Chapter 28
I moved in its direction as quiet as a mouse. Dahan-dahan akong lumuhod habang pinapanood siya. Please, don't fly. Please, don't fly.
"Got you!" tuwang-tuwa kong bulalas nang madakot ang cockroach sa tabi ng isang timba.
Ngumisi ako dahil nakikiliti ang palad sa paggalaw niya. I went to the door again and my knuckles kissed the rough door thrice.
"Hello! May tao na po ba sa labas? Na-lock po ako rito sa loob!" sigaw ko ulit.
Bigo ulit akong makatanggap ng responde. May pinakuha kasi rito sa stock room ang kaklase ko pero noong lalabas na ako, the door was already unlocked. Akala siguro ay walang tao rito.
I sat on a beige monoblock chair placed against the wall, swinging my legs while still caging the cockroach in my hand. Sinilip ko siya sa butas sa gilid at gumagalaw pa naman ang antennae niya.
"You are my pet now," I told the cockroach.
Ngumiti ako. Ayaw ni Mommy sa mga pusa o kahit anong mabalahibo na gumagalaw kaya ipinatapon niya 'yong mingming na nakita ko noon. This one isn't furry, but is moving because it's alive. Hindi naman siguro siya magagalit?
Nilingon ko ang sirang wall clock dito. Ano kayang oras na? May bintana naman at kahit hindi iyon nabubuksan ay nakikita ko pa ring nagdidilim na sa labas. Thankfully, kahit pundido na ang ilaw rito ay binibigyan pa rin ako ng sapat na rason para hindi matakot.
My stomach growled as a protest in hunger. Hindi na ba kailangan ni Winnie 'yong pinapakuha niya kanina? E 'yong practice namin, tapos na kaya? Baka pagalitan ako kasi hindi na ako bumalik?
I jumped on my feet to stand when the doorknob created noise. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit roon nang bumukas na ang pinto at bumungad ang tila nag-aalalang mukha ni Kuya El.
"Kuya El! Buti po dumating ka—"
Hinawakan niya ako sa balikat at tumagos sa manipis na telang suot ko ang lamig at panginginig ng kamay niya. He was so close to me. His chest was heavily rising and his breath fanned my face faintly.
"Ayos ka lang?"
Mabilis akong tumango. "Opo naman. Kanina nga lang po ako naghihintay na may dumating kasi na-lock-an po ako, e. Buti sinabi po sa inyo ni Winnie na nandito ako? Ah, 'yong pinapakuha niya nga po pala..."
My litany was put on hold when my face slammed against his chest, and I got enveloped in his virile arms. He was shaking so bad for whatever reason.
"Kuya El, are you okay po?" Pilit kong nilingon sa kanan ang mukha para makahinga. "Naiipit n'yo po 'yong pet ko."
That was the cue for him to release me from his caging arms. He gradually pulled himself from me and looked straight into my eyes. Nagkaroon ng gitla sa kaniyang noo.
"Pet?"
Itinaas ko ang nakakuyom na kamao sa pagitan naming dalawa. The confusion written all over his face was replaced by astonishment, and amusement, maybe?
"Jesus Christ," he muttered. "Iyan ang alaga mo? Talaga?"
I grinned. "Its name is Cock!"
Pumikit siya nang mariin at tumingin sa gilid. He parted his lips when he brought his eyes to me.
"Pakiulit?"
"This cockroach's name is Cock, Kuya El."
"Fuck."
Tinakpan ko ang butas sa kamao gamit ang hintuturo. "Cock. It's Cock, Kuya El," pagtatama ko.
He shot up his brow and the corner of his lips curled. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pangalan na 'yan?"
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...