Chapter 23

469 27 12
                                    

Chapter 23

I have never been stared at longer than ten seconds like I'm a great abstract being admired by an art enthusiast. Ngayon lang habang parang kinikiliti ang loob ng aking tiyan.

I beckoned across Kuya Lair's face. Parang kulang na lang ay dukutin niya ang mata at idikit sa akin para hindi ako mawala sa paningin niya. His lips were even apart with his head cocked to his left. Dinala niya ako rito sa south gate ng Dagohoy kung saan kaunti lang ang dumaraang estudyante.

"Kuya Lairgren!" I snapped my fingers to catch his attention. "Ano po ang pag-uusapan natin at dinala n'yo pa ako rito?"

Bahagya pa siyang napaigtad at kumurap-kurap bago umiling. Ngumuso ako at pinanood siyang hinilot ang sentido bago muling ibinigay sa akin ang atensyon. Sinuri ko ang mukha niya at tulad ni Kuya Rain, naghihilom pa rin ang mga pasa at sugat nito sa mukha.

"Oh... uh... so..." he started and the scowl on his face intensified as he peeled his eyes off me. "You're a cat."

Gulong-gulo ako sa gusto niyang iparating. His shoulders squared as he turned his head to his right. Naka-gray shirt lang siya at jersey short dahil sa pagkakaalam ko, isa siya sa mga makakalaban ng mga kaklase ko sa basketball mamaya.

Napahawak ako sa mabalahibong tainga ng pusa. "Ah, opo. Iyon lang ba ang sasabihin n'yo?"

Tumango siya. Bumuntonghininga ako kasabay ng pagbagsak ng balikat. I thought he was going to say something important that he had to leave the girl just like that. I felt blue upon seeing them but abandoning her because of me did not palliate the weight in my chest. Dahil mali ang ginawa ni Kuya Lair.

Ganoon din sa akin dahil iniwan ko si Eris. It might be unintentional, but I still abandoned her.

"Okay... Hahanapin ko na po si Eris. Balikan n'yo na rin po 'yong kasama mong babae."

Suminghap siya at kinagat ang ilalim na labi bago tumango. Mabagal akong naglakad hanggang sa nalagpasan siya.

"Nuala," banggit niya at hinuli ang palapulsuhan ko dahilan para huminto ako.

Nilingon ko siya para mag-abang ng idurugtong sa sasabihin. Sa paraan ng paggalaw ng kaniyang panga, pag-alon ng umbok sa lalamunan, at pagpungay ng mga mata, pakiramdam ko ay nahihigit agad ako nito palapit sa kaniya.

Akala ko ay may sasabihin pa siya pero bigla niya na lang hinablot ang tainga ko. It was a bit late for me to realized it! Agad akong tumalon para abutin iyon dahil itinaas niya.

"Kuya Lair! Akin na 'yan, please!"

Tumalon ulit ako nang mas mataas habang nasa taingang hawak niya pa rin ako nakatingin. My ears heated in annoyance. I don't wanna be a one-ear cat!

"Kuya Lair naman, e!"

He snickered like he fancied seeing me trying so hard to reach his hand. Huminto ako sa pagtalon at naramdaman ang sakit sa paa. I pulled down the hem of my skirt and pouted. Napawi ang ngisi niya sa labi at matalim naman ngayon akong tiningnan bago bumaba iyon sa suot ko.

Umirap siya. "Tss..."

The way his eyes lingered down at me felt like I was a prey being hunted by my predator. And it was up to him if he'd have me endeavored.

Kumalma ako nang ilang sandali. When I noticed he was about to lower his arm, I gripped his shirt and jumped again, trying to snatch my cat's ear from his hold. His response was quick enough, though. Hinapit niya ako sa baywang at ipinirmi sa kinatatayuan dahilan kung bakit nasubsob ako sa dibdib niya.

"Aw!" Sinapo ko ang ilong at hinimas bago itinulak ang dibdib niya pero hindi siya nagpatinag. "Aalis na ako. Bitiwan mo 'ko!"

Gumapang paitaas ang kamay niya dahilan para magsitayuan ang balahibo ko roon. His calloused hand seemed huge enough to cover my naked back. I clamped my lips and met his astounded orbs. Nagparte ang labi niya at kinapa pa ang likod ko. Para akong sinilaban sa kinatatayuan sa ginawa niya.

Woven on Time (Student Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon