Chapter 22

458 28 8
                                    

Chapter 22

"Galing, ah. Ang usapan alas dos tayo magkikita. Ano'ng oras na, wala pa rin ang iba? E 'di gagabihin na naman tayo nito?"

Kanina pa nagrereklamo si Pancho at sinisita ang mga kaklaseng late dumating sa meeting place namin. Hinati ang klase sa apat na grupo para mas mapabilis ang paggawa ng mga dapat gawin. Chinggay set a leader for each group that will also serve as watchers if everyone would participate in doing the tasks. The four leaders are Pancho, Eris, Adriel, and Gloria.

Nandito kami ngayon sa Freedom Park para magkita-kita. Kina Denise kasi ang pinakamalapit na bahay kaya wala siya rito. Doon kami gumagawa para bukas, hindi hassle sa pagdala ng mga gamit papunta rito sa school.

"Uhm..." Pinaikot ko ang yarn sa daliri at tumingin kay Chinggay na kagrupo rin namin. "It's already thirty past 2 o'clock. Baka po puwedeng dumiretso na tayo kina Denise at doon na lang din po papuntahin ang mga wala pa? Sayang po kasi ang oras..."

Napalingon siya sa akin pati si Pancho na nakatayo malapit sa amin.

"Dumiretso na tayo kina Denise. I-chat n'yo na lang sa GC para sa mga wala pa," si Chinggay at tumayo na mula sa bench dala ang bag.

Pumayag at sumunod ang lahat kaya itinago ko na ang ginagawang maliit na bride at may koronang bulaklak sa ulo. I'm planning to turn it into a bouquet when her wedding dress is flipped upside down.

Natapos kami sa ginagawa nang bandang alas nuebe. Dinala rin kasi ng ibang grupo ang gawa nila para hindi mahirapan bukas nang umaga. Chinggay assigned some of us to help Denise bring the whole setup to school as early as possible in the next morning.

Bago magsiuwian ang lahat, nag-iwan pa siya ng ilang paalala at pangangaral para sa lahat.

"I hope the next time we'll be having a group meeting outside the campus, everyone will be responsible enough to arrive on time. If you can't value your time, at least learn how to respect someone else's. Ayos lang kung kinse minutos na late, pero ang halos kalahating oras hanggang isang oras?"

Sinuyod ng malamig niyang tingin ang bawat isa, walang tinatagalang titig na tao.

"Parepareho lang tayong may ginagawa at gagawin bukod dito. If there's an emergency, tell us the truth and we will understand. Hindi 'yong parang tanga n'yo kaming pinaghihintay at pinagsasayang ng oras. You know who you are and I'm not going to tolerate that kind of attitude."

Tumigil sa pagbubulungan at hagikgikan ang iba. Eris threw her arm over my shoulder and leaned down to my ear.

"Ready na ba ang susuotin mo bukas? Pusa ka, 'di ba?"

I nodded curtly. Noong Biyernes ko pa natapos iyong costume ko. She was the one who gave me the pattern for that. It's a black halter neck dress with two buttons between its chest hole. It was made of yarn, along with my glove paws with finger holes. Huwag ko raw paabutin sa gitna ng hita kaya medyo maikli rin para sa akin. It's still comfortable, though, since I'd be wearing long socks.

"May ibibigay pa 'ko sa 'yo bago umuwi," bulong niya ulit na nakakakiliti sa tainga.

Humikab ako nang sa wakas ay hinayaan na kaming umuwi. Kanina pa tawag nang tawag si Kuya Rain sa akin, nagtatanong kung anong oras kami matatapos para masundo ako. I couldn't give him accurate answer so he went here to Denise's house to wait instead. Nasa labas nga lang siya at mukhang nasa sasakyan lang.

"Psst! Ate Nuala! Bilisan mo at mukhang inip na inip na 'yong sundo mo!" Denise informed.

"Opo!" Lumingon ako sa paligid, hinahanap ang Mama niya para magpaalam.

Papunta na sana ako sa kusina nila nang sakto namang lumabas mula roon si Tita Nadia, ang nanay ng kaklase ko. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.

"Tita, maraming salamat po sa pagpapatuloy at pagpapakain po sa amin dito. Pasensiya rin po sa abala. Uuwi na po sana kami..."

Woven on Time (Student Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon