Narrator's POVLumipas ang isang oras at isa-isa na ring nagpapaalam ang mga bisita noong mapansin ni Forr na wala ang kanyang asawa. Nagpaikot ikot siya sa venue ngunit hindi niya ito natagpuan sa halip ay nakita niya ang kanyang Mamita.
"Mamita, have you seen Jillian?"
"Ow I don't know. She's with me a while ago. Go find her. Go! Go! You just got married and then you're losing each other aba paano ang honeymoon niyo! Maganda pa naman ang pinaayos kong rest house para sa inyo. It's a secluded place kilometers away from here sa main resort. It's on the mountain side of this island, a very romantic place for you two to spend the night together. Kayong dalawa lamang ang naroroon and you will be staying there till the day after tomorrow para naman masulit niyo ang isat isa. Go find her so that you can now go to your honeymoon destination." Excited na wika ni Mamita Mathilde sa kanya kaya naman sinuklian na lamang niya ito ng pilit na ngiti.
"Nasaan kana ba Jillian?" Bulong niya sa sarili niya bago nagpunta sa malawak na veranda ng hotel at baka naroon si Jillian dahil alam naman niyang hindi ito komportable sa maraming tao lalo na sa katulad nila.
Pagkarating niya sa veranda ay wala siyang makitang tao kaya naman ay aalis na sana siya nung may tumawag sa kanya.
"Forr..." Ito ang tinig na narinig niya mula sa madilim na parte ng veranda kaya naman natigilan siya ng bahagya.
"J-Jazmin..." Anung ginagawa mo dito?" He asked curiously nang ngumiti lamang ito.
"Does it matter?" She said intimately while making her way to him.
"Hmm?" Gulat niyang saad sa tinurang iyun ni Jazmin na noon ay nakalapit na sa kanya.
"Oh c'mon Forr, it's just the two of us in this dark romantic place. Don't you think we'd do something exciting..." Maglagkit ang mga pagbigkas na wika ni Jazmin habang hinahaplos ang leeg niya papunta sa kanyang dibdib.
Napaatras siya ng bahagya dahil doon.
"Oh, are you trembling just now Forr? Well... I understand thu, we haven't seen each other for 2 years so you mustn't know how to react." Pilya nitong saad bago unti-unting inilapit ang labi sa mga labi niya. He knew that Jazmin is now leaning for a kiss but he just can't move and totally astounded.
"I've missed you Forr..." Jazmin uttered in between their lips bago pinalalim ang paghalik na iyun.
JILLIAN'S POV
"F-Forr..." Mahina kong bulalas habang tutop ko ang bibig na noon ay nasa kabilang dulo ng veranda. Pabalik na sana ako sa loob noong masilayan ko ang aking asawa sa kabilang dulo ng veranda na may kahalikan.
"Jillian! Jillian! Anong gagawin mo. Ano ang dapat mong gawin? Jusko, kakasal ko lang nambababae na agad ang asawa ko. How dare that bitch halika nga dit-- naku hindi Jillian, mali. Wala kang karapatan remember. Fake wife ka lang. Fake wife! Hinga nang malalim, breath out, relax! Okay?" Tila wala sa katinuan kong pakikipagtalo sa sarili ko bago ako umatras ng ilang hakbang. "Hay makapasok na nga sa loob." Naiiling ko na lamang na saad sa huli bago pumasok sa loob bago pa man kung ano ang maisipan kong gawin.
"Jillian?" Tawag sa akin ni Egor na ikinagulat ko dahil nakasalubong ko siya sa hallway papunta sa reception area.
"E-Egor, a-anong ginagawa mo dito, I thought uuwi kana?"
"Ah-- I'm just checking on you."
"Hmm?"
"Ah ang ibig kong sabihin I was about to leave when I remembered Aiyen. Kagagaling ko lang sa room niya.
"Ah g-ganun ba."
"Uhmm, s-si Forr bakit hindi kayo magkasama."
"Dapat lang na hindi kundi sasamain yun sakin!" Wala sa huwesyo kong automatic na saad kaya naman natigilan si Egor. Maging ako ay nagulat sa sinabi ko.
"What?" Kunot noong bulalas niya.
"Ah ang ibig kong sabihin hinahanap ko pa siya." Pagsesegway ko bago magpakawala ng pekeng tawa para tanggalin ang awkwardness sa pagitan namin at nagsimula ng maglakad nung sundan niya ako para akbayan.
"Egor anu ba, baka may makakita sa atin maissue pa tayo." Pabiro kong protesta bago tinanggal ang kanyang kamay sa aking balikat ngunit ibinalik niya lang ulit yun. Para tuloy kaming aso't pusa sa hallway na naghahabulan.
.............
"Goodbye mga apo, have a wonderful moment with each other! Enjoy your honeymoon!" Ito ang excited at masiglang pahabol na sigaw ni Mamita sa amin ni Forr nung papaalis na yung sasakyan papunta sa rest house na inihanda niya for our honeymoon daw if that makes sense.
"Hay, Mamita talaga, ayaw akong tigilan." Pabirong saad naman ni Forr bago ngumisi.
"Well hindi mo siya masisisi. She just want the best for you kaya niya ginagawa ang lahat ng ito." Mahina ko namang saad.
"Hmm? How did you know things between me and Mamita huh?!"
"Ah, w-wala naman. N-naisip ko lang."
"You can't always speak your mind about things na naisip mo lang. It's baseless and meaningless. It'll just give people false hope." Seryoso niyang saad.
"Hah, f-false hope? How can you say that. Mamita is really doing her best for you so--"
"So stop right there Jillian! You don't know anything about my family so you'd better get out of it." Seryoso niyang wika kaya naman natigilan ako. I don't know how to react. I've just become his wife but he's telling me to stay out of his family thing. Kung sabagay I am just fake, maybe, that's just who am I in his eyes. After all, I was just paid by him.
Sa buo naming biyahe ay nanahimik na lamang ako habang siya ay tahimik lamang din na nakuha pang umidlip.
.........
"Ah-- do we really have to stay here tonight?" Basag ni Forr sa nakakabinging katahimikan na pumapailanlang sa silid na ipinahanda ni Mamita para daw sa honeymoon namin. Nakaligo at nakabihis na kami't lahat lahat pero wala pang nagsasalita samin simula noong pumasok kami rito.
"Are you asking because you don't know or you're asking because you're just dumb." Pabulong kong sagot noong matigilan ako sa tinuran ko. "Woyy Jillian okay kalang? Anong nangyayari sayo ano bang pakialam mo kong hinalikan niya ang babaeng yun at nagmamaldita ka. Hays umayos ka, relax!" Muli ko na namang bulong sa sarili ko.
"Hey Jillian, are you okay? May nakikita ka ba jan na hindi ko nakikita? Para kang may kausap eh." Usisang saad niya kaya naman nakaramdam ako ng hiya.
"Wala! Baka ikaw ang may naririnig jan na kung anu anu!"
"Bakit parang ang sungit mo yata ngayun? Okay ka lang ano may altapresyon ka ba, may diarrhea o ano." Pagtataka niyang tanong na tila gusto akong tawanan.
"Abay sinong hindi magsusungit e katatapos lang ng kasal may kalandian na agad yung isa ja--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung matauhan na naman ako at makita ang reaction niya.
"A-ano?"
"Wala! May regla ako kaya matutulog na ako. Maghoneymoon ka mag-isa mo!" Sungit-sungitan ko nalang na saad dahilan para mamula siya at mapatakip sa bibig ang isa niyang kamay na tila di makapaniwala sa tinuran ko.
Kung sabagay, maging ako ay nagulat din sa sinabi ko kaya naman agad na akong sumampa sa kama para magtalukbong ng kumot dahil sa hiya.
"Aish Jillian, nababaliw kana ba, bakit mo sinabi yun! Hays!" Pikit mata ko pang bulong sa sarili ko habang pinapakiramdaman si Forr nagulat din sa tinuran kong iyun.
BINABASA MO ANG
THE RICHMAN'S FAKE WIFE
RomanceFor the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside her dreams and dignity. However, she wouldn't want to be just like her mother who was branded as sl...