Chapter 1
"Talon na, Wai!" sigaw ng kaibigan ng nagpahiram sa akin ng ID. "Bilis!"
"Sandali, aba!"
Kumapit ako sa laylayan ng uniform niya sa likod habang nakatingala. "Kuya... b-baka po mahulog siya diyan?"
Ibinalik ko ang tingin doon sa nagpahiram sa akin ng ID. He climbed on the wall from the other side. Siguro ay triple ng tangkad niya ang taas nito. May katabing puno ang pader mula sa labas kaya umakyat muna siya roon.
"Mahuhulog talaga kasi magpapahulog."
"Masakit po 'yon?" I asked.
Sinulyapan niya 'ko. "Alin?"
"Ang mahulog po?"
He shrugged. "Depende kung saan mahuhulog. At kung gaano kataas ang babagsakan."
I jumped in surprise when the boy who let me borrow his ID fell from the wall and landed on his feet and palms. Tumayo naman siya agad at ipinagpag ang dalawang kamay sa isa't isa.
I retrieved my hand from his friend's uniform and clapped. "Ang galing n'yo pong tumalon! 'Di ka po nasaktan?"
His head turned to me and he smirked bashfully. "Sus. Parang 'yon lang, masasaktan na 'ko? Basic!"
"Yabang ampota," sabi ng kaibigan niya.
Naglakad palapit sa amin ang nagpahiram sa akin ng ID. Ang kaibigan niya naman ay nauna nang naglakad palayo sa amin. Inalis ko naman na sa leeg ko ang lace niya bago iyon ibinigay sa kaniya.
"Thank you po pala sa pagpapahiram kahit ang bad po ng ginawa natin. Sasabihin ko na lang po kay Manong Guard bukas ang ginawa ko ngayon para wala na po siyang magawa." I smiled. "Pero 'wag ka po mag-alala, 'di po kita isusumbong!"
Humalakhak siya at nagsimula na ring maglakad. I followed him to his side while still looking up at him.
"Lakas ng amats mong bubwit ka, 'no? Gusto mo yatang ma-guidance, e."
"Amats? Ano po 'yon?"
"Tama."
"Aahh.." I nodded. "Tama naman po talaga na sabihin ko kay Manong ang ginawa natin. Bad po kasi 'yon."
Napahilamos siya sa mukha at binilisan ang lakad. I jogged so I could keep up with his pace. Nang nakita niyang sumunod ako ay tumakbo na siya nang tuluyan. Tumakbo rin ako hanggang sa nalagpasan na naming dalawa ang kaibigan niya.
I protruded my lips when he slowed down until he was back on walking. Tumigil siya bigla sa paglalakad kaya tumigil din ako. I bent forward and placed my hands on my knees, catching my breath. Hinawakan niya ang bag ko sa likod at hinila para ibalik ako sa pagkakatayo.
"Okay ka lang, Miss Minion?"
"Hindi po Minion ang pangalan ko," nakasimangot kong sambit. "Tala po. Ta-la. T-A-LA."
Bahagya niyang itinulak ang bag ko kaya nasama ako palayo sa kaniya. "Miss Minion. Minion. M-I-N-I-O-N." His tone was mocking me.
I don't really understand why he was calling me that. I love minions but my name is not Minion. Alam niya kaya na favorite ko 'yon? Pero paano niya malalaman, e, kahapon nga lang kami nagkita at nagkausap.
"Sa susunod, 'wag mo na kalilimutan ang ID mo, ah? Kapag nakita ulit kita diyan sa labas na hindi makapasok dahil walang ID, titirisin kita."
Humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Feeling ko iniisip niya na kuto o lisa ako dahil parang laging gusto niya akong tirisin.
"Wai, daan muna tayong cafeteria bago pumunta sa room," his friend said.
Nasa likuran na namin siya. Tinasan niya ako ng kilay bago pumikit at bumuka ang bibig para humikab. Tinapik ako ng katabi sa balikat at ngumisi.
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
Любовные романыStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...