CHAPTER 30

2.3K 44 0
                                    

Nagsalo-salo silang tatlo sa isang bote ng Luis Brutt Champagne bago tinungo ang dance floor kung saan siksikan ang mga tao. Tinungo nila ang bar counter at umupo sa tatlong high chairs na naroon habang nag-oobserba nung may lumapit na lalaki at deretso ang tingin nun kay Jillian.

“Uhmm, Mars ayan na. Malakas ang dating at gwapo kaya pwedi na.” Panunuksong saad ni Arny sa kanya.

“Go Mars, sayo nakatingin oh, galingan mo!” Saad naman ni Lynn kaya naman napalunok siya at nakipagtitigan din sa lalaki.

“Hey…” saad nung lalaki sa kanya nung makalapit ito.

“Ey,” tugon niya lamang nung mag-abot ng kamay sa kanya yung lalaki para magpakilala.

“You look stunning. By the way I’m Kian, Kian Claverio.” Agad siyang nagbawi ng kamay at ngiti pagkarinig na pagkarinig pa lamang niya ng apelyido nito. “Hmm, excuse me.” Sa halip ay saad niya pa bago dali-daling tinungo ang table nila kanina sa VIP section.

Pinuno niya ng alak yung wine-glass niya at nilagok iyun lahat.

“Mars, ayan kana na naman.” Nag-aalala namang saad ni Lynn na agad sumunod sa kanya.

“Eh kaapelyido eh…” Saad niya lamang at tila gusto na namang umiyak ngunit dumating si Arny.

“Mars cheer up! Ang dami dami pang ibang lalaki jan! Alam mo, tumayo kana jan at sa main-club tayo tumambay, marami doon. Halika na!” Masiglang saad ni Arny bago siya hilain sa mga kamay.

Tinungo nila ang main-club section at doon nakipag-siksikan sa mga sumasayaw.

Lumipas pa ang ilang minuto nung may isang lalaki na lumapit sa kanilang tatlo at siya na naman ang deretso nito.

“Hey Miss gorgeous, may I steal a bit of your time?” Nakangiti nitong saad sa kanya. Ngumiti lamang siya dito kahit pilit at naiilang.

“O-Of course.” Nakangiti niyang tugon dito.

“May I know your name?”

“Ohw, I’m Jill, yeah, just Jill.” Saad niya bago nag-abot ng kamay. Agad naman iyung kinuha nung lalaki at hinalikan pa dahilan para matigilan siya nung magsalita na yung lalaki.

“Well just Jill, I’m Four. Four Lop--” hindi na nito naituloy ang sasabihin nung agad siyang magbawi ng kamay at agad agad na nagwalk-out.

“Wait Miss, Miss Jill, what happened?” Habol pang wika nung lalaki ngunit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad habang nagpupunas ng kuha.

“Naku, pasensya ka na, kapangalan mo kasi yung ex.” Saad na lamang ni Arny at sinundan na si Lynn na agad ding sinundan si Jillian.

“Jillian, o-okay ka lang?” alala namang saad ni Lynn habang nakaupo sa harap niya habang dere-deretso lamang siya sa paglagok ng alak mula sa bote habang nagpapakawala ng luha.

“Jililian Mare, mukhang mali nga talaga tayo ng timing today. Bukas nalang natin itry ulit.” Saad naman ni Arny bago tumabi kay Lynn habang pinapanood siyang walang habas sa paglagok ng alak.

“Mars… tama na yan. Baka masubrahan ka.” Muli pang saway sa kanya ni Lynn nung tuluyan na siyang mawala na naman sa katinuan. Malasing at bumigay dahilan para magpakawala siya ng pag-iyak.

“Lynn, Arny, bakit? Nandito ako para makalimot ngunit paano ko yun magagawa kong ganun naman yung mga nakikilala kong mga lalaki.”

“Hmm, bakit… anu bang klase ang mga nakikilala mong mga lalaki?” Sabat ng isang pamilyar na tinig na ikinagulat niya. Mula sa kanyang likod ang nagsalita.

“Owemjiii!!!” Ito naman ang halos sabay na bulalas nina Arny at Lynn na nasa harap niya lamang. Nakatingin sila sa likod niya but she’s too drunk to think about things, ang tanging alam niya lang kaboses iyun ni ng lalaking pilit niyang kinakalimutan.

“Hays… paano ko makakalimutan si Forr kong ganito ang nangyayari! Kanina, nakakilala ako ng Claverio ang apelyido, tapos may nakilala ang kapangalan niya, ngayun naman may naririnig akong kaboses niya…” Lasing niyang saad at tumungga muli.

“Naku Jillian, Mare. I-Itigil mo na yan…” Naiilang at nahihiya namang saad ni Arny habang nakatitig parin sila kay Forr na pinagmamasdan lamang si Jillian mula sa likod.

“Hindi ayuko, sabihin niyo muna sa akin kong bakit lahat nalang konektado sa kanya, paano ko siya makakalimutan niyan, missed na missed ko na nga siya tapos ganito pa ang nangyayari…baka mamaya kamukha na niya ang makita ko.” Umiiyak niya lamang na saad na mas lalo pang nalasing dahil sa pag-inom niya ng pag-inom ng alak habang nagsasalita.

Eh, J-Jillian, Mare… b-bakit hindi ka lumingon sa likod mo para makita mo ang kamukha niya.” Naiilang namang saad ni Arny.

“K-kamukha niya? San, sa likod ko?” lasing paring saad ni Jillian nung magsalita na si Forr.

“Oo Jillian. Bakit hindi ka lumingon sa likod mo?”  Pilyo niyang saad nung tumayo nga si Jillian para lingunin siya kahit na halos matumba na siya sa kalasingan.

“T-totoo nga, hindi lamang ka-apelyido, kapangalan at kaboses ni Forr ang makikita ko dito, pati kamukha niya meron din… ang galing!!!” Saad niya pa bago tumawa ng isang tawang lasing habang hinahawakan ang kamay ni Forr.

“Bakit kamukhang kamukha mo siya ha, yung ilong, yung mata, yung mga labi niya kagayang kagaya ng sa iyo.” Saad niya pa habang iniisa-isang hinahaplos ang mga parting binabanggit niya haang si Forr naman ay tahimik lamang na nakatitig sa kanya.

“Ah hmm, J-Jillian Mars, diba sabi mo, miss na miss mo na si Forr, eh kunyari siya yan, bakit hindi mo sa kanya sabihin ang mga gusto mong sabihin kay Forr.” Sutil namang sabat ni Arny bago sila mag-ngitian ni Lynn.

“Sige na Mars, kunwari si Forr yan, anong gusto mong sabihin sa kanya?” Muli pang saad ni Lynn kaya naman muli na siyang tingnan muli si Forr bago magsalita.

“A-alam mo ba, miss na miss na kita. Subra subra mo akong nasaktan pero hindi ko parin magawang magalit sayo kasi mahal na mahal kita at nagagalit ako sa sarili ko kasi hinayaan ko iyung maramdaman kahit na alam kong hindi mo naman ako mamamahalin pabalik. Everyday that I’m spending with you as your wife has been my happiness. Noong sinabi ko sayong iniisip ko na sana totoo nalang na buo tayong pamilya kasama si Aiyen, totoo lahat ng iyun…” Malakas ang pag-iyak niyang saad na may kasama pang paghikbi bago siya muling magsalita while still touching Forr’s face.

“S-sana totoong narito ka na lamang din,  s-sana totoong ikaw na yan k-kaso alam ko namang hindi totoo, na kamukha mo lang siya kaya kayo pareho ng tinig, ng mata, ng ilong, ng labi at nang---” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya noong magsalita si Forr. “Eh ito, pareho ba?” malumanay nitong saad bago siya hawakan sa pisngi at gawaran ng madamdaming halik sa kanyang mga labi.”

Halos lumundag sa kilig sina Arny at Lynn dahil doon habang siya ay nakadilat lamang ang mata. Matapos ang ilang segundo ng paghalik na iyun ni Forr sa kanya ay tumigil ito para tingnan siya dahilan para magtama ang kanilang mga mata. “Ano, parehas din ba?” seryos ngunit marahan nitong saad sa kanya kaya naman nagbaba na siya ng tingin sa mga labi nito bago siya muling tingnan sa mga mata.

“F-Forr?” tanging bulalas niya lamang bago nagpakawala ng mainit na luha sa kanyang mga mata.

“Hindi ka parin sigurado? Eh ito…” Saad pa ni Forr bago siya yapusin sa kanyang mga bewang ng mahigpit kasabay ng pag-gawad sa kanya nito muli ng halik but this time mas mapusok, mas malalim, at mas mahaba kaya naman gumanti na siya as she wrapped her arms around his neck.

Maya maya pa ay natigil din ang halikang iyun nung biglang maduwal si Jillian. Bago pa man makalayo si Forr ay nasa kanyang suit na ang spew ni Jillian sa bandang dibdib. Agad niya iyung hinubad at ipinatong sa sofa bago muling bumaling kay Jillian na muli pang sumuka.

Matapos iyun ay tumumba na ito mabuti na lamang at agad niya itong nasalo.

"Hey Jillian..." Saad niya pa ngunit tila tulog na na naman ito.

"Hay Jillian, why we only kiss when you're drunk." Naiiling iling pang bulalas niya bago buhatin si Jillian para dalhin sa kwarto ni Arny na nasa penthouse ng bar building.

Kinikilig namang nagbubulungan sina Arny at Lynn habang nakasunod sa dalawa holding the suit of Forr na sinukaan ni Jillian.

***

THE RICHMAN'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon