Chapter 7
"Ang sabi, art materials lang ang bibilhin. Bakit puro pagkain 'yang dala mo?"
Lumingon ako sa likod kung saan nakasunod sina Kuya Wilder at Kuya El. There was a safe distance in between them while the former was holding the two paper bags. Pagkatapos sa NBS ay nagpasama lang ako sa McDO para mag-take out ng meryenda naming tatlo. They only stayed at the outside, though, and who knows what happened when they were left alone.
"Malamang, galing siyang McDo. Ano'ng gusto mong dalhin niya paglabas doon? Kutsara at plato? Mesa at upuan?" pambabara ni Kuya Wai sa kaniya.
"Puwede rin para may maisungalngal ako sa bibig mo at maihambalos sa ulo mo."
"'Yan! Kaya ka umulit ng Grade 6 dahil barumbado ka."
"'Yan. Kaya kayo natatalo sa DOTA dahil puro ka trashtalk, bobo naman."
"At least hindi repeater sa Grade 6."
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila, dahilan para tumigil din sila sa paghakbang. Ang tingin ni Kuya El sa kasama namin ay para bang ano mang oras ay handa na siyang hambalusin talaga ito.
"Will you please stop with the bandy words with each other?" I pleaded with sinking shoulders.
I fixated my eyes on Kuya Wai.
"Oh, bakit ka sa 'kin nakatingin?" si Kuya Wai na nakakunot ang noo sa akin. "Hindi ako ang nagsimula, ah? Sinagot ko lang siya." Sabay nguso sa kasama namin.
"Ikaw ba ang tinanong ko kanina? Sabat ka kasi nang sabat, hindi ka naman kausap,’ asik ni Kuya El.
"Hindi ako ang tinanong mo pero spokesperson ako ng bubwit na 'to," tukoy sa akin ni Kuya Wai.
Kuya El's forehead crumpled. "Spokesperson ampu—"
"Hoy!" Sinipa ni Kuya Wai si Kuya El sa likod ng binti dahilan para maputol ang sinasabi ng huli. "Bawal magmura sa harap ng bata!"
"Ga—"
"Tumigil na nga po kayo!" singhal ko na at lumapit sa kanila para tapakan ang mga paa nila.
They only looked down at their feet. I narrowed my eyes and scowled at them. Kanina pa sila sa school nagtatalo. Kahit noong nasa sasakyan namin kami at nakapagitan na ako sa kanilang dalawa, nagtatalsikan pa rin ang mga laway nila sa akin. Balak pa yata nilang bawasan ang kulang ko na sense.
"Ikaw po, Kuya El!" Itinaas ko ang kamay at itinuro siya kahit may hawak akong cup holder ng soft drinks. "Stop threatening other people with violence, will you? Nakakatakot ka po kaya!"
Umirap siya. Nagsalita naman si Kuya Wai.
"Miss Minion, iyon nga ang point ng pagbabanta niya. Saan ka nakarinig ng nagbanta pero mapapahalakhak ka?"
"At ikaw naman po!"
Napatuwid siya ng tayo at ngumisi. "Yes?"
"Huwag n'yo nga pong gawing insulto ang pagiging repeater niya. Mali po 'yon. May mali naman po kayo pareho kaya puwede po bang mag-sorry na lang kayo sa isa't isa?" pakiusap ko pa.
Nagkatinginan ang dalawa at para bang may kuryente pang dumadaloy mula sa mga mata nila ang naglalaban sa pagitan nila. Salitan ang tingin ko sa kanila nang pareho silang tumingin sa kabilang direksyon.
"Ayoko."
Huminga ako nang malalim. I couldn't believe that they agreed to disagree. They began to march again past me hence I turned around to follow them. Iniabot ko ang isang paper bag na hawak kay Kuya El at isang inumin habang naglalakad sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...