CHAPTER 16

1.7K 37 1
                                    


   Habang isinasayaw ko si Aiyen para patulugin siyang muli ay napapasulyap ako kay Forr.

   Naroon siya ngayun sa office niya-- working.

   Nahuhuli huli ko rin siyang napapatingin sa akin kaya naman agad akong umiiwas ng tingin dahil sa pagkailang.

   Halos mag-aalauna na noong ibaba ko si Aiyen sa crib. Katutulog niya lamang.

   Sasampa na sana ako sa kama nung maalala ko si Forr. He's still there working.

    "Jusko, wala ka bang balak matulog Forr? Kung gabi-gabi kang ganyan magkaka sakit ka niyan." Bulong ko at akmang hihiga na sana nung lingunin ko siyang muli kaya naman ay bumalikwas na ako at tinungo ang office niya.

    Kumatok muna ako ng tatlong beses sa glass sliding door niya bago ako pumasok dahil hindi siya umiimik.

    "Sus ginoo, akala ko naman nagtatrabaho ka parin at this hour, tulog kana pala." Saad ko bago ko siya marahang ginungun sa balikat.

   Naalimpungatan siya dahil doon at nataranta nung makita niya ako.

   "Oh bakit para kang nakakita ng multo?" Pabiro kong saad nung ngumisi siya kunti.

   "Ah-- N-nagulat lang ako. Teka, anung ginagawa mo dito?"

   "Ah pumunta lang ako dito para sabihan kang matulog na kasi mag-aala-una na eh computer parin ang kaharap mo."

    "You're worried about me?"

   "Bakit masama ba?" Pabalik ko lamang na tanong sa kanya nung ngumiti siya kaya ngumiti narin ako.

    "Eh ikaw bakit gising ka pa eh mag-a-alauna na ka'mo?" Biglang seryoso niyang saad.

   "Katutulog lang kasi ni Aiyen."

   "You must be tired then. Gabi gabi ka rin sigurong puyat para ihele si Aiyen. Its6 just right na may nanny na siya para makapagpahinga ka naman." Saad niya lamang.

   "Okay lang yun. Sanay naman na ako sa kanya, tsaka natural yun sa aming mga ina."
Ngumiti lamang siya sa tinuran kong iyun pero nangseryoso din.

   "Hay, if only Egor knows how hard it is for you. Puro lang siya pasarap." Naiiling niyang saad kaya naman ay nag-cringe ako at napangiwi.

   "Woy Forr, walang ganun!"  Wala sa sariling agad kong protesta kaya naman ay napakunot ang noo niyang tumingin sa akin.

   "Walang ganun? So paano niyo ginawa si Aiyen, nagbible-study lang kayo ganun?" Pabiro niya namang saad kaya naman ay mas lalo akong nanginig at nandiri.

Tumawa lang siya dahil doon.

   "Alam mo matulog nalang tayo at baka kung saan pa mapunta ang usapang ito. Shesshh..." Saad ko na lamang at lumabas na.

Tumawa lamang siya ng mahina at tipid bago sumunod.

....

   Kinabukasan habang nag-aayos ako sa salamin ay kasalukuyan naman siyang naglalagay ng necktie niya nung matigilan siya at lumapit sa akin.

   "Wait a moment." Saad niya lamang at nagtungo sa likuran ko. Nagulat man ako ngunit hinayaan ko lang siya.

   "Nakabukas yung zipper mo sa likod." Maya-may pa'y saad niya.

"Ah, umm m-nakalimutan ko." Naiilang ko na lamang na saad habang nakangiti ng ilang.

   "Let me help you with it." Saad niya lamang kaya naman iniangat ko yung aking buhok na nakatabing roon para maisara niya.

THE RICHMAN'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon