobra akong nasasaktan sa sinabi ni Logan kanina.
Sa kakaiyak ko ay hindi ko namalayan na nakatulog ako. Hindi ko na rin namalayan kung anong oras ako nakatulog. Pero nagising ako ng mga bandang quarter to 12. Napasarap ata ang tulog ko dahil sa pag-iyak ko nang sobra.
Chineck ko rin ang phone ko at nakita ko ang mga chat ni Terrence. Pero kanina pa 'yon... mga alas-otso.
Terrence: Good morning Yulia HAHAHAHA
Terrence: Hindi ka pa ba babangon? Gising ka na ba? Hindi mo ba ako sasabayan kumain?
Terrence: Tapos na kong maligo! Wala ka parin? HAHAHA tulog ka pa ata.
Terrence: Paalis na ako, Yuls. Ano? HAHAHA anyway, sleep ka muna dyan. Chat mo na lang ako kapag gising kana
Unti-unting uminit ang puso ko at napangiti. I still have Terrence. Despite that this world hates me, he still gave him to me. I have a friend like him. I'm lucky and bless to receive this kind of message after a long-heavy cry last night.
Yulia: Good morning!!! yay
Yulia: Kakagising ko lang huhu T^T sorry! Hindi na kita nasamahan. May chika ako sayo later HAHAHA ingat uyy! *hugs*
BINABASA MO ANG
The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General Fiction[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it wa...