Chapter 6
I have never been so afraid to sit in my chair while listening to our teacher's discussion until today. Pakiramdam ko tuloy ay electric chair itong inuupuan ko na ano mang maling galaw o salita ang magawa o masabi ko, kukuryentehin ako.
I don't want to be roasted like that. But I couldn't escape. I wasn't a prisoner but I seemed like one, and the person's penetrating gaze beside me was the chain that prevented me from moving.
Mariin kong nilapat ang labi at pinigilan iyong bumuka nang nagbadya ang paghikab ko. Nangilid ang luha ko at panay ang kibot ng ilong dahil sa pagpipigil nang makarinig ako ng mahinang hagikgik. Pinigilan ko talaga ang sarili na huwag lumingon sa katabi dahil baka pag-ikot ng ulo ko sa side niya, may tumusok na lang bigla sa mata ko.
"Hmm... isnabera..."
Walang lilingon, Tala. Hindi naman ikaw ang sinasabihan niya kahit pa ikaw lang ang katabi niya. Pero baka naman 'yong nasa likod namin ang kausap niya?
Nang sa wakas ay natapos na ang klase, saka pa lang ako napalingon sa kaniya at naabutan na nakapatong ang ulo sa braso na nasa ibabaw ng mesa. Nakapikit at ang mga labi ay nakaparte pa.
Hala? Natulog pala siya sa klase? Sana natulog din pala ako.
Lumihis ang tingin ko patungo sa bintana sa gilid ni Kuya El at natanaw si Twyla na halos mapunit ang labi sa pagkakangiti habang kumakaway. May nilabi siya na hindi ko marinig at maintindihan dahil soundproof ang aming silid-aralan.
"Ano po?" labi ko pabalik.
She mouthed something again. Something like, "Kain po tayo."
Tinaas ko ang kaliwang kamay sabay labi ulit ng, "Wait lang po."
She then nodded and watched me as I rose from my seat after fishing out my wallet with our friendship ball hanging on its zipper. Palakad na sana ako nang may humawak sa palapulsuhan ko at hinila iyon. Kumalabog agad ang dibdib ko sa kaba.
"Sa'n ka pupunta?" napapaos pa ang boses ni Kuya El nang tanungin iyon.
Namumungay ang mga mata niya nang harapin ko. He rolled his tongue over his lips and found my eyes. Napansin ko ang medyo pamumula ng kaliwang pisngi niya dahil siguro sa matagal na pagkakapatong nito sa braso.
"U-uh... recess po. Lalabas po ako..." I answered using my small voice.
Humikab siya at binitiwan ako. Nabunutan ng tinik ang dibdib ko at halos madulas na sa floor namin nang tumakbo ako patungo sa pinto. Sinalubong ako ni Twyla nang yakap pagkasarado ko ng pinto sa likuran nang nakalabas.
Napahakbang ako patalikod sa puwersa na dulot ng pagsugod niya. I giggled and hugged her back.
"Yay! I miss you po, Ate Tala!" She kissed my cheek and grinned at me. "Ililibre po kita today!"
My bottom lip thrust forward. "Bakit po? Ano pong meron?"
Humiwalay siya sa akin at pinagsalikop ang kaliwang kamay niya at kanang kamay ko. She swung our arms as we began to march down the hallway.
"Money po. May money po ako kaya ililibre kita!" she said still gleefully.
"I have money, too! Ako na lang po ang manlilibre."
"Well, mine's more than yours po."
Tumigil ako sa paglakad at hinarap siya. She did the same and we stared at each other. I held my wallet up in the air.
"I have like... five hundred and something pesos in this wallet. I have more in my other wallet. How about you?" Itinaas ko pa ang noo, naghahamon.
Exactly after I said that, my wallet got snatched from my hand. Napatingala ako at hinabol ng tingin iyon hanggang sa nakilala ang kumuha nito. My jaw dropped and swept the floor when Kuya El unzipped my wallet upside down hence the money raining at our spot.
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...