Chapter 24
People keep something under their hat and I am no exemption. Funny because I have a slippery tongue, yet this certain matter is still kept shrouded. Or... that was just what I thought.
Pagkabigay ko ng order sa kanilang dalawa, hindi rin sila nagtagal sa tent namin at umalis na rin dala ang mga binili. I didn't even get to say my line because of embarrassment and uneasiness. Kuya Wai must be proud that I've stopped doing it until the end of my shift.
"Hay, salamat! Makakapagpahinga na tayo!" si Eris habang hinuhubad niya ang apron sa likod ng tent.
"Glo, pa-order po ako ng dalawang Cream-O shake at isang Fewa. Babayaran ko po mamaya," sabi ko sa kaklase bago ibinigay ang apron sa kapalitan ko.
"Pawis na pawis pala ako. Buti na lang mabango pa rin ako. Iba talaga kapag Aspaden perfume ang gamit. Kaya bumili ka na sa akin, 'te!" Eris blabbered and nudged my shoulder.
"Eris, I want to support your business but I don't want to buy something I can't appreciate."
"Hmp..." Ngumuso siya na para bang nagtatampo. "Hindi naman sarili mo ang aamoy sa 'yo. 'Yong ibang tao naman. Iba ang a-appreciate sa amoy mo."
"Do I smell bad, Eris?" I asked worriedly and raised my arm. "Paamoy ng kilikili ko, please. Baka mabaho na po ako."
Yumuko naman siya at nilapit ang mukha sa kilikili ko. "Hindi naman. Pero amoy pawis ka. That's normal, though. As if naman alam mo ang pinagkaiba ng mabaho sa mabango."
I always wonder how it feels to smell something. Closing your eyes when you smell pleasant and twitching your nose if it is pungent. I have been trying to think positively that being born with congenital anosmia is an advantage because I can withstand a place or a person with an awful smell. But in reality, my health was often put at risk because of it.
"Then, don't ask me to buy your perfume, Eris." Ngumiti ako at ibinaba ko na ang braso. "'Yong lipbalm na lang po bibilhin ko ulit kapag naubos na."
"Okidoks!"
Eris ordered her own shake and pancake before we left the tent. Alam naman ni Chinggay iyon dahil kasabayan namin siya sa shift. Wala kaming dalang ibang gamit ni Eris kaya dumiretso na siya sa building namin habang ako, excited na pumunta sa gymnasium para puntahan si Kuya Lair.
"Hi!" bati ko lumalabas na mga estudyante roon. "Tapos na po ang game?"
"Katatapos lang," sagot nito na natigilan dahil sa akin bago ako pinasadahan ng tingin.
"Okay po. Thank you!"
I carefully made my way inside the gym since my hands were full and many students were going in and out. Karamihan ay naka-uniform kaya madaling malaman na halos mga senior high students ang nasa loob.
Lumingon ako sa paligid, naghahanap, nang maramdamang may humihila sa buntot ko. I glanced over my shoulder and saw a bunch of students behind me. Nagtatawanan sila habang ang dalawa ay nakahawak sa buntot kong malapit nang mapigtas sa puwetan ng damit ko.
I moved my hips to gather their attention to me, thinking they'd be ashamed or apologetic for touching my tail. Bigla namang may humawak sa tainga ko kaya napunta roon ang atensyon ko.
"Ayos, ah. Parang totoo!"
"Pahawak din ako!"
"Akin na lang 'to, Miss, ah?"
Iniwas ko ang ulo sa kanila pero nahila na ng dalawa ang magkabilang tainga ko ng pusa habang ang buntot ko ay hinihila-hila pa rin. Tinahi ko pa naman iyon sa damit kaya nag-aalala akong baka kapag hinila nila nag tuluyan, masira bigla ang suot ko sa parteng iyon.
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...