Chapter 11
"Babalikan kita rito kapag tapos na kayong mag-usap," ang huling sinabi ni Kuya Lair bago ako iwan nang mag-isa sa loob ng isang coffee shop na pinuntahan namin.
He left me with a cell phone so he could contact me. My feet didn't know how to rest on the floor as I kept on fidgeting my hands and fingers on the table. Para bang nangangati ang mga ito na may gawin habang naghihintay sa kikitaing mga kaibigan ayon kay Kuya Lair.
Kaunti na lang ay babagsak na ang nagbabadyang luha ko dahil pakiramdam ko, iniwan na talaga ako ni Kuya Lair dito. Hindi pa ako marunong umuwi. Idagdag pa na hindi ko alam kung nasaan na ba ang mga tinutukoy niyang kikitain ko.
Kinuha ko ang phone na nasa dalang bag para i-check ang oras. It's been nearly twenty minutes since we arrived here. Ang usapan daw ay alas kuwatro. Maaga lang kami ng ilang minuto nang dumating.
The phone vibrated. I unlocked it and read Kuya Lair's message.
Lairgren:
sabihin mo sakin pag gusto mo na umuwi. alam kong wala pa sila.
Nuala:
Ok lang po. Hintayin ko pa po sila.
Bumuntonghininga ako at napatingin na lang sa labas ng glass wall kung saan ako nakapwesto. Wala akong na-receive na reply sa kaniya kaya nag-type ulit ako.
Nuala:
What are you doing po? Pasok po muna kaya kayo rito?
A few minutes passed and he didn't reply again.
Nuala:
I'm hungry po.
Lairgren:
ako rin.
Parang tumalon ang puso ko palabas sa dibdib nang sa wakas ay nag-reply siya. I snickered inwardly while typing my reply.
Nuala:
Pasok ka po muna rito and order ka po ng pagkain! ^__^v
Lairgren:
lol
Kumunot ang noo ko at pinakatitigan ang screen. I was about to ask what 'lol' means when a beautiful lady sat across from my chair. She was wearing a purple spaghetti top with a big ribbon in front and her hair was pulled into a neat pony tail using a silk scarf headdress. Parang mahihiya ang kahit isang hibla ng buhok niya na tumakas mula sa tali niya.
"Hi!" she greeted genially. "Sorry, na-late kami. My fault! Maaga dumating sa bahay si Axe para sunduin ako kaya lang ay may dinaanan kami saglit sa pharmacy at naabutan ng heavy traffic. Kanina ka pa ba rito? Sorry talaga!"
Her smile was broad and bright. Maputi siya pero dahil siguro sa ngiti niya kaya mas lalong umaliwalas ang mukha niya. Natulala lang ako at napipi dahil sa sobrang ganda niya yata, nagmukha nang dyosa. Para bang isa pang karangalan at pribilehiyo ang makita siya at makausap.
"Hello po... Uh, ayos lang po—"
Napakurap ako nang bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Even her hand was smooth and soft! Dinilaan ko ang aking labi nang napansin ang singsing sa kaniyang daliri.
"It's been almost three years. Kumusta ka na, Tala? Naaalala mo pa ba ako?" Nakangiti pa rin siya tapos ay sumulyap sa likuran ko. "Um-order lang si Axe, ah? Don't worry, he still knows your favorite drink. He's got a good memory!"
Favorite drink? Ginala ko ng tingin ang loob ng coffee shop at tumigil sa may counter. Dalawa lang naman ang nasa counter. Isang babae at lalaki. The latter must be the one she called Axe. Nakatalikod kaya hindi ko makita ang mukha pero nakasuot siya ng pants at beige hoodie.
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...