"Ay hello Ma'am. Tama nga po ang hinala namin, maganda nga po ang napangasawa ni President Claverio at bagay na bagay sa kanya." Saad nung isang ginang habang kinakamayan ko sila.
"Naku, nakakahiya naman po pero salamat po." kinikilig ko namang saad na hindi ko maitago.
"Naku Ma'am, marunong po pala kayong magtagalog."
"H-ho?" Pagtataka kong saad.
"Eh kasi Ma'am unang tingin pa lamang po namin sayo mukha kang taga-ibang bansa, maputi at kakaiba po kasi yung ganda niyo hindi kayo mukhang Pilipina. Ang elegante niyo din po kasing tignan." Paliwanag nung isa kaya naman napahalakhak ako.
"Naku hindi ho, ako ho ay isang Pilipina." Saad ko pa habang ngiting ngiti kaya naman ay tumawa din si Forr ngunit maya-maya ay hinawakan niya ako sa bewang upang hilain papalapit sa kanya.
"Yung ngiti mo, masyadong malaki, liitan mo unti." Pilyo niyang saad kaya naman ay mas napangiti ako ngunit niliitan ko iyun din iyun. "Ganito?" Pa-cute kong saad nung mapangiti siya. "Liitan mo pa, ganito oh." Saad niya bago ngumiti. "Hindi mas cute kapag ganito." Saad kong muli bago ngumiti dahilan para magtawanan kaming dalawa nang matigilan kami.
"Ehmm, ehmm it's too hot in here. Can we just proceed inside para makapagmeeting na!" Seryoso at tila naiinis na wika ni Jazmin at nauna ng naglakad papasok sa five storey building na nakatirik malapit sa amin.
Napatingala ako dun at nabasa ko yung malaking sinage, CHILD CARE CENTER. The building itself looks new. Even the landscapes and the parking is newly made. Dahil doon ay tinanong ko si Forr.
"Investor ka dito?" Saad ko.
"Nope, I put up this just over a month ago because of this one person who inspired me." Tugon niya lamang bago ngumiti at pumasok na sa loob.
Dahil doon ay natigilan ako at napaisip. Hindi ko alam pero napangiti na lamang ako.
Sumunod ako sa loob pero hindi ako sumali sa meeting. I'm not part of it anyways. Nagpunta na lamang ako sa isa sa mga learning rooms ng mga bata para makipaglaro sa mga ito.
"Naku Ma'am anu hong ginagawa niyo dito, naku nakakahiya naman po. Hindi pa po nakaligo ang mga bata tsaka naliligo po sila sa pawis. Nakakahiya naman po. Sa office po muna kayo habang hinihintay si Sir." Saad ni Mrs. Kadusale, ang nagsisilbing guro ng mga bata. Siya din yung kausap ko kanina na pumuri sa akin.
Ngumiti lamang ako bago magsalita. "Mrs. Kadusale, okay lang po. Sanay po ako sa ganito. "
"Pero Ma'am baka ho madumihan kayo."
"It's okay. Alam niyo po hindi naman po ako maarte tsaka ang totoo po niyan ipinanganak at lumaki po akong mahirap. Sa katunayan kaya ako malapit sa mga batang katulad nila because I'm one of them. Lumaki ako sa bahay ampunan hanggang sa grumaduate ako ng high school. That's why even if I'm not the same person anymore, I still look back dahil hindi ko po ito ikinakahiya." Nakangiti kong kwento.
"Naku Ma'am ganun po ba. Kaya po pala hindi kayo maarte tulad ho ng ibang mga mayayaman na nagpupunta dito. Bagay na bagay po talaga kayo ni Sir Forr dahil kapwa po kayong may mabuting kalooban para sa mga nangangailangan. You must be the inspiration that he's talking about na siyang dahilan para magpatayo siya ng home for the abandoned children."
"Hmm, hindi niya nabanggit yun sa akin baka ho hindi ako ngunit ganun pa man, masaya po ako at thankful sa asawa ko for doing this. Knowing that his wife was an orphan. Tsaka alam niyo, mabuti po talagang tao ang husband ko. He's all cold and firm outside but he is warm and kind inside." Tugon ko nung ngumiti siya.
"Alam niyo Ma'am ang alam ko po ay kayo talaga ang tinutukoy si Sir Forr dahil ang sabi niya po nun sa speech niya during the opening of this care center, he got inspired by a woman he didn't expect to enter his life and later become special in his heart.
BINABASA MO ANG
THE RICHMAN'S FAKE WIFE
RomanceFor the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside her dreams and dignity. However, she wouldn't want to be just like her mother who was branded as sl...