Kabanata 5

19K 362 133
                                    

"Bakit ang tahimik mo naman ata?" Dahan-dahan ngumunguya si Terrence habang nakatitig sa akin.

Medyo nakatulala ako at naligaw sa naisip ko kanina. Ang hirap pala kapag nabuhay ka sa takot. Kapag napuno 'yung buhay mo ng trust issues. Siguro isa na 'yon sa malaking part ng buhay ko— ang hirap sa pagtitiwala.

As far as I can, gusto kong makita na malakas ang bawat tao at lahat tayo ay may kaniya-kaniyang kahinaan. At hindi naman 'yon siguro kabawasan sa atin. Pero... hindi ko pa rin maiwasang hindi maghinala.

Kasi mula ba naman sa tatay ko. Sa pamilya ko.  Na inakala kong matatakbuhan ko sa buong buhay ko. Sila pala 'tong sisira sa akin. Dahan-dahan. Sa mapagpanggap na paraan.

It's just... we should always expect what we don't want to expect. We attract what we fear the most.

Tipid akong ngumiti, medyo naiilang. "Wala naman... gusto ko lang i-enjoy 'yung hangin." Nagdahilan pa ako.

Dahan-dahan pa rin ang pagnguya niya. Sinusuri niya siguro kung ano ang iniisip ko. Pero mukha yatang sanay na ako magpanggap... sanay na sanay na. I doubt it na malalaman niya 'yung iniisip ko. Masyadong maraming ugat ang maaring dahilan kung bakit ako nananahimik.

"Turuan na ba kita sa Gen. Math? o ayaw mo pa? Mukha talagang lumilipad pa 'yung isip mo..." He slightly chuckled, trying to lift up the mood.

Gusto ko sanang i-enjoy 'yung moment na may kasama ako kumain. May kasama akong ngumiti. May kausap ako. Pero 'yun nga lang... tulad ng palagi kong nae-encounter— mabait lang sila sa harap ko. It's either may kailangan sila sa tatay ko o may gusto silang makuha sa akin. Or otherwise, lahat naman sila paderetso lagi sa ama ko.

"Terrence?" Mahina kong pumalatak bago tinuon ang atensyon ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin habang kasusubo lang ng pagkain mula sa kutsara niya. Naka-angat ang kaniyang mga kilay bilang sagot.

"Why are you suddenly doing this? Don't get me wrong, okay? I don't want to be manipulative but at the same time, ayaw kong maging uncomfy ka sa tinanong ko..." I awkwardly smiled.

It's just I don't want to ruin this chance to finally have someone to talk to, at least. But at the same time, I can't be comfortable if I am doubting him.

Unti-unti siyang napangiti at naging mahinang pagtawa. Inubos niya muna ang laman ng bibig niya bago nagsalita, "Okay lang. Naiintindihan ko naman at may karapatan kang bantayan ang linya mo..."

Tinuon ko ang buong atensyon ko sa kaniya... at sa mga susunod niya pang sasabihin. Dahil nagbago na rin ang kaniyang ekspresyon.

"I know it's weird. Bigla na lang akong naging ganito after ng nangyari kahapon... alam kong magulo kung bakit ako galit sa 'yo noon at magulo rin kung bakit ngayon mabait na ako sa 'yo." He sighed.

Hindi mapakali ang mga mata niya na parang nahihiya siya sa sinasabi niya ngayon sa akin. I don't know if he's being honest or he's creating some sort of monologue for Easter Sunday.

"Yeah, it's weird. Alam kong alam mo na gusto kita noon pa. Mga bata pa lang tayo ay umaapaw na ang paghanga ko sa isang tulad mo... Terrence. Pero gusto kong maging malinaw ngayon pa lang. Ano bang intensyon mo sa akin?" May bahid ng pagtulak ang aking boses.

Naninigurado lang ako. Kahit gusto ko pala si Terrence... mahirap pa rin pala talaga magtiwala. Kahit 'yon ang naging plano ko— ang kuhain siya, ay hindi ko pa rin masabi sa sarili ko na basta na lang siyang pagkatiwalaan.

"Kahapon kasi hanggang sa pag-uwi ko... iniisip kita. Matapos kong makita at marinig 'yung nangyari sa inyo ng papa mo." He scoffed while shaking his head, "Hindi ako makapaniwalang gano'n lang ang sasabihin niya kahit galing ka na sa clinic. Hindi man lang niya tinanong kung okay ka lang. Kung anong nangyari sa 'yo. Ang concern niya ay masisira ka sa mga teacher." Tumiim muli ang kaniyang panga bago nag-iwas ng tingin. Madiin ang pagkakasabi niya ng bawat salita.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon