"Eh ano naman ngayun. Peke lang naman eh. If you'll agree to marry her, ikaw yung magiging legal na ama ni Aiyen, after you become the Chairman pwede na kayong maghiwalay at maiiwan sayo yung anak ko. Magiging malaya ka din naman at ganun din si Jillian. Pwedi na niyang ituloy ang mga pangarap niya sa buhay without having to worry about Aiyen. At—masi-save ko yung career ko dahil wala na akong poproblemahin na baka mabuko ako kasi I can always visit Aiyen without raising an issue." Mahabang paliwanag ni Egor kaya napiling iling siya ngunit hindi pa man siya nakakasagot ay biglang nagring ang kanyang cellphone.
"Tania, what is it?"
"Sir, there's an emergency board meeting that's happening now!"
"What?! Sinong nagpatawag?" Mataas ang tonong bulalas niya na napatayo pa mula sa pagkakaupo.
"The Director Sir. Also, you need to know this, Ma'am Jazmin has just arrived at kasama siya sa meeting." Tila nag-spaced out siya kunti sa narinig na pangalan.
"Sir? Still there?"
"Ah-, yes yes. B-Be there then!" Asiwang sagot niya sa sinabing iyun ni Tania at ibinababa na ang cellphone.
"Bakit, may nangyari ba--" Hindi naituloy ni Egor ang sasabihin nung may magsalita.
"Mga apo, my precious grandsons!"
Masayang tinig ng kanilang Mamita Mathilde na papalapit sa kanila with her arms wide open to hug them.
"Hmmuah"
"Hmmuah"
Malambing nitong saad while hugging them tightly.
"My grandsons, why didn't you give me a heads up na darating kayo para naman nagpahanda ako ng bonggang tanghalian. It's been long simula noong umuwi kayo dito sa bahay at bihira pa yung ganitong nandito ang dalawa o tatlo sa inyong magkakapatid. Bahay niyo ito baka nakakalimutan niyo. Kung hindi pa ako dumalaw sa mga condo ninyo hindi ko na kayo makikita." Mahabang litanya ng kanilang Mamita sa malungkot na tinig.
"Hay Mamita, nagdadrama na naman po kayo. Busy lang ho kami. Syempre we missed you din po." Paglalambing namang saad ni Egor bago inakbayan ang kanilang Mamita.
"Alam ko naman yun mga apo, eh kasi naman malalaki na kayo at may kanya kanya ng buhay pero ganun pa man huwag niyo namang pababayaan ang mga sarili niyo. Find your partners in life, have fun, huwag subsob sa trabaho."
"Ay Mamita ako po may Angela na and I'm having fun." Pilyong agad na saad ni Egor habang tahimik naman siya na nakahalukipkip lamang.
"Alam ko. Ang tinutukoy ko itong si Forr. Hindi ko na nga mabilang kung ilang babae na ang sinet-up ko for him pero walang nangyayari ayan single parin nag-aalala na ako."
"Mamit--" Singhal sana niya nung sumabat si Egor.
"Mamita huwag po kayong mag-alala, malay niyo bukas makalawa ikakasal na yan. Pilyong wika naman nito kaya naman napatingin siya dito.
"Apo-- totoo ba yun?!" May excitement naman sa tinig ng Mamita Mathilde nila bago siya binalingan.
"I'm sorry Mamita but I have to excuse myself for now. I have an urgent meeting." Seryosong sagot lamang niya at hinagkan na ang kanilang Mamita bago tinapunan ng naniniil na tingin si Egor at naiiling-iling na umalis. Napangiti naman si Egor dahil dun.
...
"This is my daughter Jazmin and she will be the new Head of the Surgical Department." Anunsyo ni Director Sanchez, ang Director ng Foundation kasunod nun ang palakpakan ng mga board members.
Ito ang naabutang eksena ni Forr pagkapasok niya ng meeting hall. Bigla namang natigilan ang lahat nung makita siya sa bumukas na pinto.
"What's the meaning of this?! Who told you to hold a meeting without my presence?" Galit ngunit malumanay na saad niya habang naglalakad papunta sa designated chair niya sa harap kung nasaan nakaupo si Director Sanchez.
BINABASA MO ANG
THE RICHMAN'S FAKE WIFE
RomanceFor the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside her dreams and dignity. However, she wouldn't want to be just like her mother who was branded as sl...