CHAPTER 29

2K 37 0
                                    

Tahimik lamang si Forr habang binabasa ang ledger kung saan inilahad ni Jillian lahat nang dapat niyang malaman.

He let out a long deep sigh matapos niya iyung mabasa.

“Apo, that ledger contains all the things that you must know na hindi mo na narinig mismo sa mga bibig ni Jillian because you banished her right away without even explaining herself.  Now that you know that every penny that she has taken from your brother and from you was deposited to a trust found under Aiyen’s name, will you still defy her? See, she really cares for Aiyen and for Aiyen’s future kaya lahat ng perang natatanggap niya mula sa inyo ng kapatid mo, inipon niyang lahat para sa future ni Aiyen.” Mahabang saad ni Mamita.

“What s-should I do then Mamita, I have already caused her so much pain matapos ko siyang bulyawan, paratangan ng kung ano ano at palayasin, how could I even possibly show my face to her?” He said regretfully while containing himself from tearing up.

“Iho, apo... Jillian is not like you, she’s not as stern as you. She’s not as cold as you. If you would go to her and ask for her forgiveness, I’m sure she’ll forgive you. Kaya lamang apo, like what you have said, you’ve caused her so much pain. It will not be easy for her to take your apology but I know she will if you’ll push through. Effort and sincerity is a must, if you really wanna win her back.” Mamita remarked.

“Why would I win her back Mamita? I mean, how could I win back someone I’ve never had?” bakas ang lungkot sa tinig niyang wika.

“Anong ibig mong sabihin apo?”

“Mamita, d-do you really think that Jillian have ever truly loved me?” Naiilang niyang tanong ngunit ngumisi si Mamita bago siya sagutin.

“Apo, bakit hindi mo baliktarin ang tanong. Have you ever loved Jillian? Hmm… Kung sigurado kana sa sagot mo, then hurry up and win your wife back! Aside from Aiyen, I know that you’ve missed her.” Mariinng saad ni Mamita kaya naman natigilan siya at hindi na nakaimik.

“Dito ako matutulog, namimiss ko si Aiyen, namimiss ko ang apo ko. Magpahinga ka na rin, you seems exhausted.” Malumanay pang saad ni mamita at tinungo na ang silid ni Aiyen.

Naiwan lamang siya sa sofa na tila lutang at hindi mawari ang nararamdaman. He’s been attacked by Mamita’s words that he can’t process everything. Nasapo na lamang niya ang kanyang noo at napayuko.

...............
In Lynn’s house…

“Jillian, hindi ka naman kumain. Yung inwan kong pagkain kaninang umaga bago pumasok sa trabaho ganun parin, hindi mo manlang ginalaw.” Nag-aalalang saad ni Lynn kay Jillian na noon ay nakahiga patalikod sa kanya. Hindi ito umiimik.

“Jillian, ilang araw ka nang ganyan simula nung lumabas ka ng hospital. Baka naman bumalik yung sakit mo at mas lumalala pa dahil sa ginagawa mong yan.”

“Mars tama si Lynn, alam mo dapat cheer up ka lang, magpaganda at maghanap ng ibang lovelife!” Sabat naman ni Arny na kararating lang para dalawin siya.

“A-Arny?” Agad naman niyang saad bago lingunin ang mga kaibigan.

“Naku Jillian, si Arny lang pala ang makakapag-pasalita sayo. Kung alam ko lang dinala ko na siya dito sa bahay nung isang araw pa.” Pagbibiro namang bulalas ni Lynn.

Tiningnan niya lamang ito at bumangon na para umupo.

“Hay Jillian... look at you, daig mo pa ang nanakawan ng million, pero kung sabagay, wala nang mas sasakit pa sa nangyari sayo. Nawalan kana nga ng anak, nawalan ka pa ng pinakamamahal na asawa.” Sutil pang saad ni Arny dahilan para sikuin ito ni Lynn dahil nag-hulugan na naman ang mga luha niya.

“Arny, anong ginawa mo...” Pabulong namang agad na saad  ni Lynn kay Arny na agad namang naupo sa tabi niya para haplusin siya sa likod.

“Naku sorry na Mars, hindi ko naman sinasadya, akala ko kasi ubos na ang luha mo, meron pa pala. Tahan na.” Nag-aalalang saad nitong saad kaya naman nagpunas na siya ng luha.

“Lynn, Arny...”

“Yes kamahalan, nandito lang kami. Ano pong maipaglilingkod namin?” Agad namang saad ni Arny sa maarting tinig kaya napangiti si Lynn, ngumiti na din siya.

“Ayan! Naku jusko, kelan ka huling ngumiti, tingnan mo oh ang ganda ganda mo kapag nakangiti!” Muling pabirong saad nito kaya tuluyan na siyang tumawa kahit na malamlam parin ang mga mata.

“Pero Mars kidding aside, alam mo, lubog na lubog kana na eh, you’ve cried enough, don’t you think it’s time for you to cheer up na?” Sabat naman ni Lynn na tumabi na rin sa kanya nung biglang tumayo si Arny.

“OWEMJI MARS! ALAM KO NA KUNG ANO ANG DAPAT MONG GAWIN! COMES KA SA AKIN SA BAR KO AT SAMAHAN MO AKO. YA’KNOW SERVE SERVE LANG, TALK TALK SA MGA COSTUMERS, MALAY MO DOON KA MAHANAP NG BAGO MONG LOVE LIFE, EDI MAS MADALI MONG MAKALIMUTAN SI FORR. ANO, LARGA?!” Malakas at masigla ang tinig na saad ni Arny kaya naman napatingin siya dito.

“T-talaga? You’re offering me a job?” She exclaimed. Natutuwa siya dahil doon. It’s not that she badly needs job, he just want something that will make her busy para kahit papaano ay hindi niya laging iniisip si Aiyen lalong lalo na si Forr.

“OF COURSE MARE! PARA NAMAN MAY PAGKAABALAHAN KA. KESA MAGMUKMOK KA DITO ALL DAY. MAS LALO MO LAMANG MAAALALA ANG MGA PANGYAYARI SA BUHAY MO.” Tugon ni Arny.

“Alam mo tama ka, kailangan ko ng mapagkakaabalahan para naman hindi lamang ako tengga dito. Lalo lang akong nababaliw kakaisip kay Aiyen at--- at k-kay Forr.” Naiilang niyang saad ngunit niyakap na lamang siya ng mga kaibigan.
********

Kinabukasan ay maaga nga siyang bumangon para tumungo sa Bar ni Arny habang si Lynn naman ay dumeretso sa hospital para magtrabaho.

Pagsapit ng hapon ay dumeretso rin si Lynn sa bar para bisitahin si Jillian ngunit si Arny kaagad ang nakita niya.

“Mars, nasaan si Jillian?”

“Uhmm ayun Mars, parang may balak magpakamatay…” Pagbibirong tugon ni Arny.

“Anong ibig mong sabihin?” Pagtataka namang tanong ni Lynn  nung hilain siya sa kamay ni Arny at igaya siya patungong bar kitchen.

Naroon si Jillian at abalang naghuhugas ng mga kitchen utensils.
“Uhmm, Ito ang ibig kong sabihin Mars. Alam mo ba kanina pa siya dito. Kanina pa siya naghuhugas jan. Hinugasan na niya lahat ng gamit dito pati nga yung hindi pa nagamit isinali narin niya. Kulang na lang hugasan niya itong buong kusina, kung pwedi lang.” Pabulong na saad ni Arny kay Lynn habang pinapanuod si Jillian na abalang maghugas sa harap nila.

“A-ano lahat ng ito?!” gulat namang bulalas ni Lynn dahil napakalawak ng kitchen kung nasaan sila at punong puno iyung ng mga kitchen utensils na halata ngang bagong hugas at bagong ayos.

“Oo Mars, kanina ko pa yan pinipigilan ngunit ayaw namang mag-paawat. Gusto niya raw may ginagawa siya para wala siyang panahong isipin si Forr. Alam mo, sa lahat ng broken hearted, siya ang pinaka may silbi, kaya lang nasubrahan.” Pagbibiro pang dagdag ni Arny nung matigilan sila dahil tapos nang maghugas si Jillian at lumingon na ito sa kinaroroonan nila.

“Tapos na akong maghugas. Wala na bang hugasin jan? Ito nahugasan na ba ito, gusto mo ulitin ko?!” Tila lutang niyang saad at akmang kukunin na sana yung mga platong nasa isang tray nung pigilan na siya ni Arny.

“Naku Mars tama na yan. Namumuti na ang mga kamay mo kakahugas. Kanina ka pang umaga jan eh, gabi na.” Saad nito na agad namang sinundan ni Lynn.

“Jillian, tama na yan. You’re overdoing yourself. You know what, kung gusto mo talagang makalimot, bumalik na tayo sa bar para uminom total naman eh day off ko bukas.” Suhestiyon nito.

“Ay gusto ko yan. Nako tamang tama, alas otso na kaya I’m sure dumating na yung mga cuties and hotties na regular customers ko. Hindi lang mga pogi at hunk ang mga yun, they are professionals or if not, rich kids naman, kaya pweding pweding pamalit kay Forr. Tara na at nang maayusan na kita ng bongga! I have new dresses na binili, hindi ko pa nasusuot. Bagay na bagay ang mga iyun sayo for sure! Makakabingwit ka tonight, 100 hundred percent!” Excited pang saad ni Arny at hinila na siya papunta sa wardrobe nito.

***

THE RICHMAN'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon