"LYNN!!!!" Iyak-tawa kong bungad kay Lynn sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Pinuntahan ko siya sa bahay niya at kararating niya lamang mula sa night duty niya sa hospital.Matagal ang naging pagyakap kong iyun sa kanya habang pinaglalabanan ang aking nararamdaman. Wala siyang imik the whole time because she knows what I exactly want from her. Hinahaplos niya lamang ako sa likod.
Matapos ang halos kinse minutos ng yakapang iyun ay bumitaw na ako sa kanya kaya naman iginaya niya ako paupo sa sofa.
"Kukuha lang ako ng tubig." Mahinahon niyang saad at umalis na kaya naman inayos ko na ang aking sarili.
"Mmm... so maaari mo na bang sabihin sa akin kung bakit ang aga-aga binubulahaw mo ako dito with matching matinding pag-iyak?" Sarkastiko ngunit puno ng pag-aalalang saad niya.
"Mars..." Panimula ko.
"Yes?"
"H-hindi ako umiyak." Wala sa sarili kong saad. Napakunot lamang ang noo nun ni Lynn bago tumitig sa aking mga mata at ngumiti ng may pagsang-ayon.
"Oo naman. Hindi ka umiyak." Pilyo niyang wika but with understanding.
"Pero Jillian, ano bang nangyari sa inyo ng asawa mo?" Nag-aalalang saad niya holding my hands.
"N-nag- away kami ni Forr."
"Mmm, tungkol ba ito sa ipina-alam ko sayo kahapon? Did you argue with him about it?"
"N-naku hindi."
"Eh ano?"
"P-pumasok kasi ako sa silid niya kahapon tapos nakita ko yung picture nila ni J-jazmin. N-naabutan niya akong hawak yun. Tapos yun, nagalit siya at binulyawan ako. Eh hindi ko naman sinadsadyang sagutin siya at mabanggit yung n-nakita mo that they were eating together." Paliwanag ko. Tiningnan niya lamang ako sa aking malamlam na mga mata bago siya umupo paharap sa akin.
"Hayy Jillian, alam mo naman sigurong mali ka naman talaga sa ginawa mong yun hindi ba?" Malumanay niyang saad.
"Alam ko naman yun. Pero sinabihan niya kasi nang masasakit na salita na kesyo binayaran niya lang daw ako kaya ako walang karapatang mangi-alam o magbigay ng opinyon sa buhay niya o sa mga ginagawa niya."
"At nasaktan ka dahil doon?"
"H-hah naku hindi ah. Tama naman siya eh. Hindi ako dapat nangingi-alam sa buhay niya kaya lang kasi--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung hawakan niya akong muli saking mga kamay.
"Jillian! Jillian..." Ito lamang ang saad niya bago umiling ng dalawang beses. Naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin.
"Anong gagawin ko Lynn." Tanging naibulalas ko na lamang.
"Kung patuloy kang magiging mahina at daramdamin lahat ng mga pinag-gagawa ni Forr lalo na kung tungkol ito sa ex niya eh' masasaktan ka talaga even if sabihin mong hindi. Well hindi kita masisisi. Forr might be the coolest human on earth at masungit pero he's still one of the kindest and warmest soul you've ever known. Tapos nakatira kayo sa iisang bahay seeing each other, eating together, laughing together, taking care of Aiyen together on a daily basis. Sino ba namang hindi malulunod doon diba. Pero Jillian Forr is still Forr he's not your league ibang uri sila ng mga tao." Mahaba niyang saad habang nakatitig parin sa aking mga mata while holding my hands.
"Lynn... anong gagawin ko?"
"Jillian wala kang dapat gawin. Just know your purpose and act accordingly. She paid you then act as one. Jillian dalawang buwan palang kayo ni Forr may 1 year and 8 months ka pa to live with him. That's a long long way to go baka one day bumigay ka na lang at mainlove sa kanya kung daramdamin mo lahat ng ginagawa o pinapakita niya sayo."
BINABASA MO ANG
THE RICHMAN'S FAKE WIFE
RomanceFor the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside her dreams and dignity. However, she wouldn't want to be just like her mother who was branded as sl...