Chapter 34
Hindi ko na ipinilit ang sarili kong pumasok at pakinggan. Mommy didn't know how much it took for me to finally have the courage to speak and be heard. Naisip ko lang naman na kahit anong pagsusungit niya sa akin, paniniwalaan niya ako.
Kasi... anak niya pa rin ako, 'di ba? At nanay ko siya? Pero imbes na paniwalaan at ipagtanggol, pinalayas niya ako. Nang ganoon lang. Bakit kailangan kong magmakaawa para pakinggan ako ng sariling ina?
Kumikirot ang braso ko sa lalim ng pagkabaon ng kuko ni Mommy pero mas matindi ang sakit na mga salita niya sa puso ko.
I will never forget how I was corrupted and invalidated, like my bad experiences did not matter to anyone. As I walked through the pavement of nothingness, I instilled in my mind that no one would believe my words. I begged my mother, and I only received a punishment. I don't want to beg any other person to listen to me. It's shameful.
Kung saan-saan na ako dinala ng mga paa. Wala akong dala kahit ano kundi ang sarili lang. Tumirik na ang araw. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom pero wala naman akong pera.
Tumigil ako sa isang kanto at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. May isang malaking bato akong nakita sa tabi ng itim na basurahan kaya agad ko iyong inupuan para magpahinga. A passerby threw his garbage in my direction while talking to his friend, hence the plastic landed on my feet. I picked it up and shot it in the right place.
"I'm so hungry," naiiyak na ako habang hinahawakan ang tiyan.
I pouted and covered my face with hands. Nakatukod ang mga siko ko sa tuhod nang nagsimula akong humikbi. Kung dati, tuwing nagbabalak lumayas, hindi pa man ako nakakalayo sa bahay ay magpapakita na si Kuya Dwight. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako natutuloy sa balak.
But now he was in the cell. I missed him so much. I called his name in my mind while weeping silently as though he would suddenly appear before my eyes.
But no Kuya Dwight came. Instead... something rested upon my head which caused me to peek through my fingers.
"Bakit may pakalat-kalat na bilog dito?"
Tuluyan ko nang inalis ang harang sa mukha at tiningala si Kuya El. In his black shirt, ripped jeans, and worn-out shoes—my heart bounced at that very moment. I couldn't help but throw my arms around his waist.
"Iniwan mo ako!" galit kong sumbat habang nakayakap sa kaniya at humihikbi.
"Sorry," tanging sabi niya at hinagod ang likod ko. "Mamaya ka na magalit. Gusto mo bang kumain muna?"
Bahagya akong tumango. Nag-vibrate ang dibdib niya sa pisngi ko. Hindi ko na tatanungin kung bakit iyon agad ang tinanong niya. Sasagutin niya lang ako na palagi naman akong gutom.
"Saan mo gustong kumain?" I didn't answer so he added instantly, "Gusto mong mag-Jollibee? Parang kulang ka sa saya, e."
Tumango ulit ako. Hinawakan niya ang braso kong nakapulupot sa kaniya para kalasin sa katawan niya. Pinaraan niya ang likod ng mga daliri sa magkabilang pisngi ko.
"Tahan na, pumapayat ang pisngi mo, o?" He chuckled. "May motor akong dala. Ayun..."
Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Ilang metro ang layo ng isang itim at malaking motor ang tinuturo niya. Naglahad siya ng kamay sa akin na walang alinlangan kong tinanggap bago kami nagtungo sa motor niya.
He had two helmets—a small and a big one. Puwedeng dala niya dahil may gumamit na, o may sasadyain pa siyang kitain para may paggagamitan ang isa. Kung paano niya akong natagpuan dito ay hindi ko sigurado at hindi ko na rin itinanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/280319814-288-k999236.jpg)
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...