CHAPTER 13

1.9K 43 2
                                    

"M-mall?" Pagtatakang sambit ko nung tumigil kami ni Forr sa harap ng mall.

"Yes. As you can see." Casual niya lamang na saad na sinulyapan ako saglit.

"O-okay, p-pero anung gagawin natin dito?"

Basta bumaba ka nalang jan. Saad niya bago ngumiti at bumaba na ng kotse kaya bumaba na rin ako kahit na nalilito parin ako sa nangyayari.

Abala lamang ako sa pagtingala sa building na nasa harap ko while his giving his car-key sa parking boy na naroon para dalhin yung kotse sa parking lot ng mall.

Nakasunod lamang ako sa kanya while his walking elegantly and arrogantly with his face-up straight and with his one hand inside his pocket pagpasok namin sa mall.

"Hindi ba si Forr Claverio yan?"

"Hah? Forr? Yung may ari ng Royalty Hospital?"

"Oo hay ang gwapo pala talaga niya sa personal. Jusko!"

"Sus, sinabi mo pa. Mukha siyang totoong buhay na prinsipe oh."

Ito ang mga bulong-bulungan ng mga taong nadadaanan namin na nakatingin lahat kay Forr.

Yung iba sa kanila ay vinivideohan pa si Forr habang kinikilig. Hindi nga lang sila makalapit dahil nagkalat ang mga securities ng mall na nakatoon din ang atensyon kay Forr.

Sa tingin ko, tinimbrehan sila ng management ng mall to keep an eye kay Forr.

"Jusko, ang swerte naman talaga ng asawa niya!" Narinig kong wika nung isang babae sa tabi na may hawak na camera at kinikilig pa kaya naman napangiti ako nung matigilan din ako dahil sa tinuran nung isa.

"Teka sino naman yang babaeng nakasunod sa kanya. Stalker niya bayan, bakit hindi siya pagbawalan nung mga guard. Hindi ba nila siya nakikita." Sarkastiko at insultong saad nung isang babae kaya naman nanggigil ako imbes na ngumiti.

Ngunit mas nanggigil ako nung marinig kong tumawa ng bahagya si Forr dahil sa sinabi nung babae kaya naman binilisan kong maglakad para pumantay sa kanya. Lumapit pa ako ng bongga sa kanya bago ko siya kurutin sa tagiliran ng hindi ko namamalayan.

"O-ouch, Jillian?" Arte niyang saad na bahagyang umilag at pinagtaasan ako ng isang kilay.

Nahihiya ako sa ginawa ko ngunit binaliwala ko yun sa halip ay sinungitan ko din siya. "Eh tinatawanan mo ako eh. Inunsulto na nga ako nung babae tatawanan mo pa ako." Kunwari ay nagtatampo kong saad.

"Gezz, I thought you are not holding grudges?" Pang-aasar naman niya kaya tinampal ko lamang siya sa balikat.

"Ouch, should I call a security? I've got some stalker here causing me injuries..." Pagbibiro niya pa kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

Magbibiro pa sana siya ngunit nabahala kami pareho dahil parami na ng parami ang taong nakakapansin sa kanya at gitgitan na sila hanggang sa madamay na kami.

May mga guards naman trying to control the crowd but they are uncontrollable kaya nagkanda ipit-ipit na siya at damay ako.

Kunting-kunti na lamang at magkakahiwalay na kami dahil sa dami ng tao.

Nakaramdam ako ng pagkabahala ngunit nagulat ako when he suddenly grabbed my hand at hila-hila niy ako while he's making his way out from the jam-packed crowd sa tulong na rin ng mga guards na naroon.

I dont know how to react dahil dun. Ang alam ko lang I feel so safe and proud enough to keep my head straight at sumunod lamang sa kanya.

Paglampas namin sa mga tao ay bandang elevator na kaya tumakbo siya putungo roon hila-hila parin ako.

THE RICHMAN'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon