CHAPTER 9

1.8K 36 0
                                    


It's 11pm at katatapos ko lang patulugin si Aiyen at nagdesisyon akong magpunta sa kusina para uminom ng tubig.

Pabalik na sana ako sa kwarto ko when I heard Forr talking to Tania over the phone. I knew it was Tania because he just mentioned her name before ending the call.

"Hay Forr... napaka-workaholic mo talaga." Bulong ko sa sarili ko before going back to the kitchen to get another glass of water for him.

Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok dahil bukas naman ang pinto.

Nadatnan ko si Forr facing his PC inside his glass-walled mini-office at the corner of his gigantic bedroom.

Nilingon niya lamang ako at muling tumutok sa kanyang ginagawa.

Pagkapasok ko sa office niya ay dumeretso na ako sa likod niya noong matigilan ako ng bahagya pagkalingon niya sa akin.

He's wearing an eyeglasses that made him more attractive.

"Jillian?" Basag niya sa aking pagkatulala na ikinaway pa ang mga kamay sa aking mukha kaya nagulat ako.

"A-ah... P-pasensya. N-nagdala nga pala ako ng tubig." Asiwa kong saad.

"Thanks but it's not your duty to do that." He said shortly at bumaling muli sa pc niya.

"Halos gabi gabi kang ganyan nuh?" Pagsasawalang bahala ko sa sinabi niya.

"Hmm?"

"Ah ang ibig kong sabihin, simula noong ikasal tayo gabi-gabi kang late matulog because of work." Saad ko nung magdikit ang kilay niya.

"So, you're eyeing on me?" Pilyo niyang wika.

"H-hah? Hindi ah. I just happened to know kasi  napapansin ko. Mahilig kasi akong uminom ng tubig bago matulog at yun ay pagkatapos kong patulugin si Aiyen kaya late na kasi late talagang natutulog si Aiyen. Tulad ngayun katutulog niya palang kaya lumabas ako para uminom when I thought of bringing you water. Simula kasi nung dumating ka kanina hindi kana lumabas dito sa room mo. You didn't even eat." Mahaba kong saad.

Ngumisi lamang siya.

"S-sige mauna na ako. Tulog kana din you've been spending your wholeday working at the hospital tapos pagdating mo dito trabaho parin. Baka masubrahan kana." Paalam ko nung tumango siya.

"Lagi ka ring puyat because of Aiyen kaya matulog kana din." Habol niya namang saad kaya naman napangiti ako at napahawi pa ng buhok.

Nakalabas na ako ng office niya noong may maalala ako kaya bumalik ako noong magulat ko siya.

"N-nako pasensya na. Nagulat ba kita?" Nakangiti kong saad dahilan para umiling siya at tumawa nalang din.

"Bakit nga pala bumalik ka?"

"Ah yun nga. Hindi kasi kita nakausap buong araw kaya hindi ko to nasabi. Birthday daw kasi ni Mama  and isasabay na din nila yung house blessing dun sa bahay that you gave them kaya may kunting handaan bukas and they're asking for us to come." Naiilang kong saad.

Napakamot lamang siya sa noo sa sinabi ko bago niya ako tiningnan.

"Ah Jillian-- I think I have to say no for now. As you can see I have lots of stuff to do for the hospital." Naiilang niya ring sagot.

"Naku okay lang. Huwag kang mag-alala ako na ang bahalang mag-explain kila Mama kong bakit ka hindi makakapunta." Saad ko kaya naman tumango siya bago nagbitaw ng tipid na ngiti.

Kinabukasan ay maaga akong naghanda ng breakfast for him pero hindi niya ginalaw yun. He just said na nagmamadali siya at sa office na daw magb-breakfast.

THE RICHMAN'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon