Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagbaba ko ng taxing sinasakyan ko at ng batang dala dala ko na nasa baby stroller.
"Nandito na tayo nak' ang tagal kong hindi umuwi rito pero wala paring nagbago, nandito parin ang mga chismosang kapit bahay na walang ibang alam gawin kundi humusga ng ibang tao." Buntong hininga kong saad bago ko binitbit ang malaking bag na dala dala ko habang tulak tulak ang stroller.
""""
"S-si Jillian na ba yan?""Oo, siya nga at may dala dala siyang bata."
"Naku grumaduate na ba yan? Hay, sinasabi ko na nga ba at wala yang pinagkaiba sa haliparot niyang ina."
"Baka naman may asawa?"
"Kung may asawa yan, abay nasaan? Tignan mo nga at mag-isa siyang umuwi dala dala yang anak niya at ang malaking bag at maleta nila."
"Ang sabihin niyo nabuntis, kawawa naman yang bata, mukhang putok sa buho din katulad niya."
"""""
Ito ang mga masasakit na salitang nabungaran ko pagka-apak na pagka-apak ko palang sa kanto papasok sa eskinita papunta sa bahay namin. Dadaanan ko lamang sana sila nung narinig ko si Mama, kararating lang.
"Naku anak?! Ikaw na ba yan? Naku ang pag-asa namin nandito na pala..." Ito ang masaya at excited na bulalas niya na patakbo pang lumapit sa akin.
"Ano, grumaduate kana ba? Anu may trabaho ka na? Sana nagsabi ka na ngayun na ang uwi mo para naman naipagluto sana kita ng kahit pancit manlang." Derederetso niya pang saad nung biglang magtawanan ang mga kapitbahay namin na nakatambay sa kanto eyeing on us.
"Naku Emilia, asa ka pa na uunlad yang buhay niyo eh yang pag-asang tinutukoy mo naanakan yata nang kung sino-sinong lalaki sa maynila." Ito ang sarkastikong saad ni Aling Minda ang may ari ng store na kaibigan din ni Mama.
"Hah? Anak? S-sin--" hindi na naituloy ni Mama ang sasabihin niya nung makita ang dala dala kong baby.
"A-anak?!-" Ito lamang ang lito at dismayado niyang saad bago muling tinapunan ng tingin ang anak ko.
"Ma, o-opo, u-umuwi po ako kasi--"
"Kasi ano, wala kang pambuhay jan sa anak mo at iaasa lang din dito sa nanay mo?" Sabat na saad ni Aling Minda.
"Minda, pwedi ba dahan dahan ka sa pananalita mo, desenting tao itong si Jillian. Grumaduate na siya at may matinong tarabaho kaya walang masama doon. Kung nag-uwi man siya ng apo ko, naniniwala akong hindi ito anak ng sino-sino lang! "
"Ah talaga? Abay nasaan?! Ang sabihin mo malandi yang anak mo, manang mana say-"
"Hindi totoo yan, desente at matalino itong anak ko, hindi ba Jillian? Sumagot ka." Baling sa akin ni Mama na malapit na ring magalit.
"A-ah...o-oo naman po Ma. Gu-gumraduate na po ako at may trabaho na din kaya nga ho nakakapag-padala na ako sa inyo hindi ba." Naiilang kong sagot.
"E yang bata, may tatay ba yan? Hindi ako naniniwala." muling sabat ni Aling Minda kaya naman nairita na ako.
"Ah, o-oo naman po. M-may ginawa lang ho siya kaya siya hindi nakasama sa amin ng anak k--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung mapaigtad ako sa gulat dahil sa malakas ng pagbusina ng isang itim kotse na bigla nalang pumrino sa likod ko.
"Hey, a-are you okay?" Ito ang malambing ngunit mariing tinig ng lalaki na agad bumaba sa kotse niya. Humawak pa siya sa magkabila kong balikat bago hinawakan yung anak ko kaya naman muling nagbalik ang aking ulirat.
Napatitig muna ako sa kanya ng bahagya noong may biglang pumasok sa aking isipan.
"H-hon? N-nandito ka?!" Kunwari ay excited kong wika sabay tapon ng naiilang na ngiti bago ko siya dahan dahang niyakap dahilan para magulat siya.
BINABASA MO ANG
THE RICHMAN'S FAKE WIFE
RomanceFor the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside her dreams and dignity. However, she wouldn't want to be just like her mother who was branded as sl...