Matapos naming magbreakfast ni Forr ay may emergency virtual meeting siya with Tania kaya naman ay pumanhik na muna ako sa kwarto para tawagan si Lynn.
"LYNN!!!"
Bungad kong bulalas sa kanya."Uhmm, ano na naman yun?" Curious niya namang tanong sa pilyang tinig.
"Lynn!!!" Pag-uulit kong muling saad sa mas mataas pang tinig.
"Aray ko naman Mars, ang tenga ko! Eh anu ba kasi yu-- OWEMJE!!! MARS DON'T TELL ME?! NARIRINIG KO SA TINIG MO! MAY NANGYARI NA SA INYO? KELAN? KAGABI? AT TALAGANG TINOTOO NINYO ANG SIARGAO HONEYMOON?!" Sunod sunod niyang saad sa excited at mataas na tinig na animo'y kinikilig kaya naman ay pinatigil ko siya.
"Woyy Mars, bunganga mo baka may makarinig!" Saad ko nung humiyaw siya ng napakalakas.
"OWEMJE!!! So totoo nga! Naks naman Mars, finally, ganap na kayong mag-asawa!!!" Mataas parin ang enerhiya niyang saad.
"Woyy bunganga mo!"
"Hmm, so how izit? Kumusta naman ang pakiramdam na maangkin ang isang Forr Claverio?!"
"Gaga! Hindi yun sinadya. Lasing kami kagabi." Putol ko sa kanya.
"Ano?! Lasing? Weee? Naku hindi ako naniniwala sa lasing lasing na yan Mars huwag ako!"
"Well, nakainom kami kaya may nangyari, hindi naman sa lasing na lasing kasi alam namin yung ginagawa namin pero kasi Mars ito nga..."
"Ano? Ano nga?! Ano, nag-usap na ba kayo ni Forr? Nag-aminan na ba kayo ng feelings? Kasi ito na yung part na yun eh. May nangyari na sa inyo, of course dapat lang na pag-usapan niyo diba? Anung resulta? For real na ba?! Naku Jillian excite--"
"Hoy Lynn, dahan dahan ka nga, huminga ka ng malalim. Para kang rapper eh. Walang ganun okay."
"ANO?! BAKIT? PAANO?"
"Well, naopen naman namin kaninang kumakain kami. Forr tried to talk about it p-pero--"
"Pero???"
"But I stopped him. Sabi ko ayaw kong pag-usapan. Na kalimutan nalang namin yung nangyari." Naiilang kong saad nung halos mabingi ako sa tugon niya.
"ANO?! Jillian naman, iyun na yun dapat eh! Yun na yung chance niyo to confess your feelings for each other. Bakit mo naman ginawa yun?" Nanghihinayang niyang bulalas.
"Eh kasi Lynn natakot ako. I was afraid na maopen yun tapos sasabihin niya lang pala na hindi niya sinasadya yung nangyari kagabi, na lasing lang siya, na dapat kalimutan namin yun." Saad ko.
"Ano?! Jillian naman. Knowing Forr? He'll never do that. Besides sabi mo hindi naman kayo masyadong lasing kagabi at alam niyo ang ginagawa niyo. Forr clearly knows what he's doing and I know that he did it because he has a plan, he has feelings for you. Alam mo mismo sa sarili mo na Forr will never take advantage of you or to any woman. You know that he's a responsible man. He'll never take a woman and leave her after like nothing happened. Kilala mo siya, he's a family man. Yung nangyari sa inyo hindi lamang yun dala ng kalasingan. I know he's up to something kaya niya pinili na may mangyari sa inyo. Dapat hindi mo siya pinigilan nung nag-open siya kanina kasi yun na yun Mars eh. That's the moment where you'll fix your relationship. Where you'll make your relationship into something real." Mahaba niyang saad na may halong panenermon kaya naman nakaramdam din ako ng panghihinayang.
"Eh Mars naunahan ako ng takot eh."
"Hmm ikaw kakaoverthink mo yan. Tapos negatibo pa. Well anyways anu pa nga bang magagawa natin tapos na. Pero Mars kapag may chance kayong pag-usapan ulit yung nangyari be more real to him na hah. Mabuti nang masabi yung totoo kahit na masaktan, kesa naman hindi mo na nga nasabi yung totoo, nasasaktan ka pa rin. Mas mahirap yun." Mahaba niyang advice.
BINABASA MO ANG
THE RICHMAN'S FAKE WIFE
RomanceFor the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside her dreams and dignity. However, she wouldn't want to be just like her mother who was branded as sl...