Chapter 16

562 32 46
                                    

Chapter 16

They say time ticks faster when we are happy. If that's the case, I am willing to trade my remaining days for one meaningful day, even if it means I'd die tomorrow. Kahit mabilis lumipas ang oras na iyon, ayos lang, basta't masaya at makabuluhan.

Para saan pa ang mahabang buhay kung puro lungkot at problema lang naman ang haharapin tuwing gigising sa umaga?

Well, maybe for some people, they can get through sadness and obstacles in time. We have different ways to cope with and surpass all of them. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na lang maging masaya ngayon, at mawala na bukas.

"Guys! Start na ng practice natin bukas, ha! Magbasa kayo sa GC hindi 'yong puro kayo seen, aba!" paalala ni Gloria, ang aming secretary, sabay hampas sa table sa harap.

Uwian na kaya may sariling mundo na naman ang iba. May ilang sumagot kay Glo para mapanatag ito pero mas marami ang nag-uusap at nagtatawanan. Wala kasi sina Chinggay dahil may meeting ang mga Class President ng lahat ng strand para sa mangyayari sa Buwan ng Wika. Si Pancho naman ay absent.

Seeing them like this made me ponder if they are genuinely happy. Siguro ang iba, oo. Ang iba, tinatago lang sa bawat ngiti at tawa ang problema. Pero ano naman ang pakialam ko roon?

"Hay naku!" stress na stress na sigaw ni Glo sabay irap.

"Nagre-reply po ako sa gc," sabi ko nang sinalubong siya, dala ang bag. "Hindi po ako seener."

Ngumiti ako sa kaniya. Tumawa siya at tinapik ako sa balikat.

"Sige na, Ate Nuala. Puwede na umuwi. Basta bukas, ah."

"Opo."

Nilagpasan niya na ako. Lumapit ako kay Eris na nakikipag-usap kina Daina at Irene para magpaalam. Tumayo sa pagkakaupo si Eris sa kaniyang armrest at nagpaalam na rin sa dalawa bago lumingon sa akin.

"Let's go home!" Umakbay siya sa akin kaya naman napadala ako pababa.

It's been almost a week since the incident happened inside the campus premise. I fainted that day and regained consciousness in our school clinic with Kuya Lair, Kuya Wai, and Kuya Rain beside the bed I occupied. Literal na mga nakaupo pa sila sa kama sa gilid ko at halos magkapalitan na kaming apat ng mukha nang dumilat ako.

Hindi ko lang tanda ang nangyari kung paano ako nawalan ng malay. They just told me that all classes from senior high to college were dismissed for that day. The student who jumped from the fifth floor of our building was a Grade 12 STEM student. Based on what I've heard from Eris, the girl was depressed (though she wasn't sure if the girl was clinically diagnosed) and it was her last resort to end her suffering.

"Kawawa naman 'yong magulang niya. Balita ko naospital pa ang nanay niya dahil sa nangyari sa anak, e," rinig kong sabi ng isang estudyante noong nakaraang linggo habang kumakain kami ni Kuya Lair sa Dagohoy.

Sa isang pabilog na mesa at upuang nakapalibot sa isang puno kami kumakain kaya may kasama kaming iba. Ang dami kasi laging tao rito tuwing break time, mapa-senior high at college students, kaya punuan. Hindi naman kami nakadikit sa iba pero dahil sa lakas ng boses ay naririnig namin sila.

Kawawa ang magulang... pero 'yong namatay, hindi ba kawawa? If she was clinically diagnosed with depression, o kahit ganoon man ang pakiramdam niya, hindi ba dapat ay siya ang mas inuuwa? Pero bakit parang kasalanan niya pa na ganoon ang naging sitwasyon niya?

"Kaya nga! Jusko, depress depress pa. Ang hirap ng buhay ngayon, uunahin pa 'yan? Ano namang ikaka-depress niya, e, 'di ba mayaman naman sila? Kaartehan lang!"

Namilog ang mga mata ko sa mga sinabi ng isa pang babae kaya hindi ko napigilang ituon ang buong atensyon ko sa kanila. Pero nagulat ako nang may isang lalaking nakasuot ng maroon polo shirt na ang nasa likuran nila. His features were soft but his expression, more so his eyes, was terrifying and deadly.

Woven on Time (Student Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon