Chapter 5
The guy in a bun hastily hauled the back of my shirt that it made my back clashed against his hard body. Hindi rin siguro inasahan ni Kuya Wai ang biglang paghila sa akin ng lalaking nasa likod kaya naman dumulas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nabitiwan niya ito.
His irises dilated and in abrupt, he stepped toward us and tried to get my hand back to his hold. Subalit bago ko pa maiabot sa kaniya ulit ang kamay ay bigla na lang may tatlong lalaki na mas matatangkad at mas malalaki ang pangangatawan ang pumagitna sa aming dalawa.
"Kuya Wai!"
They blocked my view of Kuya Wilder, making my heart start running like I was in a marathon. Sino ba ang mga higanteng ito? Kakilala ni Kuya Wilder?
"Gago, El! Bitiwan mo ang bubwit na 'yan!" si Kuya Wai na natatabunan ng mga lalaki. "Hoy, papangit n'yo magsilayas nga kayo sa harapan ko!"
My nose scrunched. I could see him attempting to push the boys but two of them went to his sides and locked his arms with theirs. Ang isa naman ay gumilid sa kaliwa ni Kuya Wai bago humarap din sa amin.
"Bitiwan n'yo po ang Kuya Wai ko!" I glared at them. "May guard po sa likod n'yo, sige! Hahampasin po niya kayo ng batuta niya!"
Pinandilatan ako ni Kuya Wai na sinusubukan pa ring bawiin ang mga braso mula sa mga hindi kilalang lalaki. I will remember their faces and report them to the authority.
"Miss Minion, wala 'yong guard sa gate."
"Ay, wala po ba?" Ngumuso ako at tiningala ang lalaking may hawak sa akin na tinawag na El. "Kuya, puwede tawagin ko na lang po muna 'yong guard? Nasa loob po yata, e."
Binitiwan ni Kuya El ang damit ko sa likuran at ipinatong ang mabigat na braso sa balikat ko. Umikot ang mga mata ni Kuya Wai at huminto na sa pagpupumiglas habang 'yong tatlo ay nagtatawanan na. Kumunot ang noo ko lalo.
"Ayos ka, Wai, ah? Pumapatol ka na rin sa kinder student?" tila nang-aasar na tanong ng nakaakbay sa 'kin.
"Tanga, kasing edad ko lang 'yan," ismid n Kuya Wai. "At puwede ba, huwag mong maipatong-patong 'yang braso mo sa kaniya? Lalong 'di lalaki 'yan, e, ang bigat bigat niyang braso mong hayop ka."
Tila mas lalong bumigat ang nakapasan sa aking magkabilang balikat. Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukang alisin iyon sa balikat ko pero halos sakalin niya na ako sa leeg nang ginawa ko iyon.
"Hoy!" Sumipa sa ere si Kuya Wai na tila ba sinusubukang abutin ang mukha ni Kuya El. "Bitiwan mo nga sabi! Mapipipi 'yan!"
Mapipipi? Ako ba ang tinutukoy niya? Hindi naman ako napipipi, ah? But I need to get away from this man's arms!
"Huwag mo 'kong inuutusan, Wai. Magbayad ka muna ng utang mo kung gusto mong pakawalan ko 'tong batang 'to."
May utang si Kuya Wai sa lalaking ito? Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit bigla niya na lang akong hinablot papasok sana sa school? Para magtago sa kanila dahil nakita niya sila... at dahil wala siguro siyang pambayad?
Sinubukan muli ni Kuya Wai na kumawala sa hawak ng dalawa sa kaniyang gilid. "Sinabi ngang sa Lunes ako—"
"E 'di sa akin muna 'to hanggang Lunes din," ani Kuya El at saktong bumaba ang tingin sa akin nang tumingin ako sa kaniya.
Para akong nalagutan ng hininga nang magtama ang mata namin. Kasi naman... nakakatakot! He looked like a hungry tiger ready to devour a fox, reminding me of a certain Chinese fable. In that story, the tiger was so ready to eat the fox but the latter was clever enough to trick the former. The fox made the tiger think that people ran away from them because they were afraid of the fox when in fact, they were afraid of the tiger.
![](https://img.wattpad.com/cover/280319814-288-k999236.jpg)
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...