Nakahiga pa rin ako sa kama kahit alas-otso na ng umaga. Ayaw ko pa rin bumangon dahil iniisip ko si Logan. Nabubuhayan ang hiya sa kalooban ko sa tuwing naiisip ko pa lang na magtatagpo ang mga mata namin.
Ang tanging pumapasok kasi sa isip ko ay 'yung nangyari kagabi. Sobrang init ng katawan ko kagabi. My whole body is throbbing. It feels like I will burst. Hindi ko maintindihan 'yung pakiramdam, basta hindi ako mapakali at si Logan lang ang umiikot sa isip ko.
'Yon ang unang beses na ginawa ko 'yon. Sobrang lala pala ng pakiramdam kapag hindi natuloy. Kapag kiss lang. Kaya pala sa mga napapanood ko sa movies ay natutuloy talaga sa sex.
Sumimangot ako sa kisame. Para akong teenager na nakuhanan ng first kiss. I can't believe that I'm struggling with this at this age. Naninibago akong maramdaman ang hiyang tulad nito na galing sa pakikipaghalikan— 'yong hiyang ang hirap na niyang tingnan dahil do'n.
Napatalikwas ako nang biglang may kumatok sa pinto ko kaya nagpanggap akong tulog. Dahan-dahan 'yon bumukas na para bang may sinisilip.
"Yulia?" boses 'yon ni Logan.
Mukhang kagigising niya lang dahil inaantok pa ang boses niya. Nag-e-echo rin sa tainga ko ang paghinga niya na parang may mahinang iniinda.
Bahagya kong binuksan ang mga mata ko pero nadatnan ko na lang na kasasarado lang ng pinto.
Bakit siya pumasok sa kwarto ko? Bakit niya ako hinahanap? Baka gusto na niya magluto kami? 'Yon ba ang inaasahan niya?
Napabuntonghininga ako bago napapikit nang mariin. I should act straight. Think straight. Hindi dapat ako nabo-bother dahil lang sa halik na 'yon. Para sa kaniya ay normal lang din 'yon... walang masyadong nakakagulat. Kaya dapat gano'n na lang din ang gawin ko— maging komportable dahil 'yon din naman ang sinabi ko sa kaniya.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako para kaharapin si Logan. Kaso paglabas ko ay wala siya sa living room o sa kusina. Baka nasa kwarto niya... nagpapalit?
Nakaayos na ang hinigaan niyang sofa kagabi. Nakabukas na rin ang sliding door sa veranda dahilan para malanghap ko ang malamig na simoy ng hangin galing sa labas. Nakikisalo rin ang init ng araw kaya mas nagiging balanse ang regalo ng umaga.
Napatingin ako sa hagdan— kay Logan, na ngayon ay bumagal ang pagbaba dahil nakita niya ako. Napangiti agad siya.
It looks like he has a good morning. Nakahilamos na siya at nakapambahay na rin. Mukhang nag-shave rin siya dahil mula sa kinatatayuan ko ay naaamoy ko ang shaving foam.
"Good morning!" bati niya nang mas nakalapit sa akin.
"Hi..." mahina akong natawa dahil nakatitig siya sa akin habang nangingiti, "Good morning din."
Napasinghap siya habang nililibot ang mga mata sa mukha ko. "Ang... ganda mo." dahan-dahan ang pagsabi niya no'n. Malaman at nakaka-antig ang tono.
That caught me off guard. I was unable to speak. I was trying to open my mouth but there are no words coming out of it. Napalunok na lang ako at bahagyang napakagat sa ibaba kong labi.
"Did you sleep well? Chineck kita kanina kaso tulog ka pa. Nagising ba kita?" banayad ang kaniyang boses nang sabihin 'yon.
Mabuti na lang ay iniba niya ang topic. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya kanina. Balak ko sana sabihin 'ikaw rin'.
"Ah... oo, nakatulog naman nang maayos. Ikaw? Lasing ka kagabi, e..." I chuckled. I was a bit awkward since I just recovered my tongue.
Napangisi siya. "Oo, nag-aya kasi 'yung client. Napasubo ako dahil hindi ako tinigilan."
BINABASA MO ANG
The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General Fiction[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it wa...