CHAPTER 15

1.7K 36 0
                                    

Matapos kaming magdinner ay nagpaalam na si Mamita ngunit tinungo pa niya ang silid ni Aiyen para magpaalam dito.

Kakausapin na sana ni Forr si Annie nung kapwa namin mamataan ang mga maleta nito na nasa gilid bago kami magtinginan na tila agad ding nagkaintindihan.

Hindi pa kami nakakabawi nun nung lumabas na si Mamita mula sa kwarto.

"Mabuti na lamang at dalawa ang bedrooms dito so pwedi na siyang matulog sa kwarto ni Aiyen total naman eh malawak iyun. Besides, Aiyen is sleeping on her crib so Annie will gonna use the bed." Kaswal lamang na mungkahi ni Mamita bago ngumiti.

Nagkatinginan na lamang kami ni Forr na may pagkailang sa mga mata.

"Oh bakit tila nagulat kayo, may problema ba?"

"Hah- ahhaahha, w-wala naman po Mamita, diba luv?" palusot na wika ni Forr na ikinagulat ko naman.

"L-luv?!" siniko niya lamang ako ng bahagya sa tinuran kong iyun kaya naman ay sumakay na din ako.

"A-ah oo naman luv, ano namang magiging problema dun." Saad ko rin habang pilit ang ngiti.

Nakatitig parin sa amin si Mamita na tila may iniisip kaya naman ay inakbayan niya ako habang ako ay napahawak naman sa bewang niya habang kami ay kunwaring naglalambingan dahilan para mapangiti si Mamita.

"Hmm, I'm happy that you two turned out to be a sweet and lovely couple. I really thought at first that you two will end up filing an annulment right after your marriage dahil kilala ko itong apo ko. Napaka-workaholic at gustong laging mag-isa kaya natakot ako na baka hindi ka makatiis Jillian at iwanan mo siya but I'm happy now. At least you two are good together, you must be complementing each other very well that's why. Kita niyo nga at meron na akong lovely na apo. I can see that you two are full of love." Saad niyang muli na tila gustong magdrama. Nakangiti lamang kami ng pilit ni Forr the whole time.

"Ah-hahhaha, oo naman po Mamita, mahal na mahal po namin ang isa't-isa, right luv?" Pagdadrama ring saad ni Forr na mas hinigpitan pa ang paghapit sa akin bago nagpakawala ng pekeng ngiti kaya naman sumakay na rin ako. "A-ah--hehe oo naman luv." Pasweet kong saad bago ako nagpakawala ng pilit ding ngiti.

"Hmmm, you're such a lovely couple. Total naman eh magdadalawang taon na itong si Aiyen, pupwedi niyo na siyang bigyan ng apo. Iyun na ang pinakamagandang regalo niyo sa akin pag nangyari yun. Malulungkot si Aiyen kapag mas lumaki pa siya at walang kapatid na kalaro kaya madaliin niyo at gumawa na kayong muli. Kahit pa isang dosena okay lang."

Excited pang saad ni Mamita habang kami naman ni Forr ay kapwa nasamid at napaubo sa mga pinagsasabi niya.

"Oh siya sige at hindi na ako magtatagal at ng magkaroon pa kayo ng oras na maghoneymoon bilang narito naman si Annie na siyang bahala kay Aiyen. Makakarelax na kayo while doing your own stuff without worrying na magigising si Aiyen. You must be excited." Excited niyang saad muli kaya naman muli kaming nasamid ngunit ngumiti parin kami sa kanya at sumang-ayon sa mga pinagsasabi niya.

Maya-maya pa ay umalis na siya.

Forr drove her home samantalang ako naman ay dali-daling pinag-lilipat ang mga gamit ko sa silid ni Forr bago pa man makita ni Annie ang mga iyun sa magiging silid niya dahil tiyak na kakuntyaba siya ni Mamita. Sinabihan ko muna siyang maghintay sa sala and play with Aiyen na noo'y nagising. 

Tanging gamit na lamang ni Aiyen ang naiwan sa silid noong matapos ako kaya naman ay tinawag ko na siya para iayos ang mga gamit niya at ng makapagpahinga na siya.

"Umm Annie, sa akin na muna matutulog si Aiyen so that you can rest." Malumanay kong wika habang buhat buhat si Aiyen.

"H-ho sa inyo po matutulog si Aiyen Ma'am, hindi po ba ang sabi ni Mamita ako na ang bahala sa kanya para makagawa na kayo ng kapatid niy--"

THE RICHMAN'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon