Chapter 2

1.1K 74 101
                                    

Chapter 2

Mrs. Lei swatted her son on his arm slightly. "Wilder! Ano ba 'yang tawag mo sa bisita?"

Yumuko ako. Gusto ko nang umalis at magtago mula sa kanila pero hinawakan ni Mommy ang braso ko kaya hindi ko magawa. Isa pa, nakakabastos din naman kung bigla na lang akong aalis.

HIndi ko maintindihan. Bakit kailangan niya akong tawaging ganoon sa harap ng magulang namin? Did he want to embarrass me? Nagtagumpay na siya kung ganoon dahil hindi ko na maiangat ang uulo para harapin sila.

I heard him chuckle. "Bagay naman po, ah—"

"Wilder!" Mrs. Lei cut her son off. "Mitch, Tala, pasensiya na kayo rito sa anak ko. Mahilig lang talaga siya magbigay ng nickname sa mga kaibigan niya." She laughed nervously.

"It's okay, Lei," Mommy spoke on my behalf. "Well... does that mean you already knew my daughter, Wai?"

"Oo naman po. Ah!" His voice volumed up a bit. "Hindi niya po ba ako nabanggit sa inyo?"

Umaangat ang tingin ko mula sa sapatos ko papunta sa kaniya. I furrowed my brows, thinking of the reason why and what would I tell Mommy about him?

"Really? Wala namang nakukuwento sa akin ang anak ko. Perhaps she just forgot to tell me something about her new friend?"

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso nang naisip na baka sabihin niya ang ginawa ko noong huli naming pag-uusap.Oh, no! Isusumbong niya ba ako kay Mommy?!

No, no, no! Mommy will surely give me an earful once she learns about that day!

Bago pa siya makapagsalita ulit, tumingala na ako kay Mommy para magsalita.

"Y-you're correct po, Mommy!" I stuttered and showed her an edgy smile. "I forgot to tell you about him po. Ilang beses na po kami nagkita sa school. W-we are friends na po!"

"Oy, 'di tayo friends, ah! Desisyon ka?" Kuya Wai countered me.

My hands shook and the corner of my eyes heated when I looked at him. Namilog ang mga mata niya.

"H-hala! Joke lang, 'to naman!" Kinakabahan siyang tumawa sabay lingon kay Mommy. "Tita Mitch, tama po ang anak n'yo. Friends na po kami, matagal na. Ang sakit lang po sa damdamin na hindi niya pala ako nakukuwento sa inyo. Grabe. I feel betrayed!" Napahawak pa siya sa dibdib pagkatapos ng madramang sinabi.

"Wala ka rin namang binabanggit sa akin na may bago kang kaibigan, Wilder," ani Mrs. Lei.

Tumuwid ng tayo si Kuya Wai at inalis ang kamay sa dibdib. A playful smirk was now back on his lips.

"Oo nga pala. Quits lang tayo, Miss Minion." Ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng shorts at lumingon kay Mommy. "Excuse me po muna. Magpapalit lang po ako ng damit."

Mommy nodded at him and smiled.

"Wai, isama mo na kaya muna sa itaas si Eulalie? I-tour mo rito sa bahay pagkatapos mo magbihis para naman hindi siya mabagot habang naghihintay sa Papa mo," ani Mrs. Lei. "Dito na rin sila magdi-dinner."

"That's a good idea!" sang-ayon agad ni Mommy at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "I'm sure Eulalie will enjoy your company, Wai. Right, anak?" 

Tumingin siya sa akin. Tingin na kahit hindi nagsasalita, inuutusan akong sumunod na lang sa sinabi niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Itinulak niya pa ako nang kaunti palapit kay Kuya Wai na mukhang may sasabihin pa pero nang napatingin sa akin, napahinga na lang nang malalim.

"Tara," tamad niyang sambit.

"Wilder, 'wag kang gagawa ng kalokohan, ha," paalala ng Mama niya.

"'Kay po..."

Woven on Time (Student Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon