[Warning: R-18]
"Hmm, by the way, how's Logan as a husband?" usyoso ni Bianca habang kumakain kami ng dessert.
Kusang tumama ang mga mata ko kay Logan na napatingin din kay Bianca nang itanong 'yon.
Hindi ko rin alam ang isasagot ko ro'n. Pero kung pagbabasihan ko ang mga nagawa niya ngayon pa lang ay— masasabi kong sweet naman siya at maalagain in some ways. Sweet siya hanggang sa pinakamaliit na bagay.
"He's sweet..." Tiningnan ako ni Logan at patagong napapangisi dahil mukhang nafe-feel niya na nahihiya ako.
"Sobra niyang ginagawang special ang pinakamaliit na bagay na pwede naming gawin. From my gestures and expression— he makes sure that he knows what expression will I make. It's simple but I... kinda love that simple language. Ang cringe siguro para sa iba, sa akin din— slight. But I appreciate his efforts. I appreciate his willingness to do those things for me even though I'm not asking for it. He just wants me to be happy and to be valued."
Malambot ang ngiti ni Logan sa akin habang nakikinig sa sinabi ko. Dumapo muli ang kaniyang kamay sa aking hita at muli 'yon hinimas na parang 'yon ang kaniyang sagot sa aking sinabi.
"Yeah... he can be a good friend, too. Sobrang gaan kasama ni Logan. Kaibigan mo man siya, kaklase, kapatid, or even kasintahan. It's just..." napasinghap si Bianca, "Some people just took that Logan away from us."
Mapait akong ngumiti at tiningnan ulit si Logan. Sa akin pa rin siya nakatingin. Kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking hita at hinimas 'yon— to send him my comfort.
"I know..." I almost whispered.
"Logan will take good care of you. And I'm sure you will, too! I hope you guys will be happy. Maging fruitful ang bawat taon na magkasama kayo. Hindi ka mahihirapan mas mahalin si Logan..." She gave me the sweetest, genuine smile.
Tumango ako at mas hinimas ang kamay ni Logan. Hindi talaga mahirap mahalin si Logan. Naniniwala ako sa sinabi niya. Alam kong paglumipas pa ang maraming panahon, mas lalago pa ang mayroon sa amin at matutupad niya ang gusto niyang mangyari— na sa tuwing titingin siya sa akin ay umaapaw ang pagmamahal na nararamdaman niya.
Mahina akong natawa nang nakaisip ako ng joke at para hindi rin gano'n ka-gloomy 'yung conversation, "Magiging best friend ko talaga 'tong si Logan..."
Nangunot ang noo ni Logan sa akin. Kalilingon niya lang ulit dahil bahagya siyang naligaw sa pinag-uusapan namin at bahagya siyang napapatulala sa kawalan.
Humalakhak kami nina Bianca dahil nakasimangot sa akin si Logan. He looks cute making that face. Para siyang mangangagat na tuta, pero 'yung kagat niya kasing laki na ng kagat ng aso.
"Kaibigan?" his baritone-serious voice made it funnier.
Mas natawa ako at bahagya siyang kinurot sa braso para ipaalam na joke lang 'yon. Natutuwa 'yung dibdib ko dahil... ganito pala 'yung pakiramdam ng may natatawag na— uh, boyfriend? or more likely a husband. Ito pala 'yung pakiramdam na may asawa na. Since hindi ko naman naranasan magka-boyfriend. Ngayon ko lang din talaga naranasan 'yung makipag-asaran sa isang lalaking may romantic affection ako.
"Nako... mukhang may lagot mamaya pag-uwi!" Shane teased us.
"Asarin mo lang 'yan. Hindi 'yan gumaganti!" gumatong si Bianca pero sa akin lang nakatingin si Logan.
Hinihintay niya kung babawiin ko 'yon pero gusto kong i-take ang sinabi nina Bianca. Gusto ko pa siyang asarin. Mukhang ang cute-cute niya kapag napipikon. Bigla na lang mangangagat, gano'n? Or hindi naman, hehe.
BINABASA MO ANG
The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)
Algemene fictie[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it wa...