Matapos kaming magshopping for Aiyen ay dumeretso na kami sa isang high-end restaurant for lunch.
"Theres no baby-seat for babies available sa restau kaya naman ay kalong-kalong ko si Aiyen habang kami ay kumain.
Umm, you okay?
Hah? Lito kong saad sa tinurang iyun ni Forr.
I mean let me have Aiyen para makakain ka naman.
H-ha? Naku hindi na okay lang ako. Sanay naman na ako na laging may Aiyen na inuuna sa lahat ng bagay maging sa pagkain." saad ko.
Napaisip lamang siya nun bago tumango at ngumiti ng tipid.
Habang pinagmamasdan niya ako na pinapakain si Aiyen ay tila malalim ang iniisip niya kaya nagtaka ako.
"Ah-- F-Forr may problema ba? Bakit parang malalim ang iniisip mo?"
"Umm, if only Egor knows his responsibilit-- hays, never mind..." May awa sa tinig niyang saad kaya naman napalunok ako at ngumiti na lamang ng tipid gayon din siya.
Maya-maya pa'y bumaling siya kay Aiyen.
"Ganito nalang, susubuan ko na lamang siya habang hawak mo siya para makakain kana." Saad niya kaya nagulat ako.
"Sure ka?"
"Umm kinda yeah. I'll try."
"Ah O-Oo naman, sige." Masaya kong saad bago iniabot sa kanya ang mashed-potato na pagkain ni Aiyen pero bigla din siyang natigilan.
"Oh bakit, may problema ba?" Taka kong tanong.
"Ah, eh I just remember, hindi ko nga pala alam magpakain ng bata. From what I know, hindi ba ang dami niyo pang ginagawa para lang mapakain sila?" Naiilang niyang saad kaya naman napangiti ako.
"Oo naman. Kailangan din ng strategies at tricks jan. Subukan mo." Pagbibiro kong saad.
"P-paano?"
"Basta aliwin mo lang ganito oh." Saad ko bago iminwestra ang dapat niyang gawin.
"Ganito, Aiyen baby paparating na ang airplane say ahhh, naku walang dadapuan ang airplane kapag hindi ka nag-ahh... Yiehhh heto na si Airplane malapit na... Ahhh--" Pagbebaby-talk ko habang hawak hawak ang spoon of mashed potato.
"Cheezy... Kailangan ko ba talagang gawin iyan?" Maya-maya'y ngiwi niyang ani at di maipaliwanag ang ekspresyon.
"Abah bakit naman hindi? Kailangang matuto kang gawin ito kung gusto mong mapakain si Aiyen."
"P-pero--"
"Hays anung pero pero. Kunin mo itong kutsara, ikaw naman." Saad ko at ipinahawak sa kanya ang kutsara na ngimi niyang kinuha."Oh anu na, sige na subukan mo lang." Ngiti kong saad.
"Ah ehemm, ehemm!" Saad niya pa bago bumaling kay Aiyen at ngumiti ng pilit.
"Ah-- A-Aiyen baby..." He awkwardly asserted bago sumulyap sakin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay to give him signal na ituloy niya lang while containing myself from laughing dahil sa itsura niya.
"Ah baby, airplane is here yu-yuhoo say ahhh--" utal niyang saad while smiling awkwardly kaya naman napabungisngis yung driver sa likod niya ay yung maid. Napangiti din ako.
Tinignan niya lamang yung dalawa sa likod niya kaya naman nagtakip sila ng mga bibig.
Bumaling siya sa akin pagkatapos kaya nagpigil din ako ng tawa at pilit sumeryoso para di siya makaramdam ng hiya.
Maya maya pa'y bumaling na siya muli kay Aiyen after he cleared his throat.
"Ah ehemm... Baby, ito na si airplane oh, weeee say ahhh..." Pang-aaliw niya kay Aiyen hanggang sa mapasubo niya ito kaya naman tila nanalo siya sa lotto sa tuwa.
BINABASA MO ANG
THE RICHMAN'S FAKE WIFE
RomanceFor the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside her dreams and dignity. However, she wouldn't want to be just like her mother who was branded as sl...