No'ng araw na 'yon— do'n ko na talaga naintindihan na wala na. Na kahit na anong gawin ko ay hindi ko na talaga mababago ang para sa akin. Nandito na ko, e... sa pamilyang 'to. May tatay na akong diktador. May nanay na akong sunod-sunuran sa tatay ko. At may kapatid akong mas bata sa akin— na hindi ko malaman kung kakampi ko ba talaga o hindi.
Hindi ko na maintindihan kung ano pa bang kaya kong magawa sa buhay ko. Para kasing puro sila na lang 'yung nagdedesisyon para sa akin. Nakakalungkot. Nakakapanghina. Nakakagalit. Nakakapanghinayang. Pero sa huli ay gano'n naman palagi... wala nga talaga akong magagawa kung 'di tanggapin.
Kahit ilang beses kong subukan na may magbago, hindi ko talaga kaya. Wala akong mapagtagumpayan. Wala akong kakayanan para sa mga bagay na gusto kong mabago. They're just all in my head. Nangangarap na lang siguro ako na may magbabago sa buhay na mayroon ako. Pero hindi na 'yon mangyayari kahit kailan.
Hindi kasi natin maaring ipilit ang hindi naman para sa atin. Mapapagod lang tayo habulin 'yung mga gusto natin, pero hindi naman para sa atin.
Kailangan ko na lang sigurong tanggapin? Na ito na ang para sa akin. Na kahit saang daan pa ako lumiko ay rito't dito pa rin ako dadalhin no'n— ang sumunod sa tatay ko. Nakakaiyak pero... ano pa bang magagawa ko. Nakakapanglumo. Ang bigat-bigat. Nakakadismaya nang malala. Pero gano'n talaga, e...
Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na ganito na talaga. Na wala na akong magagawa. Hindi ko pa rin matanggap. Araw-araw pa rin akong nangangarap na sana baka may mangyari at may magbago sa buhay ko. Kahit kaonti lang.
Si Terrence na binago ang lifestyle ko sa school— mula sa tahimik at mapag-isang ako ay dinala ako ni Terrence sa mas masayang buhay sa school. Kahit sa isang buong taon lang. Kahit gano'n lang ang itinagal no'n ay natuwa ako. Nasiyahan ako sa bawat araw na nagdaan dahil ando'n siya. Ando'n siya para damayan ako sa lahat ng bigat at saya na nararamdaman ko.
Naranasan ko na rin na magkaroon ng kaibigan. I miss the feeling. Nakaka-miss 'yung mga panahong nag-uusap kayo ng mga kaibigan mo... kaso isang araw, biglang hindi na. Kasi magkakalayo na. Wala ng oras sa isa't isa. Nagkahiwa-hiwalay na ng daan. Nagkaroon na ng ibang buhay malayo sa lumang mga kaibigan.
Gano'n ang nangyari sa amin ni Terrence. After Senior year, nagkahiwalay na kami. Nagpunta siya ng Maynila para kumuha ng scholarship sa mga school na tanyag. Makikitira muna siya sa tito niya at tutulong siya ro'n sa abot ng kaniyang makakaya bilang bayad sa kaniyang pagtuloy.
Kailangan, e... Kailangan niyang umalis at iwanan ako ulit na mag-isa. Kailangan niyang makapagtapos para sa pamilya niya. Siya ang panganay. Siya ang magsusulong sa kanila. Nakakatuwa at nakakalungkot. Nakakatuwa dahil mataas ang pangarap niya para sa sarili niya at sa kaniyang pamilya tulad noon. Walang pinagbago ang kaniyang goal sa buhay. 'Yon nga lang, nakakalungkot dahil wala na ulit akong makakasama.
Hindi na rin kami masyado nagkakaroon ng koneksyon gawa ng abala siya. Kailangan niyang magsipag sa pag-aaral niya. Kailangan din niyang kumilos sa bahay na tinutuluyan niya. Alam kong kaya niya 'yon. Dahil masipag siya at pursigido sa buhay. Mabait talaga siya. Sobra.
Hindi ko minsan mapigilan hindi maiyak tuwing naalala ko kung paano pinaramdam sa akin ni Terrence 'yung value ko. Kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na kahit sumalungat ang mundo laban sa akin... nakaya kong mabuhay ng ganito katagal. Naging malakas ako. Kahit gaano pa karami ang may ayaw sa akin, hindi na 'yon bali... ang mahalaga nagpapatuloy ako. Kahit gaano man kahirap. Kahit sukong-suko na ako.
That feeling is so rare to feel. Losing your hope while striving. Ang bigat isipin na magpatuloy habang sumusuko. Tapos wala man lang akong masabihan. Wala akong masandalan. Mapapapikit na lang ako habang tumutulo 'yung mga luha ko at sinasabi sa sarili kong pagod na pagod na ako. Pero bukas, babangon pa rin ako. Hindi ko alam kung maaawa ako sarili o sasampalin na lang para magising siya na dapat niya na 'tong itigil.
BINABASA MO ANG
The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)
Genel Kurgu[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it wa...