Kabanata 16

15.5K 313 13
                                    

Kanina pa ako gising pero nananatili akong nakahiga sa braso ni Logan. Tulog pa siya at mainit ang pagyakap sa akin. Ang comforter ay hanggang balikat ko habang sa kaniya ay hanggang dibdib lang 'yon.

Tila parang kumakalma ang sistema ko habang dinadama ang init ng katawan niya. Kahit naka-sando siya ay hindi pa rin 'yon naging sapat na harang para hindi ko maramdaman ang init niya.

Malakas ang ginagawa kong paghinga habang mas sinisiksik ang mukha ko sa dibdib niya. Bahagya rin akong napapangiti habang in-e-enjoy ang pakiramdam na 'to.

Hindi ko talaga maiwasang hindi maligaw sa mga bago lang sa akin— bago sa mga mata ko o bago sa pakiramdam. Ang tanging binubulong lang sa akin no'n ay kagaanan at maari na akong huminga nang maluwag dahil ako ay malaya na.

I'm free to express myself. Free to love someone I'm interested to. Free to move. Free to do the things I want. Bumabalik lang sa aking mga isipan ang saya ngayon. Hindi ko pa rin ma-process 'yung saya— na nagagawa ko na ang mga 'to ngayon.

Inangat ko ang mga mata ko kay Logan. Mabagal ang kaniyang paghinga at mahimbing pa rin ang pagtulog.

Napadpad ang mga mata ko sa kaniyang maliliit ng balbas. Ang kaniyang pangang hulmado kahit hindi naman siya gumagalaw. Ang leeg niyang hindi ko alam kung bakit ang gwapo tingnan. Pumikit ako at umangat para amuyin ang kaniyang leeg.

Napakagat ako sa ibaba kong labi nang mahina siyang napadaing sa ginawa ko. Ang gwapo mo, Logan. Kahit simpleng pagdaing niya ay para akong nalalaglag nang ilang beses sa sahig. Lalo na kapag nagsasalita siya. Sa tuwing umaangat-baba ang kaniyang Adam's apple. At kapag tinitingnan niya ako ay bumabaon ang malalim niyang mga mata sa akin.

Inubos ko ang oras ko sa pagtitig kay Logan at sa pag-appreciate sa mukha niya. Ilang beses ding dumadapo sa isip ko ang nangyari kagabi.

I never thought that... it would be that good. Or... dahil siguro si Logan ang kasama ko gawin 'yon? I don't know. Pero ang pinakanagustuhan ko ro'n ay parehas naming naramdaman ni Logan 'yung isa't isa kagabi. We even recreate our vows. Mas malaman kagabi. Mas may pakiramdam. Hindi tulad no'ng nasa simbahan kami na para kaming nasa isang role play.

Matapos kong mag-CR ay bumaba na ako para magluto ng almusal namin ni Logan. Ayaw ko pa siyang gisingin dahil siya 'yung hindi makatulog kagabi. Ilang beses niyang sinasabi sa akin na masaya siya— na ayaw niya pang matapos 'yung moment na 'yon.

Nakangiti ako habang nagpiprito ng sunny-side up na itlog. Ito pala 'yung sinasabi nilang mapapangiti na lang bigla habang may ginagawa. Ang weird sa pakiramdam pero parang umiikot 'yung tiyan ko kapag naalala ko si Logan.

"Para akong tangang napapangiti dahil kay Logan..."

"Dahil sa akin?" Muntik ko nang mahagis 'yung siyanse nang biglang sumulpot si Logan.

Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga nang maluwag kahit ang dibdib ko ay kumakalabog pa dahil sa pagkakagulat. 

He chuckled and walked towards me. Para akong lumipad sa langit nang halikan niya ako sa pisngi at hinipo niya ang aking magkabilang baywang. Hanggang naging isang mahigpit at mainit 'yon na pagyakap.

"Magandang umaga..." he whispered.

Ang mainit niyang hininga ay tumama sa aking tainga at leeg. Kahit hindi ako nakaharap sa kaniya ay nararamdaman kong malapit ang kaniyang mukha sa aking tainga.

Napangiti agad ako. Hindi ko alam kung paano ako ngingiti. Kung malawak ba o matatawa o mas malawak pa. Nagsisiliparan lang ang mga paruparo sa aking tiyan. Na sa tuwing dinadama ko ang yakap niya at iniisip na nasa likuran ko si Logan ngayon ay may kung anong kumukurot nang ilang beses sa aking sikmura na nagbibigay ng dahan-dahan na pagngiti sa aking mga labi.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon