CHAPTER 12

1.8K 39 0
                                    

Pag-uwi ni Forr ay gabi na. It's 8pm kaya naman ay tahimik na ang buong bahay na naabutan niya.

"Tulog ka na ba Jillian?" Bulong niya sa sarili while standing infront of Jillian's bedroom. He's still holding the flower that he bought.

Kakatok pa sana siya pero hindi na niya iyun itinuloy. Bumuntong hininga na lamang siya at nilisan na ang pinto.

Dumeretso siya sa kusina to drink water at iniwan na sa lamesa ang binili niyang bulaklak bago pumanhik sa kwarto niya.

JILLIAN'S POV

"F-Forr ikaw na ba yan?" Pagtataka kong saad noong may marinig akong mga yabag sa labas kaya naman agad akong lumabas ng kwarto.

"Nagtungo ako sa kusina para tingnan kong naroon si Forr and I saw a wonderful flower na nakapatong sa lamesa.

"So he's here." Bulong ko sa sarili nung maalala ko na hindi pa pala ako naghahapunan dahil napatingin ako sa mga niluto ko na tinakpan ko na lamang sa lamesa kanina.

"Kakain ba siya, o kumain na ba siya? Kakatukin ko ba siya para kumain?" Saad ko habang palakad-lakad sa harap ng pinto ni Forr nung biglang pumasok sa isip ko si Jazmin.

"Hmm, baka kaya siya ginabi dahil nagdinner na sila ng babaeng yun." Biglang simangot kong saad at mabilis pa sa alas-kwatrong bumalik sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.

"Hay Jillian, nagdadrama ka na naman. Wala kang pakialam dun okay. Shut up!" Pang-aaway ko sa sarili ko bago isinubsob ang mukha ko sa unan.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda ng breakfast. Matapos kong maghanda ay lakas loob akong nagtungo sa silid ni Forr.

Ilang beses akong pabalik-balik doon at sumubok na katukin siya nung biglang magbukas ang pinto kaya naman na-out balanced ako at mahulog sa kanya dahilan para bumagsak kami pareho sa sahig with our body and lips on top of each other at nagtama din ang aming mga nanlalaking mga mata.

Matagal ang tagpo naming iyun dahil sa pagkagulat nung kapwa kami magbalik sa ulirat at naiilang na tumayo.

Napatalikod ako saglit mula sa kanya pagkatayo ko dahil sa hiya ngunit humarap din ako sa kanya agad.

"Uhmm o-okay ka lang?"
"Are you okay?"
Sabay naming bulalas sa isat-isa kaya naman mas lalo kaming na-awkward.

"A-ah, o-okay lang naman ako. Ikaw, mukhang malakas yung pagkabagsak mo sa sahig." Naiilang kong saad nung tumango siya.

"Uhmm y-yeah. I-I think I'm fine." naiilang niya ding tugon.

"Ah, n-nagpunta nga pala ako dito para t-tanungin kong dito ka kakain ng breakfast para maipaghain na k-kita."

"Ah- g-ganun ba, s-sure." nangingimi niyang saad bago nagbitaw ng tipid at naiilang na ngiti na sinuklian ko rin ng kaparehong ngiti.

"K-kung ganun, m-maauuna na ako. Sumunod ka nalang." Muli ko pang saad at dali-dali na akong lumabas sa silid niya.

Pagkarating ko sa kusina ay tila nakahinga ako ng maluwag nung sumilid na naman sa isipan ko ang pangyayarin kani-kanina lamang kaya naman napahawak ako sa labi ko habang nakatulala.

"S-so, we did kiss for real?" Wala sa sarili kong bulalas dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagdampi ang aming mga labi.

"Ey Jillian are you okay?" Maya-maya ay tanong ni Forr na nakatayo na pala sa harap ko.

"F-Forr! N-nandyan kana pala. Sandali lang." Aligaga kong saad at dali dali nang nagha-in.

Pinapanood niya lamang ako habang naghahain kaya naman mas lalo akong naiilang.

THE RICHMAN'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon