TW: Sexual and substance abuse. If you are uncomfortable, please skip the chapter.
Chapter 36
But the fire burned the candle wick and the wax melted around the center. Naupos ang kandila kasabay nang pagdilat ng aking mga mata sa malagim na putok ng baril. My body thrust up, jostling my cousin on my side. Napabangon si Twyla at agad akong niyakap at hinagod ang likod.
"Ate Tala, it's okay. I'm here," she said, trying to calm me.
I grasped for air. Nothing's scarier than waking up with a traumatizing gunshot.
"I've observed that they shoot a gun every morning at 7 o'clock. It's like an alarm for everyone in this building," aniya at itinuro ang mesa. "It's seven-oh-one now."
May digital clock na nakapatong doon. Kinalabit niya ako sa braso at itinuro naman ang pader kung nasaan ang bakod bakod. May hawak na siya ngayong marker at gumuhit ng maliit na linya katabi ng sa huling bakod. Siguro ay kinuha niya roon sa may mesa dahil may ilang ballpen din akong nakita at papel doon kahapon.
"It's our twenty-third day here," malungkot niyang sinabi pero ngumiti rin sa akin. "Good morning, Ate Tala. Kahit nakakulong pa rin tayo rito, mas masaya akong gumising ngayon kasi nandito ka..."
Ngumiti ako pabalik pero hindi iyon nagtagal nang bumukas bigla ang pintuan. An armed man stepped inside and pointed his rifle at us. Kumawala ang impit na tili sa aming magpinsan at naghawak-kamay habang tinatakip ang isang kamay sa mga mata ng isa't isa.
"Labas! Bilis! Kundi papuputukan ko kayo!" sigaw niya sa amin.
Nagkukumahog kaming umalis sa kama para sumunod sa takot na gawin niya nga ang banta. The man never aimed his rifle at anywhere than us as he motioned the way to the stairs. We climbed up until the fifth floor where we spotted five more girls in one corner.
We were paralyzed on our spot. Gutay-gutay ang mga damit nila at nangingitim ang balat sa dumi. Wala pa silang suot na sapin sa paa. The four armed men scattered on the floor, guarding to prevent anyone from escaping.
"Oh, nandito na ang bago n'yong mga kaibigan," sabi ng isang armadong lalaki at humalakhak.
Nagkatinginan kami ni Twyla. 'Yong lalaking nakatutok ang armas sa amin ay itinulak kami palapit doon sa lima pang babae.
"Simula ngayon, 'di na kayo buhay prinsesa rito, ha?" sabi niya sa amin.
May lumapit sa aming isa at tumigil sa harapan namin kaya huminto sa pagtulak ang nasa likod. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Twyla.
"Oh, saan nga rito 'yong ginawang parausan ni Boss? Nagsawa na?"
"'Yan yatang may mahabang buhok. Malamang, nagsawa na kaya dito na sila..."
"Batang-bata pa, ah? E 'di puwede na rin nating gamitin? Itong isa?"
My heart raced when the guy in front of us stroked my cousin's head. I swatted his hand and immediately used myself to shelter my cousin from him.
"Don't you dare touch my cousin with your filthy hand!"
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tapang para sigawan siya. Basta ang alam ko, hindi ko hahayaang hawakan pa nila ang pinsan ko hangga't nandito ako.
"Aba... ang tapang ng bata, a? Sarap sana sa kama ng mga ganitong lalaban. Kaso nalaspag ka na ni Boss, e." Tumawa siya.
"Tama na 'yan, Fred," saway ng nasa likod ni Twyla at tinulak kami pagilid. "Kayong dalawa, pumunta kayo roon sa mga bago n'yong kaibigan."
I gritted my teeth. My vision blurred because of unshed tears. Twy shook her head as though telling me to stop the fuel of anger before I could explode. Sumunod na lang kami hanggang sa naupo rin kami sa tabi ng pader kasama ang iba pang biktima.
BINABASA MO ANG
Woven on Time (Student Series #3)
RomansaStudent Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some students grow up exercising Filipino Time habit that silently expresses impoliteness and disrespect to th...