"Jillian asan ka?" Pabirong saad ni Lynn nung puntahan niya ako sa coffee shop kung saan ko siya kikitain. She's just standing right next to our table pero kunwari ay may hinahanap siya stretching her neck.
"Baliw, maupo kana nga jan!" Nakatawa ko lamang na wika bago tumayo.
"Teka hindi ko makita si Jillian nasaan siya?" She acted out.
"Lynn!!!" bulalas ko na lamang nung tuluyan na siyang tumawa at humarap sa akin.
"OY JILLIAN! Taray ng outfitan natin ngayun ah. Infairness ah nagmukha ka na ring asawa ng isang Claverio sa wakas. Mukha kang walking-50 thousand." Pagbibiro niya sabay sipat sa akin mula ulo hanggang paa.
"Gaga, ikaw talaga kung ano-anong pinagsasabi mo."
"Eh totoo naman. Look at you, your dress, bag, shoes... oh perfect!" nakapilantik ang mga daliring saad niya kaya naman napabungisngis na rin ako.
"Oh well anyways, anu na naman at pinapatawag mo na naman ako. Wala pa akong tulog kalalabas ko lang from work." Pagbibiro niyang saad kaya naman napangisi ako.
"Eh kasi Lynn itong si F-Forr" panimula ko.
"Oh bakit, anung nangyari? Ano may nangyari na ba sa inyo? Ano sabihin mo." Sunod-sunod niyang saad. "Gaga walang ganun. Ikaw utak mo, may tama na naman."
"Eh anu nga kasi yun?"
"Eh yun na nga, itong si Forr kasi nitong mga nakaraang araw simula nung mag-away kami parang—parang ang sweet sweet niya tapos alam mo yun parang ang bait-bait niya sa akin."
"Yung bait, masasagot ko yan kasi dati naman na siyang mabait sayo. Pero yung sweet, hindi ko alam. Baka naman bumabawi lang." Saad niya.
"Siguro nga tama ka."
"Pero Jillian, paano kung hindi. Tignan mo, he's now starting to turn you into someone of his league. Pinagshopping ka, tapos sabi mo ang bait-bait niya sayo."
"Hay ewan ko nga din Mars. Yung treatment niya kasi sa akin these days parang may iba."
"hmm, ewan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo pero ito ah, kailangan mong mag-ingat este, kailangan mong ingatan yang puso mo. Bakuran mo kung kinakailangan. Hanggat walang hudyat, huwag kang bibigay, huwag kang maiinlove sa asawa mo."
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niyang iyun.
"Oh ba't dika makasagot. Hmm, don't tell me inlove ka na sa kanya."
"Y-yun na nga yung problema Lynn, pakiramdam ko hindi imposibleng mangyari yun. Paano kung mangyari yun Lynn, paano kung ma-inlove nga ako sa kanya."
"Alam mo Jillian, psychology says that the more you hide your feelings for that person you love, the more intense and profound you'll fall for him."
"Wow ang laki ng tulong niyan ah infairness! Nahihirapan na nga ako may paganyan-ganyan ka pang nalalaman." Pambabara ko sa kanya kaya naman ngumisi siya bago magsalita.
"Alam mo tama ka, hindi nga malabong mainlove ka sa kanya. Una, mag-kasama kayo sa iisang bahay, nagkikita araw-araw, nagsasalo sa pagkain. Ipinagluluto at pinagsisilbihan mo siya. Tapos he's being sweet to you. Abay hindi nga naman malabong magkaroon ka ng feelings para sa kanya and even siya. Pero Mars, huwag mong kalilimutan ang purpose ng pag-sasama ninyo. Your marriage is just for show. Malay mo what his doing is all part of the game? Mars yun ang lagi mong iisipin kasi ikaw lang yung masasaktan kapag hinayaan mong may maramdaman ka sa kanya. Alam mo yan."
"T-tama ka. Hindi ko nga dapat bigyan ng ibig-sabihin yung mga ginagawa niya. Baka nga it's all part of the show kahit na minsan parang totoo."
"Hah totoo ang alin?"
BINABASA MO ANG
THE RICHMAN'S FAKE WIFE
RomanceFor the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside her dreams and dignity. However, she wouldn't want to be just like her mother who was branded as sl...