Chapter 9
Hindi ko napansin ang bilis ng pag-ikot ng mga kamay sa orasan. I woke up early because Kuya Lair promised to bring me to my new school. Pero habang nasa bath tub at sarap na sarap sa mainit na tubig, nakaidlip ako nang mahigit isang oras.
At kung hindi pa biglang bumukas ang pinto ng banyo at inluwa ang namumutlang kasama sa bahay, hindi pa yata ako magigising.
"Akala ko ay napaano ka na!" singhal niya kaya hindi ko malaman kung galit ba siya o nag-aalala. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot!"
Nakahawak pa ang kaliwang kamay niya sa gilid ng sliding door at ang kamay na nasa door frame ay naihilamos niya sa kaniyang mukha. He looked frustrated but relieved at the same time.
"S-sorry... nakatulog po ako..." maliit ang boses kong sinabi at napatayo nang wala sa sarili mula sa pagkakaupo sa bathtub.
Drops of water from my hair trickled down my body. Humarap ako sa direksiyon niya at naabutang luluwa na ang mata habang nakatingin sa akin. Napaigtad ako nang umatras siya palabas at halos mayanig ang banyo sa sobrang lakas ng pagsarado niya sa pinto.
"Bilisan mong magbihis, ha?"
Ngumuso ako dahil sa lakas ng boses niya. Mukhang galit nga siya dahil nakatulog ako kaya mas lalo akong nagmadali. Nakapulupot ang tuwalya sa katawan ko at maliit naman ang nasa buhok ko. I went out of the bathroom and saw no one but myself.
Mabilis akong nagpalit ng maroon shirt at white jumper pants. Lumapit ako sa tukador para magsuklay ng buhok nang maparaanan ko ng tingin ang ilang bote na iba't ibang hugis, laki, pangalan, at disenyo ng mga mamahaling pabango.
I carefully took one of them and sprayed it in the air. I closed my eyes and sniffed, trying to smell it. The expensive bottle slipped off my hand when a sudden torrent of events from the past flowed into my mind.
"Nuala!"
I opened my eyes upon hearing Lair calling me.
"Ano'ng nangyari? Ayos ka lang? Ano 'yong—"
Natigil siya sa sinasabi nang bumaba ang tingin sa paahan ako. In one swift move, he had me in his arms, sweeping my feet off the floor and gently placed me on the edge of the bed. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang ankle ko para i-check.
"Sa'n ang masakit?" usisa niya kahit pa tinitingnan niya na ang mga paa ko. "May tsinelas ka naman dito pero hindi mo ginagamit. Tss..."
"S-sorry po... nabasag po 'yong bote." Kinagat ko ang ibabang labi.
Hindi siya nagsalita. Halos magbuhol ang kaniyang kilay habang ang mapanuring tingin ay hindi naaalis sa aking paa. My gaze lowered on my feet... and on his hands. Marahan niyang pinisil-pisil ang parte ng paahan ko, naghahanap siguro ng posibleng nabubog. Nang nakuntento at walang nakita, marahan nyang binitiwan iyon.
"Dito ka lang. Lilinisin ko lang itong bubog. Huwag kang tatayo diyan kung ayaw mong mapitik 'yang noo mo," he ordered without glancing at me.
I jutted out my lips. Kinuyakoy ko lang ang mga binting nakasabit sa gilid ng kama habang pinanonood siyang maglinis. He's wearing a gray fitted shirt and a pair of faded pants.
"Madalas po ba ako noon sa ospital?" tanong kong bigla.
Natigilan siya sa pagba-vacuum ng sahig at sumulyap sa akin. Gumalaw ang panga niya.
"Bakit mo natanong?"
"May... naalala po ako. I assumed I was inside a hospital room. White ceiling and walls, the bed, and some medical equipment..."
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...