Kabanata 20

16.5K 362 51
                                    

Pagbati at maraming salamat dahil nakarating ka sa huling kabanata ng The Ravels.

May inihanda akong apat na special chapters para sa kwentong ito. I really highly recommend that you should read it once I published it. You will know why when you started reading it.

No'ng araw na 'yon umiyak ako nang umiyak. Umuwi na ako sa bahay at saktong nadatnan ko si Logan na kauuwi lang din. Balak niya sana akong tawagan kaso ando'n na ako. Kaya kay Logan ko ibinuhos lahat ng mga luha ko.

Inubos ko lahat. Sinigurado kong mauubos ko na ang lahat ng luhang galing sa kanila. 'Yung mga luhang galing sa mga magulang ko.

Kahit naman ayaw ko sa kanila. Kahit namuhay akong parang preso sa puder nila. Hindi ko maitatanggi sa sarili kong... masakit talaga 'yung pakiramdam na tapos na. Na at saka lang nila na-realize 'yung halaga ko no'ng sumuko na ako sa kanila.

They have taken me for granted.

Nasayangan din ako. Gusto ko pa rin sana silang makasama at maramdaman na isa kaming pamilya. Pamilyang natuto na sa mga pagkakamali noon at handang magsimula ng panibago ngayon.

Pero wala na.

Ayaw ko na, e. Ayaw ko ng bumalik sa lugar kung saan ako nasira. Gusto ko na lang magkaroon pa ng mas magandang buhay kasama si Logan. Kasama 'yung asawa ko.

Nakasandal ako sa dibdib ni Logan habang nakayakap siya sa akin at dinadamayan ako sa pag-iyak ko. Nasa sofa kami at nasa pagitan ako ng mga hita niya.

"Magiging masaya pa rin sila kahit tinanggal ko na ang sarili ko sa kanila, 'di ba?" I whispered, almost faded.

He sighed. "It doesn't matter, love. Mag-focus ka sa sarili mo ngayon. You've been always honoring them. You forgot to honor yourself. Alam ko kahit sinasabi mo na ayaw mo na sa kanila, mahal mo pa rin naman sila dahil pamilya mo sila. Kaso hindi naman porket mahal mo sila ay dapat kang manatili sa tabi nila."

So, tama talaga ang ginawa ko? Na umalis na talaga ako sa mundo nila? Tama ang in-advice ni Terrence sa akin? Tama naman, 'di ba?

"Sa 'yo ko 'to natutunan. Na kapag may gusto tayong baguhin sa sarili natin, kailangan may alisin din tayo..." Hinanap niya ang mga mata ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Matamis siyang ngumiti. "Oo nga..." Kasabay ng pagsinghot ko ay ngumiti rin ako sa kaniya.

"Kaya... it's okay. You can stop crying. Kanina ka pa umiiyak. You should rest and tomorrow... I have something to tell you." Mas lumapad ang ngisi niya.

"Hmm?" Bahagyang nangunot ang noo ko. "Anong sasabihin mo? Sabihin mo na ngayon para mas mahimbing ang tulog ko mamaya. Alas-otso pa nga lang."

Napanguso siya at saka napatango. "O sige para alam mo na rin. We'll go to Bovosil. Isang linggo tayo ro'n or more kung gusto mo pang mag-stay ro'n."

Nag-angat ang mga kilay ko. "Beach 'yon, 'di ba?"

Tumango siya at nananatili ang malawak niyang ngiti. "Yes, love. Honeymoon na rin natin 'yon at saka... para sa atin. Gusto ko pa na makalabas tayong dalawa at makapunta sa iba't ibang lugar."

Napasinghap na lang ako nang dahan-dahan natatanggal sa dibdib ko ang bigat na nararamdaman ko kanina. Parang nawawala 'yung bigat na galing sa pamilya ko.

At unti-unting napagtatanto ng isip ko na— tama na. Tama na talaga at oras na para humakbang na ako palayo sa kanila. Oras na para sa mga bagong bagay pa. Kung hindi ko bibitiwan ang nakaraan, mawawalan ako ng paglalagyan para sa mga mas magaganda pang bagay na maaring mangyari sa hinahanarap o sa bawat araw.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon