CHAPTER 27

1.7K 35 0
                                    

Paggising ko kinabukasan ay mabigat ang aking pakiramdam ngunit bumangon parin ako. Wala na si Forr sa silid.

Mabilis akong naligo at nag-aayos na ako nun ng may maulinigan akong malalakas na boses mula sa living room ng mansion kong hindi ako nagkakamali.

Parang nag-aaway ang dating nun sa akin dahil may narinig pa akong nabasag na gamit.

Agad akong lumabas ng kwarto dahil doon at agad na tinungo ang hagdanan. Nasa kaligatnaan pa lamang ako ng hagdan ay nakita ko na si Forr at Dad na nagpapalitan ng malalakas na boses.

“Ang lalakas ng loob ninyong pagsinungalingan ako! Do you really think I’m a fool to easily believe you two, no! I’m so disappointed in you!” Ito ang narinig kong sigaw ni Dad kaya naman lumapit na ako at tumayo sa likod ni Forr.

“Forr, Dad, a-ano pong nangyayari dito?” Saad ko bago bumaling sa kanya nung tingnan niya ako ng masama.

“Don’t you ever call me Dad! Wala akong manugang na peke at bayaran!” Matatas ang dilang saad niya kaya naman subra akong nagulat.

“A-ano ho?” tanging bulalas ko lamang.

Nagpakawala muna siya ng nang-iinsultong ngisi bago muling magsalita.

“Why, you think I didn’t know? I know it all! I know your secrets, kayong dalawa! Ang lalakas ng loob niyong magsinungaling sa akin! Lalo kana Jillian, I didn’t know na sa kabila ng maamo mong mukha, mukhang pera ka pala!”

“Dad enough! Don’t you think you’re being too much. Hindi lang siya ang may kasalanan dito. It is me who hired her!” Sabat naman agad ni Forr ngunit ngumisi lamang ulit si Dad bago binalingan si Forr.

“Is that all that you know hah Forr?” sarkastiko niyang saad.

“What do you mean Dad?” lito namang saad ni Forr.

“So you don’t know, do you?”

“Hindi alam ang alin Dad?”

“THAT THIS WOMAN IS MILKING NOT JUST YOU BUT OUR ENTIRE FAMILY PRETENDING TO BE A GOOD MOTHER KAY AIYEN!!! SHE EXTORTED MONEY FROM EGOR, FROM YOU, AND FROM YOUR MAMITA!”

“P-PO? D-DAD—AH I MEAN, CHAIRMAN CLAVERIO HINDI PO YUN TULAD NG INAAKALA NIYO!” agad ko namang depensa nung lingunin ako ni Forr na subrang nagulat sa sinabi ni Dad.

“Jillian tell me, is that true?” baling niya sa akin.

“Forr hindi—“

“ANONG HINDI! THAT’S NOT ACCORDING TO MY INVESTIGATION! Ang akala ng lahat inampon mo si Aiyen dahil mahal mo siya at gusto mo siyang magkaroon ng ina but the truth is, aside from the allowances that Egor is giving you which obviously the only thing my son knew but it’s not all.”

“Dad anong sinasabi niyo…” sabat muli ni Forr.

“THIS WOMAN HAD RECEIVED 200 MILLION FROM YOUR BROTHER, AND THEN SHE MADE HER WAY TO YOU, ANG ALAM MO AKSIDENTE ANG PAGKO-CROSS NG LANDAS NINYO BUT WHO KNOWS? A CLEVER FRAUD WOMAN WILL ALWAYS FIND A WAY. AGAIN, SHE RECEIVED 200 MILLION FROM YOU AND ASIDE FROM THAT, I HAVE FOUND A BANK ACCOUNT UNDER HER NAME WHERE YOUR MAMITA DEPOSITED ANOTHER 250 MILLION WHICH SHE JUST WITHDRAWED LAST MONTH. I HAVE ALL THE RECORDS IN HERE!” mahabang saad ni Dad bago iniabot kay Forr ang isang brown envelope. Forr is just staring at me intriguingly.


He quickly opened it and went over the documents. Muli niya akong ginawaran ng nanlilisik na tingin matapos niyang mabilis na binasa ang mga documents doon.

“Anong ibig sabihin ng mga ito Jillian? Totoo ba ang isinasaad ng mga dokumentong ito? SAGOT!!!” galit niyang bulyaw sa akin kaya naman agad tumulo ang luha ko sa pagkagulat at sa takot na rin.

THE RICHMAN'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon