Kabanata 11

16K 389 31
                                    

Maaga akong nagising dahil hindi ako makatulog nang maayos kagabi. Hindi ko kasi mapagtanto 'yung sinabi ni Logan kagabi. Hindi ko ma-process. Ang bilis niya atang na-realize lahat ng sinabi ko. Pero good for him kung gano'n. At least sa paraang gano'n mas magiging okay ang samahan dito sa bahay.

Hindi kailanman naging kabawasan sa isang tao ang pag-amin ng kaniyang kasalanan at humingi ng tawad. Maging ang pagsubok na baguhin ito.

Nadatnan ko si Logan na nasa kusina at nagluluto ng agahan. Alas-siete pa lang kaya nagulat ako dahil usually ay mga alas-nuebe siya napapadpad dito sa baba. I didn't expect him to greet me, but at least I'm expecting some changes since nag-sorry na siya kagabi.

Nagkatagpo ang mga mata namin. Nanatili ang mga mata ko sa kaniya habang hinihintay kung may sasabihin siya. His eyes were different now, too. It was calm. Walang galit pero nananatili ang mood ng kaniyang mga mata mula noon. Talagang natural sa kaniya 'yung parang masungit pero hindi naman talaga siya nagsusungit.

"Ang aga mo pala magising..." Tumikhim siya agad matapos sabihin 'yon at binalingan ang niluluto niya.

Nagluluto siya ng garlic rice at hotdog. Umupo ako sa high chair at pinagmasdan siyang nagluluto. Titingnan ko lang naman kung ma-i-intimidate siya.

Humalukipkip ako habang nakatitig sa kaniya. Hindi rin nagtagal ay binalingan niya ako at bahagyang nagtaas ng kilay. He looks more handsome if he doesn't look stiff. 'Yung hindi siya mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

"You should smile more often. Hindi pa kita nakikita ngumingiti. Feeling ko bagay 'yon sa 'yo..." From my serious face ay tipid ko siyang nginitian.

"Really? Ikaw lang nagsabi sa akin niyan. Na baka bagay sa akin na nakangiti." Binalingan na niya ulit ang niluluto habang pabalik-balik ang tingin sa akin.

Pumangalumbaba ako sa counter at saka siya mas pinagmasdan. "I just want you to relax. Release the tension. Just try to move forward and accept things the way they are." Ngumiti ulit ako sa kaniya para mas masuportahan ang aking mga sinabi.

He slightly nodded as if he is noting that on his mind. "Anyway, nag-text sa akin sina Mommy. About sa lunch. You're coming, right?"

Tumango ako. "Your dad is a good guy, your mom is a good lady as well. I feel comfortable around them. Kung sana naging maayos lang ang introduction natin ay hindi tayo ganito nagbabangayan."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong tipid siyang ngumisi. Napalunok ako at mas tinitigan pa siya. Baka may bago pa siyang gawin.

It's just I want him also to be in a good state. Kahit nagkaroon kami ng away noon. I already accepted it. I'm trying to look more on the good side. Kaysa itanim ko 'yon nang itanim sa akin. Sinasabi ko sa kaniya na tanggapin niya na lang ang nangyari tapos ako ay hindi.

"Yeah... I think..." Tumingin siya sa akin at bahagyang mabagal ang pagsasalita, "I misunderstood you. I think Terrence is right, you're more than what we see."

Sandali niya akong tinitigan bago isinalin na ang nalutong kanin sa malaking bowl. Gano'n din ang ginawa niya sa hotdog.

Mahina akong natawa. "That's good, Logan. Nag-sorry ka kagabi at ngayon ay mas pinapakita mo na you're really sorry." Pinatunog ko 'yon na masaya at nagagalak.

Tumayo ako para lapitan siya. Nag-angat pa siya ng kilay sa akin dahil nagulat ata sa paglapit ko. Tinapik ko siya sa braso na parang kapatid ko lang na lalaki. I just missed that moment with Henry. That I wasn't able to be his Ate. Ayaw niya rin naman kasi.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon