Chapter 40
He stiffened at my first question. But it looked like he had prepared for it since his lips opened to give me the information I wanted to hear.
"I know it's all too late to ask for this. But I deserve to know," I breathed. "Please, be honest. Tell me everything..."
Huminga siya nang malalim bago nagsimula. "Tinawagan ako ni Manang noong araw na 'yon. Sinabi niyang pinalayas ka ng Mommy mo at hindi niya alam ang dahilan. Wala siyang numero ko at inabot pa ng ilang oras bago niya nakuha kung kanino man ang numero ko..."
Tumango ako. I lost contact with Manang and until now, I have no idea where she is. Siguro nasa probinsya. Now that I don't have to pretend and I can seek assistance to find her, I'll do it. I hope she's still doing good.
"So you were really searching for me. At hindi aksidenteng nakita mo ako?"
Hindi siya tumango o umiling. "I lied to you. I did search for you. Nag-alala agad ako noong nalaman ang nangyari sa 'yo. Pero dahil sa kapatid mo kaya nakuha ko ang impormasyon ng lokasyon mo."
"How?" My forehead creased. "And... I thought you two were not on good terms. Until now."
Nagkibit siya ng balikat. "Akala niya ay may tampo o galit ka pa sa kaniya... kanila. Kaya pinakausapan niya ako na ako na ang pumunta sa 'yo. Baka hindi ka raw kasi sumama kung siya ang susundo sa 'yo."
"Kung siya ang dumating, sasama pa rin ako..."
His chest grumbled shortly. The smile on his face was humorless.
"Kung sana lang ay siya ang dumating, hindi ka lalo mapapahamak."
Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy siya.
"Noong nagbanyo ka, tumawag sa akin ang Daddy mo. He asked if I had seen you, and I told him yes. I initially planned to send you home—"
"You thought I was rebelling!"
"Oo, kasi ayaw mong magsalita. I was provoking you to tell me the truth even though I already knew it. I wanted the truth from your mouth. I wanted to know what really happened."
Bumilis ang paghinga ko at hinarap siya lalo. "I... I was devastated. Mommy didn't believe my words before I was thrown out of the house. That was why I didn't tell you anything. I was... I was..."
Hindi ko maituloy ang sinasabi dahil sa mga hikbi. He rocked me slightly and caressed my back. Pinahilig niya ako sa kaniyang dibdib habang pinapatahan niya.
"Shh..."
"Takot akong magsalita dahil takot akong hindi ulit pakinggan. Tulad ni Mommy," I cried on his chest.
"Alam ko... alam ko na... sorry... sorry..." alu niya habang patuloy na hinahagod ang likod ko at hinahalikan ang ulo ko. "I'm sorry... do you still want me to continue?" puno ng pag-iingat niyang tanong.
For my peace of mind, I nodded.
"Your father's men were really looking for you. Sabi ay may susundo sa 'yo... iyong puting van. Hindi ko kilala ang lahat ng tauhan ng tatay mo pero alam kong lahat sila ay pormal na nakauniporme, tulad ng mga kumuha sa 'yo."
Para siyang hirap na hirap banggitin ang bawat salita. He rested his forehead on my head. Ramdam ko ang bawat mabibigat niyang paghinga.
"Tangina... nagkamali ako. Sanay ako sa mga maling desisyon sa buhay at wala akong pakialam kung ano ang magiging kapalit ng ginawa ko. Pero tangina..." Nanginig ang balikat niya at hindi na natuloy ang sinasabi.
Umahon ako sa kaniyang dibdib at hinarap siya. Namumula at basa ang kaniyang mga mata nang matagpuan ko iyon. Kuminang ang parte ng pisngi niyang dinaanan ng luha. I cupped his face with my trembling hand. Pumikit siya at hinilig ang pisngi sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomanceStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...